Chapter 35:

31.6K 513 42
                                    

***

(Althea)

Hindi ko ito gusto. Hindi sa simula pa lang. Hindi ko gustong iwan ang anak ko. Pero wala akong pag pipilian. I have no choice sa simula pa lang.

Ang gusto ko lang naman, mailigtas ang anak ko. Ang mabawi si Jacob. Ang mabuo ang pamilya ko. Mali bang maghangad ng mga bagay na dapat naman talagang para sa amin?

Patawarin nawa ako ng langit sa mga magagawa ko. Pero ano't ano pa man, wala akong pagsisisihan.

"Good afternoon hija, may kailangan ka ba?" Isang matandang babae ang nagbukas ng gate. Magalang syang nakangiti kaya naman ibinalik ko ang pabor.

"Good afternoon din po, nandyan po ba si Roger at Cynthia?" Tanong ko. Bahagya nyang binuksan ang gate at pinatuloy ako.

"Pasok ka hija, antayin mo lang at pabababain ko sila." Dinala nya ako hanggang sa sala ng bahay. Isang napakalaking bahay. Kung susuriing mabuti, kapansin pansin na napapalamutian ito ng mamahaling chandelier. Pero kahit gaano kaganda ang bahay na ito, ramdam ang kalungkutan. Walang kahit anong family portrait na nakasabit. Tila ba hindi pamilya ang nakatira roon.

Sa isang napakahaba at engrandeng stair case bumaba ang may kaedaran nang ginang kasunod ang kabiak nito. Pinanginigan ako ng kalamnan. This is it. Makakaharap ko na sila. Ang mga magulang ng asawa ko. Jacob's parents.

"Althea Hija!" Awtomatikong nangunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko hindi ko naman sila kilala. Ngayon pa lang din naman ako nakatungtong sa bahay na ito, kaya paanong kilala nya ako? At para bang giliw na giliw sya sa akin.

"K-kilala nyo po ako?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Imbes na batiin at tugunin ang mainit nyang yakap. Yung kalinga at yakap na gusto kong madama mula kay Mommy tila nararamdaman ko ngayon. Sa bisig ng ina ni Jacob.

"Oo naman hija." Namumutawi sa mukha nya ang galak bagaman may luha sa kanyang mga mata. I looked at her. Sa kanya nakuha ni Jacob ang kagaanan ng kamay nito. Sa mga haplos ng ginang, nararamdaman ko ang bawat hagod sa likod ko ni Jacob na syang laging nagpapatulog sa akin.

"Paano po?" Hindi ko maiwasang tanungin. Pero bago iyon pinaupo muna kami ni Tito Roger.

"May mga mata kami hija. At lahat ng tungkol sa anak namin alam namin yun." Magiliw ang pakikitungo sa akin ng ginang. Kung ganoon pala, hindi ko na kailangan pang magpakilala. Marahil alam nila na asawa ako ng anak nila.

"Ikaw si Althea Gomez diba? Ikaw ang asawa ng anak ko. I'm glad na finally, nakilala kita." Hinawakan nya ang kanang kamay ko at saka ako muling niyakap.

"Bukod pa dun, alam din namin na may mga anak na kayo. Kung alam mo lang kung gaano ako kasabik na mayakap ang mga apo ko." Mababakas ang pangungulila sa mga mata nya. Ayon sa mga nalaman ko may galit at tampo sa kanila si Jacob, kaya hindi man lang nya ito nabanggit sa akin. All this time akala ko mag isa na lang sya sa buhay, without knowing na may mga magulang na nangungulila sa anak nila.

Ayokong matulad kay Jacob ang mga anak namin. Malayo ang loob sa magulang at sarado ang puso para sa mga ito. Hindi ko kakayanin kung magkakaganoon ang mga anak ko. I want them to grow up happy and contented. Yung malayo sa gulo, masaya at walang inaalalang banta sa mga buhay nila. Kaya kailangan kong gawin to.

"Chase and Chans, hindi po nila alam ang tungkol sa inyo. Kahit ako po. We thought na Jacob is all alone." Rumehistro ang lungkot sa mukha ng ginang. Kahit tahimik lamang ang kabiak nya sa tabi ay tiyak na pareho sila ng nararamdaman.

Pare pareho lang naman ang gusto ng mga magulang. Ang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga anak. Na maibigay lahat ng pangangailangan nila. But in their case, nakakaawa. Oo't naibigay nga nila lahat ng pangangailangan at luho ng anak nila, pero ang loob ng bata tuluyan nang napalayo sa kanila hanggang sa kinamuhian niya ang mga ito.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon