***
(Althea)
"Jacob, sigurado ka bang okay lang 'tong suot ko?" Ipinakita ko sa kanya ang suot kong dress. Ang bilis lang ng panahon, eight months and a half na si baby at natapos na ako sa paglilihi. At awa ng Diyos, walang nangyayareng masama.
Tinanguan nya lang ako at saka nginitian. May appointment kami ngayon sa OB ko. Halos two weeks na lang kase, manganganak na ako.
Sa wakas baby, makikita ka na ng mga kuya mo. Sobrang excited kase nila. Napakarami kong gustong gawin kapag nandito ka na.
My baby is a girl. At gaya ng napag usapan namin ni Jacob, papangalanan namin syang Jake Theasia.
"Let's go?" Inihaya nya ang kamay nya at inalalayan ako. Sa halos siyam na buwang pagbubuntis ko, hindi kailanman nagbago si Jacob. Araw araw mas nagiging sweet sya.
Tinanggap ko ang kamay nya at sabay na kaming lumabas ng kwarto. How lucky I am to have this man? Sobra. Sobrang swerte ko, na may katulad nyang nagmamahal at nag aalaga sa akin.
Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko, he entertwined his with mine. This simple gesture of him, sapat na yun para pakiligin ako. And you know what? Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang nabago ko sya. Naalala ko pa na ipinangako ko kay Michael na susubukan kong baguhin si Jacob, and here, nagawa ko na. Naibalik ko ang dating sya.
"Mom! Bwing us pasalubong okay?" Naabutan namin ang kambal na naglalaro sa sala kasama si Rio. Minsan sumasagi sa isip ko, si Rio pag nagkaroon ng anak, ang suwerte ng batang yun. Dahil napaka alaga nya. Itinuring na nya ang kambal na parang tunay nyang mga anak.
"Stop it Tito Rio! You're irritating me!" Singhal ni Chase sa kanya. Kinikiliti nya kase ang tengga ni Chase gamit ang isang hibla ng walis tambo. Iritang irita naman ang mukha ni Chase at tatawa tawa naman si Rio. Hindi na sya umaalis ng bahay dahil sya ang bantay ng kambal. Si Andrew naman lagi lang nasa kwarto at kung minsan tulala. Hindi ko naman magawang kausapin dahil mas gusto nya ang mapag isa.
"Take care of them." Bilin ni Jacob. Niyakap ko sila at hinalikan sa pisngi.
"Be good okay? Wag nyong pag titripan ang mga tito nyo." Dagdag ko pa. Minsan kase, bigla na lang umalingawngaw ang sigaw ni Rio at Andrew sa mansyon. Nagmamadali kaming bumaba, only to find out na ginawa raw coloring book ng kambal ang mga mukha nila. Kung anu anong ginamit nila para lang matangal ang drawing sa mukha nila. Permanent marker kase ang ginamit ng dalawa. Kaya ang ending, namumula ang mukha ni Rio at Andrew kakakuskos.
"Yes Mom." Halos sabay na sagot nila. Jacob patted their heads. Sumaludo lang si Rio at umalis na kami.
"I'm so excited." Mula sa tingin ko sa labas ng bintana, binalingan ko sya. Nakatingin lang sya ng diretso habang nagmamaneho. Pero may ngiti sa mga labi at mata nya.
Alam ko kung ano ang tinutukoy nya, 6 months pa lang si baby sinasabi nya na yun, oras oras, minu-minuto.
"Jacob, halos dalawang linggo na lang." Tatawa tawang sabi ko. Napapailing na lang ako. Gusto nya kaseng madaliin ang pagbubuntis ko at gagawa pa raw kami ng basketball team.
"Hindi na ako makapaghintay na maging coach." Saad nya at humagihik. Oo humahagikhik si Jacob. Kung naririnig lang siguro sya nina Rio pag ginagawa nya yun, baka sandamakmak na kantyaw ang inabot nya.
"Baka nakakalimutan mong babae ang anak natin?" Yan ang ikinatatakot ko. Yung paglaki ni Theasia eh maging maton sya. Kilala ko si Jacob at ang kambal, sigurado akong kung anu ano ang ituturo nila sa bunso namin. Kailangang bantayan ko sila. Gugwardiyahan nila sya, sigurado yun. Ayaw ko namang maging tomboy ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
General FictionEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?