***
(Althea)
"Ate Thea, pansin ko lang, mula noong nakaraang linggo ka pa naka ngiti ah." Nabaling ang atensyon ko kay Seven na sa kasalukuyan any nag gagayat ng patatas. Kami lang ang tao rito sa bahay, paggising namin kanina wala na si Jacob. Balak namin syang ipagluto ng menudo, baka kasi dito sya mananghalian.
"Tell me Ate Thea, Ano bang nangyare sa inyo ni Kuya Jacob last week?" Namula ako sa sinabi nya. Nangyare... Nangyare.. Aaaahhh!! It pollutes my mind. Muli ko na namang nagunita ang sensayong pinagsaluhan namin ni Jacob. Kung paano nya ako tingnan, na para bang ayaw nya akong mawala sa paningin nya. Kung paano nya sinaway at sinigawan si Michael ng yakapin ako nito. At kung paano nya ako hawakan ng may pag iingat, na para bang isa akong babasaging bagay. He's posessive. Kung ang iba ayaw sa mga posessive, na akala nila eh sinasakal sila sa pagmamahal, ako, gustong-gusto kong ipinagmamadamot ako ni Jacob sa iba, na para bang mahal na mahal nya ako.
Mahal na mahal nya ako...
Mahal na mahal nya ako...
Mahal na mahal nya ako...
Mahal nya nga ba ako? O Nadala lang talaga ng pangangailangan nya bilang isang lalake?
Hindi ko mapigilang malungkot sa ideya na, mahal nya lang ako pag kailangan nya ang katawan ko. Pero kahit ganoon hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Tawagin nyo na akong hibang, desperada o martyr pero minsan lang ako sa buong buhay ko nakaramdam ng ganito. Kaya kahi gawin nya akong laruan o parausan, tatanggapin ko. Ganun ko na nga yata sya siguro kamahal. Handa akong isakripisyo ang kalayaan ko para sa kaligayahan nya. Okay lang sa akin na may mahal say o magmahal sya ng iba, basta wag nya akong ipagtatabuyan, kase hindi ko kaya... Hindi ko na ata kaya na mawala sa tabi nya. He has been my comfort zone. Pag nasa tabi ko sya, para bang walang mananakit sa akin, kahit na ang totoo eh, sya mismo ang nagdudulot ng lahat ng sakit sa buong pagkatao ko.
Minsan napapatulala na lang ako at naitatanong sa sarili ko. Bakit ko nga ba minahal si Jacob? Dahil ba gwapo sya? Oo para sa akin napaka gwapo nya. Ang mga mata nya na kakikitaan ng napakaraming kamangha manhang emosyon. Ang napaka tangos nyang ilong na kahihiyaan ng kahit sinong lalake. Ang mapupula nyang labi na hindi mo pagsasawaang halik halikan. At kahit ang noo nya, nagugustuhan ko pag galit sya, kapag nagsisimula iyong kumunot. Pero hindi dahil sa gwapo sya kaya ko sya nagustuhan. Kase ang totoo, hindi ko rin alam kung ano, bakit at paano ko sya minahal. Once na nagmahal ka, hindi naman kailangan ng kahit anong rason diba? Love do exists in many ways. Mahal ko sya at sapat na sa akin na nasa tabi ko sya kahit na ipagduldulan sa akin ng mundo na hindi nya ako kailanman mamahalin.
"Earth to Ate Thea! Masusunog na po ang niluluto mo." Napa kurap kurap ako nang iwinagayway ni Seven ang kamay nya sa harapan ko.
"Ah-- oo eto na." Wala sa sarili akong tumayo at inasikaso ang niluluto ko. Nang matapos kami sa pagluluto, inihanda na namin ang lamesa.
Maya maya lang narinig namin ang pagbukas ng main door ng mansyon. Agad akong tumakbo papunta roon, dahil alam kong si Jacob na ang dumating. Pag dating ko nasa may salas na pala sya, at may kausap na babae. Lumapit ako sa kanila, si Ashley pala ang kasama nya. Kahit na hindi ko gusto ang ugali nya masaya ako na ligtas siya. Sa dalawang linggong pagkawala nanggayayat sya. Pero si Betty--
"Si-- si Betty?" Mautal utal kong tanong sa kanila. Nakita ko ang pag yuko ni Ashley, at unti unti akong nilingon ni Jacob. Yung-- yung damit nya may bakas ng dugo. Namutla ako. Si Betty...
"I'm sorry, she's dead on arrival." Nagkarera ang mga luha ko sa pagpatak. Si Betty gaya ng iba, wala na. Bumigat ang pakiramdam ko, kamamatay lang ng tatlo sa kanila nasundan na naman ng isa. Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Jacob. Tuluyan na palang nakaakyat si Ashley papunta sa kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
Ficción GeneralEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?