***
(Althea)
Masaya kaming pumasok ng mansyon. At yung kambal hindi mapaghiwalay. Ang dami dami nilang kwento sa isa't isa. Si Chans balik na sa dati nyang sigla. Si Chase naman, indenial pa, pero alam kong masya rin sya.
Jacob held my hand. Tiningala ko sya, and even him. Kahit ang isang seryosong Maniago, may nakapaskil na ngiti sa labi nya.
"Roger! Roger!" Excited na tinawag ni Mom Cynthia si Tit--Dad. Okay, hindi lang ako ganoon kasanay. Humigpit ang kapit ni Jacob sa kamay ko. I just smiled at him. Alam ko, matagal rin silang hindi nagkita ng Dad nya.
"Ano ba yun Cynthia ke aga ag-- Son?!" Napangiti ako nang makita ang reaksyon nya. Mula sa noong nakakunot, bigla iyong umaliwalas nang mapagtanto nya kung sino ang nasa tabi ko, sa harapan nya.
"Dad." Halos pabulong na sabi ni Jacob. I can feel the tension on his body. Binitiwan ko ang kamay nya. May pagtataka nya akong tiningnan, pero hindi ko na sya pinansin pa. Kailangan nila ng father and son time.
Nilapitan ko ang malu luhang si Mom Cynthia at binulungan sya. Agad naman syang pumayag sa suhestyon ko at nagpaalam sa mag ama.
"Ah, eh, maiwan muna namin kayo, Althea and I will cook lunch." Nagkanginitian kami at saka nag diretso sa kusina. Yung kambal kasama ata yung mayordoma ng mansyon sa play room nila. Yes, ganun kayaman ang mga Maniago. More than I am expecting. Kahit nga siguro hindi na sila magtrabaho, mabubuhay sila.
"Salamat hija." Napatunghay naman ako dahil sa sinabi nya. Nag gagayat ako ng patatas para sa menudo na lulutuin namin. That's her specialty raw, and I'm glad to help. Minsan lang, no. Ngayon lang mangyayare na sabay sabay kaming kakain, yung buo kami, including then.
"Para saan naman po?" I asked. Wala naman syang dapat ipag pasalamat sa akin. Kung tutuusin nga, ako pa dapat ang magpasalamat dahil inalagaan nila ng mabuti si Chans habang wala ako.
"Kase napapayag mo si Jacob na bumalik dito." Pinunasan nya ang mumunting luha sa mata. Binitawan ko ang hinihiwa ko at hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa lamesa.
"Ma, wala naman po syang magagawa. Magulang nya po kayo. At isa pa, outside de kulambo sya pag nagkataon." Biro ko pa. Napatawa na lang sya at saka ako niyakap.
"I'm glad that Jacob found you. I wish all the best for you two." Sana nga Mom Cynthia. Sana nga.
"O sya tama na ang drama, baka sumama ang lasa ng menudo." Humiwalay na sya sa yakap at ipinagpatuloy ang ginagawa nya. Wala na akong masasabi pa kay Mom Cynthia. Napakabait nya, kaya hindi na ako magtataka kung paano nainlove sa kanya si Tito Roger.
Tawa lang ako ng tawa habang nagluluto kami. Ang dami nya kaseng kwento tungkol sa kanila ni Dad. Mula nung una raw sya nitong nakita sa fountain. Kung paano nya ito sinungitan, sinupladahan at sinagot sagot noon. Hanggang sa nagligawan daw sila. Yung mga kalokohan nila. Grabe maluluha ako sa saya. Minsan daw kase nagpunta sila sa mall, para manuod ng sine. Pero naiinis daw sya kase ang lalagkit ng tingin ng mga babae kay Dad, kaya raw ang ginawa nya nilipstickan nya si Dad kaya naman napagkamalan syang bakla.
Sa isang banda, hindi ko rin naiwasan ang mainggit. Kase, nagawa nila yun, yung magkulitan, mamasyal ng magkasama, manuod ng sine, simpleng date sa park, sa beach o kahit sa side walk lang. Kami kase ni Jacob, we never done any. Pero marami pa naman kaming time kaya okay lang. Mas masaya nga kase madadagdagan na ulit kami. Gustong gusto ko na sanang sabihin kay Mom Cynthia pero mamaya na lang sa pananghalian, masurpresa man lang pati ang kambal. I wonder kung anong magiging reaksyon nila.
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
General FictionEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?