***
(Michael)
We were driving our ass off papunta sa bahay ni Jacob ng nilukuban ako ng kakaibang kaba.
Nasa may gate pa lang kame, pero kita na mula rito ang bukas na main door ng bahay. Alam kong napansin din yun ni Jacob dahil agad din syang bumaba mula sa sasakyan nya at patakbong tinungo ang mansyon. Agad ko syang sinundan, thinking what happened.
"Shit!" Rinig kong mura nya. At kahit ako halos mangatog sa galit sa nakita ko. Isa sa mga koleksyon ni Jacob ang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
Lumabas ang isang babaeng sa pagkakatanda ko Shiela ang pangalan, mapupula ang mata at umaagos ang luha, nanginginig din ang katawan nya.
"Seven." Nilapitan sya ni Jacob na may pag aaalala sa mukha, napa ngiti ako. Kahit papaano may sumisilip nang isang bahagi ng dating sya. Mapag alala, maalaga at mapagmahal.
Nilapitan ko ang babaeng nakahandusay sa sahig at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha nya. Gayon na lamang ang galit na nadama ko sa kung sino mang hayop ang gumawa nito.
She's Lily, tumambad sa akin ang mukha nya na kababakasan mo ng sakit. May tama sya ng baril sa sintido nya at tantya ko Tokarev TT-33 ang baril na ginamit dito.
Napaka gago ng gumawa nito, inaamin ko kahit hired killer ako, hindi man lang sumagi sa isip ko na pumatay o kahit manakit man lang ng isang babae.
"Who did this?!" Umalingawngaw ang boses ni Jacob at nagliliyab ang mga mata nya sa galit.
"Wi-wilson." Sagot ni Shiela na may takot at panginginig, marahil ay na trauma sya.
"F*ck! That bastard! Where are the others?" Muling tanong nya ngunit iling lang ang isinagot sa kanya ni Shiela, sinyales na hindi nya alam kung anong nangyare sa iba, kung buhay pa ba sila o patay na.
Wilson Maniago Franco
Napa ismir na lang ako ng maalala ko sya. That asshole!
He is Jacob's cousin. At ang hayup na yun hindi na tinigilan si Jacob, mula ng araw na yun.
Flashback:
"Ah sir, may gusto po sa inyong kumausap." Dumungaw mula sa pinto ng opisina ni Jacob ang kanyang sekretarya. Nakatambay ako ngayon dito to discuss business matters.
"Who?" Tanong ni Jacob na nakatitig pa din sa monitor ng laptop nya at hindi man lang pinukulan ng tingin ang sekretarya.
"Mr. Trinidad." Kaswal na sagot ni Lea? Ata. Doon na nagtapon ng tingin si Jacob sa kanya na medyo may pagtataka sa mukha.
"Let him in." Ilang sandali pa, pumasok ang isang matandang balbas sarado, nakasuot ng gray na amerikana na tinernuhan ng itim na tie, bukod dun may hawak din syang baston na nagsisilbing tukod nya tuwing maglalakad. Gayun paman, kahit halata na ang katandaan nya hindi pa rin maitatanggi ang istrikto at karespe respeto nitong aura.
"Take a sit Mr. Trinidad." Mahinahong alok ni Jacob sa matanda. Tahimik namang umupo ito sa tapat ko sa harap ng table ni Jacob.
"What do you want?" Walang kiming tanong nya sa matanda. Habang ako tahimik lang silang pinagmamasdan.
"I want you to kill someone. Name your price." Nang marinig ko ang boses ng matanda hindi ko napigilang mapahanga. Kahit ganoon ang edad nya ay buong buo pa din ito.
"Who?" Muling tanong ni Jacob na ngayon ay kiming hinihimas ang kanyang baba na wari mo'y may malamim na iniisip.
"Frank Sy." Muntikan akong mahulog sa kinauupuan ko. Ano kayang nasinghot ng matandang toh? Napaka imposible ng ipinapagawa nya.
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
General FictionEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?
