***
(Althea)
"Bye Mom, Dad." Hinalikan ko sila sa pisngi at saka niyakap. Halos isang linggo rin kaming namalagi rito sa mansyon nila, at sa buong isang linggong yun naging masaya kaming lahat.
But Jacob insisted na bumalik kami sa mansyon nya, where we truly belong. At sino ba namang makaka kontra sa gusto nya? Even the kids want to go back. Namimiss na raw nila ang kama, ang laruan, basta everything about that house daw. Kaya napa 'oo' na lang ako. Mag aama ko na ang nag request. Tatlo sila, isa lang ako.
At syempre may kapalit yun, kailangang sa mansyon din tumira si Rio at Andrew. Ayoko kaseng magbaka sakali sa kaligtasan namin, lalo na ng kambal. And that two are a great help.
"Bye Lola Momita." Hinalikan ng kambal si Mom at yumakap naman kay Dad.
"Bye Tita." Isa isa na ring nag paalam sina Rio. Kanya kanya naman kaseng sasakyan sila kaya okay lang kung sinong mauna sa mansyon.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang mapadaan kami sa isang mall. Namangha si Chans at nagpilit na pumunta raw kami roon. Wala na akong nagawa pa kundi pumayag, nang pati si Chase at Jacob ay simang ayon din.
Nag hanap muna kami ng available na parking at saka magkakahawak kamay na pumasok sa mall.
"Mom! Look oh, thewe's a big bee. Pewo bakit po colow wed at yellow sya? Di po ba ang bee ay black and yellow?" Saad ni Chans habang itinuturo ang estatwa ni Jollibee na nadaanan namin. Si Chase tatawa tawa lang. Siguro na iimagine nya rin kung anong itsura ni Jollibee kung yellow and black ito.
"It's Chans's first time to go to a mall." Malungkot na sambit ni Jacob. Hindi ko maiwasang mahabag. Noong kaseng kami pa lang ni Chase, linggo linggo ko syang ipinapasyal sa mall, kaya halos kabisado na nya ito. But Chans, ngayon pa lang pala sya nakatapak sa mall.
"Chans, baby, that bee is Jollibee. Isa syang mascot. Kaya kulay yellow and red sya kase, yung colors na yun ang nakaka attract sa customers. Kase raw ang yellow, red and orange ay nakaka attract sa mga nagugutom." Paliwanag ko. Natutuhan ko yun nang minsang ipinaliwanag yun sa akin ni Daddy. Kalimitan kase, yun ang mga kulay ng fast food chains.
Napa 'ah' na lang si Chans at hindi na nagtanong pa.
"I think we should buy supplies later." Jacob said. I just nodded. Matagal tagal din kaming nawala sa mansyon kaya siguro, malamang eh wala nang groceries at evetyday supplies dun.
"Mom! Mom! Look! I want to play!" Napa daan kami sa time zone. Abot ang ingay sa labas, kaya naman agad yung napansin ni Chans. Itinuturo nya ang isang machine na kung saan may naglalarong binata. May hawak iyong baril at saka itinututok sa screen para mamatay ang kalaban.
"Chans, pwede bang ibang laro na lang?" Lumuhod ako para makapantay sya. Ewan ko ba, hindi ko alam 'tong nararamdaman ko. Pag tingin ko pa lang dun sa baril kinabahan na ako. Kahit na hindi naman yun tunay, at laruan lang.
"Mom. I want that. Pleashe?" Nagsusumamo ang mukha nya. He even pout his lips. Magkadaop ang mga kamay at saka nag puppy eyes. May pag aalinlangan man, tumango na lang ako. It's his first time, at hindi naman siguro tamang ipagdamot ko iyon sa kanya.
Inutusan ko si Jacob na bumili ng tokens. Nagpapapalakpak si Chans sa tabi ko habang naghihintay sa ama nya.
"Here." Dumating si Jacob dala ang isang.
"Jacob! Anong gagawin mo dyan?! That's too much!" Meron syang isang plastic na dala at punong puno iyon ng tokens. Kahit yung mga nadaanan nya, hindi rin naiwasang mapatingin at magtaka. Ano nga naman bang gagawin nya sa napakaraming token na yun?
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
General FictionEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?
