Read at your own risk :)
***(Althea)
Naalimpungatan ako nang makaramdam ako nang sakit sa kaliwang braso at tyan ko.
Inilibot ko ang mata ko. Nasa kwarto naman ako. Panaginip ko lang kaya yun? Pero imposible para kaseng totoo talaga eh.
Kumirot ang kaliwang braso ko. Tiningnan ko kung bakit. At doon ko nakumpirma na totoo ang lahat ng nangyare at hindi lang isang masamang panaginip.
Nandito pa rin ang saksak ko. Ang pinagkaiba lang may bandage na ito ngayon.
Flashback...
"W---wag kang lalapit!" Nanginig ang kamay ko at mas humigpit ang hawak ko sa kutsilyo nang makita kong ngumiti sya. Isang nakakatakot na ngiti.
In just a split second nakalapit sya sa akin at nakaramdam ako nang sakit sa kaliwang braso ko.
Ang kutsilyong hawak ko kanina, ngayon nasa kamay na ni Jacob at nakasaksak iyon sa kaliwang braso ko. Ang sakit. Unti unti nang umagos ang dugo mula sa punit sa balat ko.
"Too brave... Too bad..." Ibinulong nya yun sa tengga ko. May malakas na impact ang tumama sa tyan ko. Ang sakit. Sinuntok nya ako, at halos maisuka ko lahat ng kinain ko kanina, hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.
End of flashback...
Pero paano ako napunta sa kwarto? Siya kaya ang gumamot sa sugat ko? Napangiti ako nang mapait. Imposible.
Pinilit kong tumayo para pumunta sa banyo kahit na namimilipit pa din ako sa sakit ng tyan ko.
Naghihilamos ako nang mapatingin ako sa salamin. Napangiwi ako sa nakita ko. Mukha aking zombie.
Bakas na din sa tabi ng baba ko ang mga kulay ubeng marka. Mas malaki nga lang yung nasa gilid ng labi ko. Souvenir sa sampal ni Jacob. Magulo ang buhok at namumugtong mata. Kung may makikita siguro akong kakilala ngayon hindi nila malalamang ako si Thea.
Lumabas na din naman ako ng banyo para magpalit ng damit na naalala ko lingerie nga lang pala.
Pero nagulat ako nang maabutan kong naka upo sa kama ko si Jacob. Nakayuko at parang ang lalim ng iniisip. Napahigpit ang kapit ko sa knob ng pinto. Ano naman kaya ang gagawin nya? Sasaktan nya na naman kaya ako?
Hindi ko maiwasang manginig. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Takot ako sa kanya. Ayaw kong makalapit kahit madikitan ng balat nya.
Nakita ko syang tumunghay ng may pag aalala sa mata, napailing ako nang makita ko syang tumayo at unti unting papunta sa kinaroroonan ko.
Patuloy ako sa pag iling habang tuluyan nang umagos ang luha ko.
"W-wag mo akong sasaktan.." Isang mapait na ngiti ang itinugon nya. Patuloy ako sa pag iling at patuloy din sya sa paglapit. At hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.
Niyakap nya ako. Parang sa ilang sandali natulala ako. Bakit? Bakit nya ako niyakap? Natigil ako sa pag iyak. gayun na lamang ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang haplusin nya ang pisngi ko.
"Are you okay?" Mababakas sa boses nya ang pag aalala. Pero, bakit? Bakit sya nag aalala eh sya naman ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.
Hindi ako makaimik, kahit isang salita walang lumabas mula sa bibig ko, pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas.
"I-m s--orry." Alam ko pinilit nya lang yung sabihin. Naguguluhan ako sa kanya, bakit all of a sudden he act as if he cares for me? Nanatili pa rin akong tahimik hanggang sa naramdaman ko na naman ang pamilyar na pakiramdam tuwing maglalapat ang mga labi namin. He's kissing me again.
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
General FictionEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?