***
(Althea)
Masakit. Unti unting namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ako makakilos. Lumalabo na ang paningin ko. Hanggang sa wala na akong maramdaman. Wala na akong maaninag.
Pinipilit kong intindihin ang nangyayare, pero nagsisimula nang sumuko ang katawan ko.
Basta binitiwan nila ako, tapos may sumisigaw, may umiiyak, tapos may isang putok. May putok, putok ng baril.
"Chase! Chans!" Hinihingal akong napaupo at napasapo sa ulo ko. Umiikot ang paningin ko. Isang masamang panaginip.
Agad kong kinapa ang tyan ko. Si Theasia, ang baby ko.
"T-Thea." Napalingon ako sa tumawag sa akin, nang may luha sa mga mata. Si Ashley. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Anong ginagawa nya rito? Hindi ba't nasa Canada sya?
Iniikot ko ang paningin ko sa puting kwarto, kami lang ang nandito. Muli ko syang pinukulan ng tingin. Napasapo ako sa bibig ko. B-bakit? Bakit nakaitim si Ashley?
"W-where is my baby?" I asked. Pero yumuko lang sya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil sa inakto nya. What I'm sure right now is, may nangyareng masama.
"S-si Jacob? Ang kambal ko?" Muli kong tanong. I reached for her hands and held them tightly. Kapag hindi ko sila nakitang ligtas, mababaliw ako.
Hindi kumibo si Ashley, nakayuko pa rin sya kaya mas lalo akong dinubdob ng kaba. Hindi ko kayang isipin na may napahamak sa pamilya ko.
~~
"Apat na araw kang tulog Thea. Successful ang panganganak mo. Malusog ang bata, napaaga nga lang sya ng labas." She said without even looking at me. Hindi ako makapaniwala. Buhay si Theasia. Buhay ang anak ko.
Naglalandas ang luha ko habang pinanunuod ko syang payapang natutulog. Maputi sya, matangos ang ilong, ang liit liit nya. My baby. Sigurado akong matutuwa ang kambal kapag nakita nila ang prinsesa namin.
"Ashley, where are my sons? Nasaan sila?" Kung apat na araw akong tulog, ibig sabihin apat na araw na mula ng araw na yun. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
Sariwa pa sa isip ko lahat ng nangyare, parang kahapon lang. At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit, bakit nakasuot ng itim na bestida si Ashley.
"I-I'm sorry Thea." Yun lang ang sinabi nya. Hindi man lang nya ako tiningnan. Why is she sorry? Lalo lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kung wala namang masamang nangyare, bakit sya magsosorry? Naguguluhan ako.
"A-Ashley. Tell me, where are them? Where are my sons?!" Hindi ko mapigilang hindi mangamba. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko kaya naghanap ako ng suporta at kumapit sa pinakamalapit na bagay na nakita ko.
Umiikot na naman ang paningin ko, pero wala akong pakialam. Kailangan kong makita ang mga anak ko at masigurong ligtas sila.
"K-ailangan mo nang uminom ng gamot. Let's go, you need some rest." Akmang aabutin nya ang braso ko but I refused to. I need answers. I need those fucking answers, right now, dahil hindi ako matatahimik.
"No Ashley. Parang awa mo na, tell me, where are them?" I almost begged. Natatakot ako sa pwede nyang isagot but I need to know. Binabagabag ako ng damdamin ko.
Lumalabo na ang paningin ko. I feel like everything around me is spinning. Napahawak ako sa sentido ko at sinimulang hilutin iyon. Ano bang nangyayare saken?
All I know is, I was staring on Ashley then suddenly, I felt like falling.
~~
Aaarg. Masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. I was about to sit nang may maramdaman akong mabigat na bagay sa kanang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
General FictionEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?
