Chapter 21: Seatmate

46.9K 725 164
                                    

***

(Althea)

Nagising ako dahil sa mumunting braso na pumulupot sa leeg ko. Pero hindi ko iminulat ang mga mata ko. Pinakikiramdaman ko lang kung ano ang susunod nyang gagawin.

"I Love You Mom." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak roon. Akala ko hindi ko na maririnig pa yun mula sa kanya. Akala ko pati sa akin namumuhi na sya. Maya maya pa kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin.

"Mom. Wake up. It's 6 am already." Nagsimula nyang paliguan ng halik ang pisngi ko.

"I Love You Baby." Saad ko nang naka pikit pa rin ang mga mata.

"I know Mom. But don't call me baby." Kahit naka sarado ang mga mata ko, alam kong ang haba haba na ng nguso nya. At dun ko binuksan ang mga mata ko. Upang makita ang napaka cute nyang reaksyon.

Pinagmasdan ko si Chase. Magulo pa ang buhok nya, at yung mata nya namamaga, marahil ay dulot yun ng ginawa nyang pag iyak. Nasaksihan ko mismo ang paghihirap ng kalooban nya.

"Chase, Mom want you to be honest okay?" Bumangon na ako at inayos ang upo ko sa kama. Saka hinaplos ang napaka among mukha nya.

"Okay po." Sagot nya.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sya tinanong. He intently looked at me.

"Chase, do you want to know your dad?" Tanong ko. Nagsimulang mangunot ang noo nya.

"Yes. Before." Two words. Pero ang daming ipinahihiwatig. Yes he do love Jacob before, hindi ko maiwasang mapoot ng labis sa sarili ko. Kung hindi ko sana ipinakitang mahina ako sa harap nya. Kung tutuusin alam kong may kasalanan din ako.

"Do you love your dad?" Curious ako sa nararamdaman ng anak ko. Hindi sya open sa ganitong bagay. At unang beses akong naglakas loob na tanungin sya tungkol sa nararamdaman para sa ama.

"I'm hungry." Tumayo sya sa kama at saka nagmadaling lumabas ng kwarto. Kasabay noon ang muling pagtulo ng luha ko.

--

"Ate okay ka lang?" Tatlong buwan na pero hindi pa rin ako nasasanay sa morning sickness.

"Sige na Seven, okay lang ako." Sa totoo lang nahihiya na ako kay Seven. Sya ang naghahanap buhay para sa amin ng anak ko. Mahigpit kaseng ipinagbawal ng doktor ang pagod sa akin, kaya ganoon na lamang nya ako alagaan. Isinakripisyo nya ang pagkakataong mahanap ang ina, para sa magiging anak ko. Napaka wala kong kwenta.

Kung hindi mainit ang ulo ko, lagi naman akong umiiyak. Naaawa na ako kay Seven. Lagi na lamang syang nagigising sa kalaghatian ng gabi para aluin ako at patulugin.

"Seven I'm sorry. I am a burden." Hindi ko alam kung bakit napaka emotional ko at napa iyak na naman ako.

"No ate, you're not. Masaya ako na nakakatulong ako para sa magiging anak mo." Magiliw nyang sagot saka ako niyakap.

Kahit papaano may dahilan akong ipagpatuloy ang buhay. Dahil nandyan si Seven para alalayan ako. Kahit papaano may nagmamahal at nag aalala sa akin.

"Alagaan mo sya ha." Hinaplos nya ang tiyan ko nang may ngiti sa mga labi.

Gabi gabi ipinagdarasal ko na sana, maging isa akong mabuting ina.

--

"Chase how's school yesterday?" Tanong ko sa kanya bago ako kumagat ng tuna sandwich.

"It's okay. But my seamate is so annoying. Can I punch him Mom? Just one. Please?" Sagot nya with pleading eyes. Annoying? Bakit naman kaya?

"Ano bang ginagawa nya at naiirita ka?" Usyoso ko. Humaba sng nguso nya at saka umiwas ng tingin.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon