Chapter 19: Life

41.7K 704 67
                                        

***

(Althea)

Come on skinny love just last the year,
Pour a little salt we were never here,

Yes, we're free. But we have no where to go. We escaped, yet we entered an I don't know world. No one knows what will happen next.

"Ah mga mam, saan po ba tayo pupunta? Kanina pa po kase tayo paikot ikot eh." Tanong ni Manong taxi driver habang kumakamot sa ulo. Saan nga ba kami patungo? Wala naman di ba?

"Manong dalhin mo po kame sa pinaka malapit na hotel." I said. Tumango na lang si Manong. I turned my gaze at Seven and smiled at her.

Looking at the street lights. I missed the real world. Mundong walang pait kung maalam kang makipag sapalaran. Walang posas, walang kandadong magkukulong sayo. You have all the rights to be free. At higit sa lahat, walang Jacob na mag mamay ari at sasakal pa sa amin. Yet Ashley...

"Mam andito na po tayo." Naputol ang pag iisip ko at tiningnan ang pinagdalhan sa amin ni Manong. Luxury. Noon kaya kong bilhin kahit ano, because I'm a heiress. But now it's different.

Binayaran namin ang taxi at nagtungo sa loob ng hotel.

Fairmont hotel..

Napangiti ako ng mapait. I celebrated my debut here.

"Any reservations ma'am?" Magalang na tanong sa amin ng receptionist.

"Ah no, room for two." Nginitian nya kame at saka nag key in sa computer sa harap nya. Nag pa fill up sya ng ilang papel and handed the rooms key.

426.

"Ate, matutulog na ko ha?" Paalam sa akin ng humihikab na si Seven. Tinanguan ko sya. Nagtungo na sya sa  kama at saka humilata. I can't help my self from smiling. Masaya ako para kay Seven. Simula ngayon makakatulog na sya ng mahimbing at walang pangamba.

Nagtungo ako sa banyo at nagpalit ng maipapantulog. Paglabas ko naman inayos ko ang kumot ni Seven at saka nagdiretso sa sarili kong kama.

My my my, my my my, my-my my-my...
Staring at the sink of blood and crushed veneer.

Staring at the ceiling. Ang daming bagay ang pumapasok sa utak ko.

Una si Ashley, hindi ko maiwasang kabahan. Yung itsura kanina ni Jacob nang sinusubukan nya kaming habulin. The darkest aura I have ever seen. At the fact na naiwan dun si Ashley, I'm sure sya ang pagbubuntunan nya ng galit. Natatakot ako sa pwede nyang gawin kay Ashley.

I owe my life to her. Kung di dahil sa kanya who knows? Bukas o sa isang araw, baka patay na ko. Pero anong gagawin ko? Ayoko nang bumalik pa doon.

Next one is Jacob. Alam kong hindi sya papayag na basta basta na lang kaming makakatakas. Paano kung mahanap nya kami? Sigurado akong hindi nya kami bubuhayin. Marami syang koneksyon. Malamang ngayon, ipinapahanap nya na kami. Hindi kami pwedeng magtagal dito ni Seven. Bukas na bukas, kailangan naming makaalis. Hindi na ako makakapayag pa na muli kaming ma angkin at masaktan ni Jacob. Kung ano man ang dinanas naming sakit, hanggang dun na lang yun. Tama na. Masyado nang masakit kung madaragdagan pa.

My mom. Kailangan ko syang puntahan. I need to make sure that she's safe. Miss na miss ko na sya. Gustong gusto ko na syang mayakap ng mahigpit at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko sya. I know there's a possibility na gamitin sya ni Jacob para mapalabas ako. Kaya kailangan ko syang balaan, pati na si Uncle John.

Honestly, pagkatapos ng gabing ito, hindi ko alam kung makaka survive kami ng isang araw na nagtatago, mula sa napakaraming mata ni Jacob. I honestly don't know.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon