Chapter 20: Chase by past

46.2K 671 59
                                    

***

(Althea)

Hinayaan kong dumaloy sa buong katawan ko ang malamig na tubig mula sa shower sa taas ko. Marami nang nagbago. Napakarami.

Minsan kapag mag isa ako, muling nagbabalik lahat ng tungkol sa kanya. At hanggang sa ngayon galit pa rin ang nasa puso ko. Hindi ko pa rin pala kaya ang lumimot. Marami na akong nagawa. Marami na akong napagtagumpayan. Natuto akong maging malakas. Natuto akong lumaban. I learned how to endure. But still, pain resides inside me.

5 years ago.. I lost my son. At wala nang sasakit pa doon. Naging pabaya ako. And that's the result of it. Walang araw na dumaan, na hindi ko pinagsisisihan lahat ng katangahan ko. I lost my baby.

Dumaloy ang maiinit na likido sa mukha ko. My angel.

"I'm sorry, but the baby didn't made it."

Tandang tandang ko pa ang sinabi ng doktor nang araw na yun. Halos gumuho ang mundo ko.

"Tapos ka na???" Nagmadali akong magpunas nang marinig ko ang sigaw nya mula sa pinto ng banyo. Ipinulupot ko ang tuwalya sa katawan ko at saka lumabas.

There I saw him. Masama ang tingin sa akin, but when I raise my brow, lumambot ang ekspresyon nya.

"How many times do I have to tell you, to use po?" Lumuhod ako para makausap sya, pero nag iwas sya ng tingin.

"Chase." I warned him. Huminga sya ng malalim bago ako tiningnan.

"I'm sorry po." He said and clinged to my neck. My baby boy. My little guy. Sya ang dahilan kung bakit ako nagpapakatatag. My son.

5 years ago, I'm bearing Jacob's twins. But I lose the other baby. The doctor said mahina ang isa sa kambal. After I gave birth to them, I fell asleep. And then when I woke up, I saw Seven crying and then she said we lose my baby. Mahinang mahina na sya nung lumabas.

"Mom? Are you okay?" Napatulala na naman pala ako. Tiningnan ko ang anak ko. His worried face. Hindi ko maiwasang mapangiti. He grows so fast. Dati rati iyakin sya, ngayon he's like a real man. He protects me..

"Of course baby, mommy's fine." I assured him and kissed him on his cheek..

"Mom! I already said, not to call me baby! I'm a big boy na." Nagsimula na naman syang magmaktol. Ang ayaw nya sa lahat ay ang tinatawag syang baby, cause he's big na daw. It all started when he saw me crying. At hinding hindi ko yun makakalimutan. Dahil hindi ko inaasahang sa edad nyang ito, ay ganun na sya mag isip.

"Mom, are you crying?" Agad kong pinahid ang mga luha ko nang makita ko na binuksan ni Chase ang kanyang mga mata.

"Mom, why?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko bang, kaya ako umiiyak ay dahil kay Jacob? Sa ama nya?

"Is it because of that guy?" Nangunot ang noo ko dahil sa tanong nya.

"Whose guy baby?" Hinaplos ko ang malago na nyang buhok at saka sya hinalikan sa noo.

"My father. I know mom, Tita Shiela told me." Sa unang pagkakataon nakita ko ang anak ko na umiyak dahil sa ama nya. Si Seven, sinabi nya pala. Napakadaldal nya. As much as possible, ayokong malaman ni Chase ang kahit anong tungkol sa ama nya.

"What did she told you baby?" Pinahid ko ang mumunting patak ng mga luha sa mata nya. Jacob keeps on haunting us. Kahit anak ko nadadamay. Nasasaktan ako para kay Chase. He never knew his father tapos sa murang edad nya, malalaman nya ang pagkatao nito.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon