Chapter 9: A Promise

53.8K 790 48
                                    

Warning: Read at your own risk :)

***
(Althea)

Nagbukas ang pinto ng kwarto ko, ngunit hindi ko iyon nilingon. Ayoko ng kausap. Gusto kong mapag isa.

"A-te." That sweet voice. I know it's Seven. Nilingon ko sya, at parang dinudurog ang puso ko nang makita ko ang mga luhang naglalandas sa mukha nya. Si Shiela, sya lang ang kaisa isang dahilan kung bakit nagpapakatatag ako sa bahay na to. Bukod kay mommy, sya na lang ang karamay ko at itinuturing kong kapamilya.

Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ng kama. Napahagulhol ako ng sunggaban nya ako ng yakap. Gustuhin ko mang magpakatatag para sa kanya hindi ko na din napigilan ang nararamdaman ko. Dahil aaminin ko, hirap na hirap na ako.

"Ate..  Okay ka lang ba??" Nag aalalang tanong nya. Tipid ko syang nginitian. Pero mababakas pa din sa mukha nya ang pag aalala. Pinadaan nya ako ng tingin mula ulo hanggang-- tumigil ang paggalaw ng mata nya nang mapadako iyon sa may tuhod ko. Batid kong napansin nya yun.

"A-te, may sugat ka..." Usal nya. Pero hindi ko ramdam ang sakit sa bahaging yun ng katawan ko. Dahil lahat ng sakit naipon dito sa puso ko. Manhid na ako. Manhid na anh katawan ko sa mga pananakit mula kay Jacob. Tipong kahit hagupitin nya pa ako ng latigo wala na akong mararamdaman pa. Dahil mas masakit sa kalooban na nararanas ko to kahit hindi ko naman ginusto. At wala akong ginawa para maranasan ko to.

Bumalik ako sa realidad nang makita kong tumayo si Seven at pumunta sa banyo. Paglabas nya may dala na syang first aid kit. Umupo sya sa tabi ko nang walang kahit anong sinasabi.

Nililinis nya ang sugat sa tuhod ko pero hindi sya umiimik. Patuloy lang ang pag agos ng luha sa mga mata nya at naiinis ako dahil wala akong magawa para punasan iyon. Tanging hikbi lang namin ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto.

"S-top crying baby..." Tumigil sya sa paglilinis sa sugat ko at tiningnan ako sa mata bago bahagyang ngumiti.

"Ate..  Wag ka munang susuko ha. Mangako ka. Kase-- hindi ko kaya kapag pati ikaw iniwan ako." Mas napaiyak ako sa sinabi nya. All this time gusto ko nang sumuko without knowing na may isang taong umaasa na sana malakas ako. Kase ako ang inaasahan nyang magiging karamay. Dinaig nya pa ako. Bata pa sya pero malakas ang loob nya hindi katulad ko na halos isumpa na ang mundo. Pero sya, she always think positive. Always looking at the bright side.

"I promise." I gave her a warm smile at sinenyasan sya para sa isang yakap. Agad nya naman akong tinugon at niyakap ng mahigpit.

"Ate, nagugutom ka ba?" Kahit wala akong gana tumango ako para kahit papano mapalakas ang loonlb nya.

"Ikukuha kitang pagkain sa baba." Tumayo na sya at pinunasan ang luha sa mukha, saka sya ngumiti at mula sa ngiti nya, sumilay ang napakaganda nyang mukha. Tuluyan na syang lumabas nang kwarto. Napa buntong hininga na lang ako.

Kahit papaano nabuhayan ako ng loob. Kahit anong hirap ang danasin ko may isang Seven na dadamay sa akin. Pero just the thought na pag sya ang sumuko, tiyak na hindi ko kakayanin.

Ilang sandali pa bumalik sya nang may dalang tray ng pagkain. Inilapag nya iyon sa side table ko saka umupo sa tabi ko.

Kasalukuyan nya akong sinusubuan ng sopas na niluto ko kanina nang may nagbukas ng pinto.

"Thea!" Nagulat ako sa biglang pagsulot doon ni Michael. Alam kaya ni Jacob na nandito sya?

"Ahh... Miss pwede bang iwan mo muna kami?" Binaling nya ang atensyon nya kay Seven, na ngayon ay tulala sa mukha nya.

"A-hh ok. Ah.. Seven. I'm Shiela." Mautal utal nyang sabi. Natawa naman ako. Halata kaseng namumula sya. I'm glad na nagustuhan nya si Michael. Mabuti syang tao. At if ever na mawala ako alam kong aalagaan sya nito. Tinangguan sya ni Michael, at lumabas na sya ng pinto.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon