Warning: contains mature seen which are not suitable for young readers. Read at your own risks . thank you :)
***
(Althea)
3 days have passed so quickly. But still I can't wipe away this pain inside my whole system.
There are so many questions running on my mind. Why they killed them? Why they kidnapped Betty and Ashley? And who is the real Jacob's first collection?
Hindi ko maiwasang magtaka. Masyadong magulo ang mga nangyayare sa kasalukuyan na dulot ng nakaraan ni Jacob na hindi ko naman alam.
Maraming mga haka haka at what if's ang nabubuo sa isip ko. At palagay ko isa pang nakagugulantang na pangyayare sasabog na ako. Para akong bombang isang trigger na lang ang hinihintay eh puputok na. Pakiramdam ko sobrang layo ng pagitan ng mga mundo namin ni Jacob. Para kaming lupa at langit, araw at buwan na kailanman hindi magkakalapit kahit anong pilit.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman para sa kanya, galit? Awa? O pagmamahal?
Galit, kase dahil sa kanya madaming taong napapahamak kahit wala namang kasalanan. Para syang isang malas na kapag nadikit ka eh, mapapahamak ka. Lahat ng ginagawa nya tama man o mali eh may consequences.
Awa, dahil sa hanggang ngayon hinuhunting pa rin sya ng madilim na nakaraan. Para syang isang mabigat na bagay na kahit anong gawin mong tulak ay hindi maka move on. Lahat ng nangyayare sa kanya sa kasalukuyan ay bungga ng kanyang mapait na nagdaan. Kailangan ko ba talagang makaramdam ng awa para sa isang taong kinalimutan na kung paano ang magmahal?
O pagmamahal, kaya ko kaya syang baguhin gamit ang love na sinasabi nila? Kaya ko ba syang turuang makaramdam muli ng saya, kilig at pagmamalasakit sa iba? Kung umamin kaya akong mahal ko sya, tatanggapin nya? O katulad sa nakasaad sa regulasyon na sya ang gumawa, papatayin nya kaya ako? How can I teach a person who forgot the real meaning of love? Paano ko tuturuan ang isang taong ayaw namang makinig at sarado ang kalooban sa hinaing ng iba? Paano ko muling mapapatibok ang puso nyang minanhid na ng sakit?
Ano bang tama? Ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa kanya, o pigilan na habang maaga pa? Kase alam kong either way, mapapahamak ako.
"What are you thinking?" Nagbalik ako sa mundo ng marinig ko ang malamig na boses ni Jacob. Hanggang ngayon pala nakatayo pa rin ako rito sa harap ng banggang pinaglalagyan ng abo nina Lily, Aleeya at Liza. They were cremated the day after they die. Nakadisplay ngayon ang bangang kulay puti na pinalalamutian ng magagandang ukit ng bulaklak dito sa mansyon ni Jacob, nakahanay iyon sa mga koleksyon nyang vases sa may salas.
"Masarap ba?" Out of nowhere kong tanong sa kanya, na ikinakunot nya ng noo.
"Masarap bang pumatay ng tao? How does it feel, when you killed an innocent life?" Tiningnan ko sya diretso sa kanyang mga mata. Alam kong wala akong karapatang magtanong. Alam ko ring may posibilidad na namang saktan nya ako. Pero wala akong pakialam, gusto kong malaman ang sagot. I'm willing to go forward and reach the limit.
Iniiwas nya ang tingin nya at tumingin sa malayo, kahit side lang ng mukha nya ang nakikita ko hindi ko mapigilang humanga. Napakahaba ng pilik mata nya, ang kanyang napakatangos na ilong at maliliit na labi. Waring may nabuhay sa kaloob looban ko ng makita kong bahagyang sumilay ang lungkot sa mapupungay nyang mata. Parang sa isang iglap gusto ko syang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat.
"You want to know the truth? Honestly, I don't know, I get numb since I don't know when. If I am killing an innocent person, I don't feel guilt anymore. You know why? 'Cause all peoples lives are worthless, even mine." Nagulumihanan ako sa sagot nya. Waring ipinahihiwatig na isa syang napakatigas na bato na walang nararamdaman. Tipong kahit anong hampas mo ikaw at ikaw lang din ang masasaktan. But, he's honest. Totoo sya sa lahat ng nararamdaman nya. He doesn't care even if he hurt others feeling, as long as he's being true to himself.
BINABASA MO ANG
Jacob's Eighth Collection (Major Editing)
General FictionEight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that. What will you do if one day, YOU'LL BECOME THE EIGHTH GIRL?
