Chapter 25: Saving His Life

45K 756 39
                                        

***

(Althea)

"Mom, kelan po ba pupunta dito shi Dad? Its been two daysh Mom." Pinagmasdan ko ang nagsusumamong mukha ni Chans. Batay sa reaksyon nya, mababakas na miss na miss na nga nya si Jacob.

At doon ko napagtanto ang isang bagay, mali. Maling mali tong ginawa ko. Darating at darating ang panahon na hahanapin nya ang ama, at malaki ang posibilidad na magalit sya sa akin kapag nalaman nyang itinakas ko sya. Napakasama kong ina. Ako. Ako pa mismo ang nagdala sa kanila sa kapahamakan.

"Malapit na baby. Malapit na syang dumating." Hindi ko maiwasang maguilty. Sa lahat ng nangyayare wala man lang kaalam alam ang mga anak ko na nasa panganib sila.

"Is that true Mom? Dad will come?" Ngayon si Chase naman ang nagtanong. May mababakas na pag asa sa mga mata nya.

"Yes Chase, your Dad will come." ...to save us. Nginitian ako ni Chase at saka sila nagpatuloy sa paglalaro.

Jacob. Matatanggap mo pa kaya ako pagkatapos ng ginawa ko? O tuluyan mong ilalayo ang mga anak ko?

In every action there's a reaction. There's consequences.

Bilisan mo lang Jacob. Kailangan ka na namin. Kailangan ka na ng mga anak mo.

"Labas!" Gulat ang rumehistro sa mukha ko nang pabalibag na bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na galit na mukha ni Ethan na may hawak na baril.

"Chase. Chans." Agad kong tinakbo ang kinaroroonan ng mga anak ko. Bakas rin ang pagkabigla sa mga mukha nila.

"Labas!!" Halos mapatalon ako nang itinutok nya sa direksyon namin ang hawak nyang baril. Niyakap ko ang mga anak ko at saka sumunod kay Ethan.

"Any minute from now, Maniago will be here." Malamlam ang kanyang mga mata. Walang emosyong makikita roon. Ibang iba sa Ethan na nakilala ko.

"Ethan, please stop this." Tiningnan nya ako na parang napakaimposoble ng sinabi ko.

"No Althea. Pamilya kayo ni Maniago. Which only means kalaban kayo." Tumalikod na sya at may kinuhang kung ano sa drawer ng lamesang nasa harap nya.

"Mom, what's happening po?" Tanong ni Chans. Wala man lang syang kaalam alam na nasa panganib kami ngayon.

"Nothing baby. Everythings fine." Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon.

"He's going to kill us, right Mom?" Natigilan ako sa tinanong ni Chase. Mabuti na lamang at naagapan kong takpan ang mga tengga ni Chans.

"No Chase. Trust your Dad, he'll save us." Iniiwas nya ang tingin at saka marahang tumango. Kung gaano kakalma ang anak ko, dapat ganun rin ako. Pero sana wag kaming biguin ni Jacob.

"Come here." Bigla na lamang pilit na kinakalas ni Ethan ang pagkakayakap sa akin ni Chans.

"Ethan no!" Mas mahigpit na niyakap ko si Chans. Ganun din ang ginawa ni Chase, mahigpit nyang hinawakan ang kapatid.

"Get off Althea, kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ng anak mo!" Ikinasa nya ang hawak na baril at saka iyon itinutok kay Chans. Wala akong nagawa kundi bitawan ang anak ko.

"Mommy!!!!" Nangyare na ang ikinatatakot ko. Umiiyak na naman si Chans. Sa ngayon, alam kong alam na ni Chans kung ano ang nangyayare.

"Shut up!" Binitbit ni Ethan si Chans na para lamang itong maliit na sako ng bigas.

"Wag mo syang sasaktan Ethan! Please." Tumulo na ang mga luha ko. Dinubdob na rin ako ng kaba.

"It's up to Maniago." Yun lamang ang isinagot nya.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon