Chapter 1: Althea

72.5K 830 8
                                        

***
(Althea)

"Althea!!!!!" Halos mapalundag ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Uncle John.

Si Uncle John ang second husband ni Mommy. Almost three years na rin silang nagsasama mula ng mamatay si Dad. Mag dadalawang taon na rin kaming nakatira sa bahay ni Uncle John. Nung mamatay kasi si Dad nawala lahat ng pag aari namin dahil sa unti unting napabayaan ang kompanya at tuluyang naluge. Kaya wala kaming nagawa kundi sumama kay Uncle John ng kunin ng bangko ang bahay namin.

"Ilang beses ko ba sayo sasabihing bata ka na maglinis ka ng bahay?!!" Singhal niya sa akin nang makalapit ako sa kanya. Simpleng bagay. Iyan ang kalimitang pinagtatalunan namin. Noong una, mabait sya  but as time goes by, unti unti kong nakita ang totoo nyang kulay. He's not the man I thought to be.

"Pero uncle... Naglinis naman po ako. Sa katunay-- Natigil ako sa pag sasalita ng ihampas nya ang kamay nya sa lamesa. Napapitlag ako at naiyuko na lang ang ulo ko. No. Not this time.

"At ngayon natututo ka nang sumagot? Ha?! Tandaan mo nasa pamamahay kita. At sa bahay na ito ako ang batas!!! Isaksak mo yan dyan sa ulo mo!" Dinuro duro nya ako habang sinisigawan.. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko. Sawang sawa na ako sa kanya. Halos araw araw na lang ganito ang eksena sa bahay.  Sigawan.

Mommy... Tawag ko sa isip ko. Hindi naman ganoon noon si Uncle John. Sa katunayan napakabait nito. Nagsimula siyang magkaganoon ng maaksidente si Mommy. Na coma. At nang magising hindi na nagsasalita. Traumatic Reaction.

"Kung ang problema nyo po eh ang pagtira dito namin ni Mommy... Wag po kayong mag alala bukas na bukas po aalis na kami." Lakas loob kong sagot sa kanya na dapat pala hindi ko na lang ginawa. Nanlisik ang mata nya sa galit at hinawakan ang braso ko ng ubod ng higpit.

"Sa tingin mo makakaalis kayo ng ganun ganun nanlang sa bahay na ito?! Sige subukan natin." Kinalakad nya ako papunta sa aking kwarto saka ako itinulak paloob. Bago pa man ako makatayo ay isinara na nya ang pinto.

Ini lock nya ang pinto mula sa labas at hinayaan akong nagsisisigaw mula sa loob.

"Uncle John! Please! Palabasin nyo po ako!" Kinakatok ko ang pinto habang sumisigaw sa pag asang bubuksan nya iyon.

"Uncle John... please... please... si Mommy..." Napahagulhol na ako ng iyak. Bakit ba ganito ang dinadanas ko? Dyos ko. Wala naman akong matandaang kasalanang nagawa ko, o taong pinagkautangan ko. Si Mommy lang ang mahalaga sa akin, kaya bakit?

Wala na akong nagawa kundi ang umakyat na lamang sa kama at doon nag iiyak. Kung nandito lang sana si Dad, baka ibang iba ang nangyayari. Dad loves us so much, at miss na miss ko na sya. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa pakiramdam ko nilalamon na ako ng antok.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng gutom. Tumingin ako sa orasan sa tabi ng kama ko. 2:00 am. Walong oras na pala akong tulog.

Agad akong napabangon at pinuntahan ang pinto sa pagbabaka sakaling binuksan na iyon ni Uncle, pero naka lock pa rin. I sighed.

Anong gagawin ko? Nagugutom na ko

Konting tiis pa Thea baka maya maya buksan na nya din yan. Baka sakaling marealize nya na hindi pa ako naghahapunan. Ay! Ay! Tama think positive. 'Wag nega.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Halos sabayan ko na ang orasan sa pag bibilang ng oras pero wala pa ding nagbubukas ng pinto. 6:00 na, konti na lang malalate na ako sa klase ko. Exams pa naman namin ngayon. Currently, I'm a 3rd year BS Psychology student. Swerteng nakapasa ako sa scholarship ng University, kaya ako nakaka pag aral.

"Uncle John! Palabasin nyo na po ako. Malalate na po ako sa school." Kinatok ko na naman yung pinto hoping na sana naririnig nya ako. Pero masakit na yung kamay ko eh wala talaga.

Nagugutom na talaga ako. Kung may paraan lang talaga para makalabas ako eh.

Click.

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang lock ng pinto. At hindi nga ako nagkamali bumungad sa harap ko ang nakangiting mukha ni Uncle John.

"Siguro naman magtatanda ka na. Magbihis ka may pupuntahan tayo." Pagkatapos nyang sabihin yun agad din syang umalis.

Pupuntahan? Saan naman? May pasok pa ko eh.

"Wag na wag mong subukang tumakas!" Narinig ko pang sigaw nya mula sa kusina. Haaay. Guess I have no choice. Ayoko nang makulong pa sa kwartong ito. Thi was a nightmare. Ako, sa loob ng isang masikip na kwarto. Nakakapangilabot.

Gaya nga ng sinabi nya, nagbihis din naman ako ng pang alis. Simpleng blouse, pantalon at doll shoes lang ang napili kong suotin. Hindi naman siguro party ang pupuntahan namin para magmukha akong basahan. It's not like mukha akong pulubi or what, may itsura naman ako kahit papano, at sinasampalatayanan ko ang sinabi ni Mommy na maganda ako. Hay, Mom.

Ilang sandali pa, tinawag na ako ni Uncle John kaya napilitan na rin akong lumabas. Ipagdarasal ko na lang siguro ang pagbagsak ko sa exam at magmamakaawa sa prof na magtake ng special test. Wala naman akong choice eh.

"Hindi po ba natin isasama si Mommy?" Tanong ko nang mapansin na mag isa lang ito na palabas ng pintuan. Isang iling lang ang nakuha kong sagot sa kanya. Weird. Usually, umaalis lang naman kaming tatlo ng bahay kapag may appointment si Mommy sa doktor nya. But now, nakakapagtaka naman.

"S--saan po ba tayo pupunta?" Agad kong naitanong nang maabutan ko syang naghihintay sa labas ng pintuan. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

"Wala nang madami pang tanong, lumabas ka na at baka mainit nang ulo nun sa kaiintay." Singhal nya bago ako talikuran. Nangunot ang noo ko. Uminit ang ulo nya kaiintay? Saan ba talaga kamipupunta? At sinong nag hihintay?

***

Edited.

Note: Tinatanggal ko na lahat ng AN. So pag may edited word means may nabago na, obviously. 😂 Sinusubukan kong mas ayusin pa ang JEC para naman makabawi sa inyo. Thanks.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon