Chapter 28: Mess

50 11 0
                                    

ALLISON

"Diyan nalang-" Tinignan namin ang basa at maduming sahig bago nagkatinginan muli.

"Are you sure-"

"Hindi. Huwag diyan." Hindi ko masyadong napapansin tuwing kami lang ni mama.

Pero napaka-dumi pala ng bahay namin.

"Pasensya ka na hindi ako nakakapaglinis..."

"Wala kasi akong pakialam." Tumawa si Sebastian.

Nahiya naman ako dahil kanina pa kami parehong may dalang kahon ng mga libro sa braso namin at mayroon pa sa kotse niya.

"What's this?" Gamit ang kahon, Marahang tinulak ni Sebastian ang pinto ng kwarto ko.

"Kwarto ko. Ilapag mo nalang diyan."

Umubo si Sebastian nang ibagsak ang kahon sa sahig.

"You know, A broom was invented years ago." Sarkastiko nitong sabi habang umuubo.

"Pasensya na..." Umiwas ako ng tingin.

"I was joking, Dumbass." Saktong pag-angat ko muli ng ulo, Pinitik niya ang noo ko.

"Bastos." Tumawa si Sebastian.

"I'll go get the other boxes." Lumabas ito.

Hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko, Kaya sumunod narin ako sa kanya.

"Ayan nalang ba iyon?" Tanong ko habang sinasalansan ang mga libro sa ilalim ng lamesa ko.

"Why? Do you want more?" Mabilis akong umiling.

"Nako, Sebastian. May hiya rin naman ako, Ano?" Kumunot ang noo niya.

"Bakit? These are for the kids, Naman." Ngumiti ito. Bumuntong hininga ako.

"Oh, My." Kumurba ang mga labi ni Sebastian na para bang nagpipigil ng tawa.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang dahilan ng reaksyon niya.

"Huwag mong galawin iya-"

"Para sa pag-babago! Castel, huwag iboto!" Naramdaman kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan at naginit ang mukha ko.

Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko, Pakiramdam ko wala na akong maaaring sabihin para mas maayos ang sitwasyon.

Tinitigan ko si Sebastian na pabirong nagma-martsa sa harapan ko habang hawak ang kahoy na may nakadikit na karton.

Nakapinta sa karton ang mga salitang "MAKINIG SA SIGAW NG TAO, HUWAG MAGPAPALOKO!" gamit ang pulang pintura.

"What-" Tumawa ito.

"What was that? You shouted-" Tumawa ulit si Sebastian.

"Oh! Right! It was like,"

"Kapag mahirap ang mag-nanakaw, Huhulihin nila! Kapag mayaman, Porprotektahan pa-" Maliban sa halatang nahihirapan itong magtagalog, Halos hindi makapagsalita si Sebastian sa kakatawa.

Lalo namang napuno ng hiya ang utak ko nang humalakhak ito nang malakas.

"Putangina mo, Alam mo 'yun?" Sarkastiko kong tanong, Sinusubukang itago ang kahihiyan.

"This was what you were holding when we first met." Huminga ito nang malalim at pinunasan ang mga luha.

"Hindi naman talaga tayo nag-kakilala noon." Depensa ko.

"So, You admit it?" Nagsalubong ang mga kilay ko.

"Ang alin?"

"That we don't know each other when you were rioti-"

"Protesting." Tumango ito.

"At oo, Hindi pa tayo mag-kakilala." Diretso kong sagot.

"But you were so against me. You hated me from the start." Humakbang ito papalapit sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

Na-iilang ako sa sitwasyon namin, Hindi ako makapag isip ng maayos. Hindi rin nakatulong na kami lang ang nandito sa kwarto. Dito sa bahay.

"Ano ba ang pinupunto mo dito, Sebastian?" Lalo itong lumapit, Umatras ako.

"Hindi tayo magkakilala but you hated me."

"I didn't hate you. Personally-"

"What?" Natawa ito. Hindi yung tawa na normal, Iyong klase ng tawa na parang nagpipigil na magsalita ng masakit.

"Aminin mo nalang, Allison. You were wrong. I am a good person." Sa paulit ulit na paghakbang niya sa akin papalapit at pag-atras ko, Hindi ko napansin na natamaan na namin ang pader.

"Ano?" Tinitigan ko ang madilim niyang mga mata.

"Kaya mo ginagawa ang lahat ng ito, To prove a point?" Inis kong tanong.

"Wait, What? No-"

"Sebastian..."

Tinalikuran ko ito at binuhat ang mga kahon. Aaminin ko, Mahirap buhatin ang mabibigat na kahon pero mas mabigat ang pride ko.

"Allison, That is not what I meant. I got carried away. Tatanungin lang sana kita kung bakit-"

"Bakit, Ano? Sebastian?" Galit ko siyang hinarap.

"I was nice to you for once because I like you." Napatigil kami pareho. Parehong nagulat sa lumabas sa bibig niya.

"No-"

"Not in that way."

"Future president of the country isn't really good with words, Is he?" Huminga ito nang malalim.

"I'm not. I'm working on it."

"Can you please, Calm down. Not react for a couple of minutes."

"I just want to ask, Are you still mad at me?" Tanong nito.

Hindi naghiwalay ang mga mata namin. Ang madilim at matapang na kulay ng mga mata ni Sebastian kanina ay napalitan ng maamo at may bahid ng konsensya.

"No. I never was." Hindi naman ako nagsisinungaling kung tutuusin. Kahit na kailan hindi ako nagalit sa kaniya bilang indibiduwal. Iba nga lang ang timpla nito sa akin dahil sa apelyido niya.

"Then why were you-"

"Ayaw ko." Napatigil ito. Tinitigan niya ako ng ilang segundo nang hindi umiimik.

"Okay, Fine. You're not ready to. Let's not talk about it. I'm sorry." Hindi ko din naman maiwasang makonsensya.

Siguro masyadong marahas ang reaksyon ko sa mga ginagawa o sinasabi ni Sebastian. Defensive. Yan lang ang salitang maitatawag sa akin dahil sa mga reaksyon ko.

Dapat sa ngayon na intindihan ko na, Na hindi naman talaga siya masamang tao. Hindi siya sinungaling o magnanakaw.

Tanga lang talaga. Sobrang tanga.

"Pasensya ka na rin. Iba ang epekto sa akin ng ganitong usapan, Lalo na at..." Tinignan ko si Sebastian. Hindi umalis ang nga mata niya sa akin.

"I'm one of them." Pagtutuloy niya sa sinabi ko.

Ilang segundo kaming nanahimik. Naghiwalay rin ang mga mata namin. Napalunok ako ng laway dahil sa tensyon na naging epekto ng nangyari.

"Well, We have to start our project."

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon