Chapter 7: Love How You Hate Me

100 14 0
                                    

ALLISON

Tahimik akong nakikinood ng balita sa karinderyang malapit sa amin. Katabi ko naman si Rodel at ang girlfriend nito.

"Ayan na." Sabi ni Rodel nanag lumabas ang mukha at pangalan ni Archangel Castel sa telebisyon. Pinapaligiran siya ng mikropono na nakatatak ang logo ng iba't ibang palabas at channel.

"Sir, Sir. Kelan po ang estimated finish ng museyo?"

"Siguro sa katapusan ng Nobyembre ay mabubuksan na ito sa publiko."

"Sir, Saan po mapupunta ang perang malalakap ng museum?"

"Lahat ng pera na makukuha sa proyektong ito ay didiretso sa mga indigenous tribes at charities sa bansa."

"Di niyo ba napapansin? Lagi niyang sinasabi na mapupunta ang pera sa mga tribo o charity pero hindi niya sinasabi kung anong tribo or anong charity." Komento ni Rowena, Ang girlfriend ni Rodel.

"Oo nga, Lis..."Segunda ni Rodel. Napailing nalang ako. Tama naman ito. Sa lahat ng 'proyekto' ni Archangel o sa kahit sino sa kanila, Laging may dahilan o pupuntahan kuno. Ngunit kahit isang beses hindi nila nabanggit kung para saan o para kanino ang nga ito.

"Bukas, Tirik ang araw at wala akong pasok. Sabihan niyo ang Kampo Resistancia."

Binuksan ko ang pintuan naming gawa sa yero. Bumungad naman ang ina kong nakahilata sa sahig.

"Ma. Wag kayo dyan, Magkakasakit kayo." Sinubukan ko siyang buhatin pero sinampal niya ako. Huminga ako ng malalim bago ito subukang buhatin muli.

"Ma... Sa sofa na kayo. Magkakasakit kayo dyan."

"Wala kang pakialam!" Sigaw nito. Amoy alak na naman ang hininga niya.

Bumuntong hininga ako at binitawan siya.

"Bastos kang bata ka!" Rinig kong sigaw niya nang pumasok ako sa kwarto. Napapitlag naman ako nang kumalabog ang pinto ko dahil sa kung ano mang ibinato niya.

Malas. Naglabas naman ako nang kartolina at nagsimulang isulat ang mga salitang

"HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA."

Napuno ang plaza ng mga taong nakikiramay at nakikiprotesta sa mga namatayan. Kasama na kami doon ni Rodel at Rowena.

Sa harap ng entablado nagsasalita si aling Teri, Isa sa mga magulang ng namatay. Katabi ng plaza ang construction site ng museum na halatang nasira naman talaga. Bakit kaya wala manlang mga reporter o kahit sino sa media ang nakapansin nito?

"Hinagis lang nila ang katawan ng anak ko at ng iba pang namatay! At ngayon, Tinutuloy nila ang paggawa sa lugar ng trahedya! ASAN ANG HUSTISYA!"

"HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA!" Sigaw naman namin.

"Kampo Resistencia! Para sa masa!" Paulit ulit na sigaw nila.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon