Chapter 36: Kiss

53 11 1
                                    

ALLISON

"Are you hungry?" Umiling ako at sinandal ang ulo sa bintana.

"Kumain naman na tayo sa hospital." Madilim na, At sa totoo niyan gutom na talaga ako. Ang kaso nagastos na ang huling pera ko at matagal pa ang sahod ko.

"Yeah, Alam ko. Pero anong oras pa iyon. Hindi ka ba nagugutom?" Naramdaman ko ang palad ni Axe na tumataas baba sa hita ko.

"Hindi. Ikaw?" Tanong ko.

"Hm... No. I was just asking if you were." Tahimik ang byahe, Kahit pa kanina sa hospital hindi rin ako umimik nang hindi ako kinakausap.

"Papasok ka ba ngayon?" Tanong ni Axe. Tumango ako.

"Mayroon."

"Gusto mo doon na kita i-hatid?"

"Hindi na. Nasa bahay ang uniporme ko."

"I can wait for you, Then hahatid na lang kita." Umiling ako muli.

"Hindi na, Axe. Ngayon ka lang magkakaroon ng pahinga sa pag-babantay." Mahinang tumawa si Axe.

"Ikaw ang pahinga ko, Lis."

Napalunok ako. Kanina pa sira ang araw ko pero nang marinig iyon, Parang na-blangko ang utak ko ng ilang segundo. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at panlalamig ng kamay ko.

"Axe," Huminga ako ng malalim. Natagpuan ko ang sarili na nagpipigil ng ngiti.

"Seryoso ako." Humigpit ang hawak nito sa hita ko.

"Ako din naman..."

"Axe, Dito nalang. Huwag na tayong magpakita sa bahay." Tinigil ni Axe ang sasakyan sa harap ng isang maliit na tindahan na may kalayuan sa bahay namin.

"Lis, Teka lang." Pinigilan ako ni Axe nang akmang bubuksan ko ang pinto.

Sa haba ng byahe ngayon lang nagkasalubong ang mga mata namin. Hindi tulad ng mga mata ni Sebastian, Maaliwalas at magaan sa pakiramdam ang mga mata ni Axe.

Marahang kumunot ang noo ko nang mapagtantong kinukumpara ko ang kasintahan kay Sebastian.

"Bakit?" Tanong ko.

Hindi ako nakagalaw at sumabay nalang sa kanya nang hawakan nito ang mukha ko at idikit mga labi niya sa akin.

"Do we have a problem?" Bulong nito sa gitna ng halik. Umiling ako.

"Good." Sumalubong ulit ang nga labi niya sa akin na dahilan ng pag pikit ng mga mata ko.

Dinilat ko ang nga mata nang maramdaman ang dahan dahan na pag papaalam ng dila ni Axe na pumasok sa mga labi ko.

Pumikit akong muli at bumigay sa nais nitong gawin. Bumaba ang isa nitong kamay sa hita ko. Unti unting umangat ang kinalalagyan ng palad niya.

"Seb-" Nang matauhan sa mala-mahikang halik nito, mahina akong kumalas sa halik.

"What did you say?" Mahina nitong tanong at pinatong ang noo sa akin. Nagtama ang mga mata namin habang nilalaro niya ang buhok ko.

Hindi ko pinahalata ang gulat nang mapagtanto kung kaninong pangalan ang muntikan ko nang masabi.

"I said, See you tomorrow." Pagsisinungaling ko, Umaasang hindi niya masyadong naintindihan.

Napalunok ako nang dumikit ang katawan ni Axe sa akin habang binubuksan niya ang pintuan ng sasakyan.

Ang alam ko hindi naman ganito kahirap ang pag-bukas ng pinto, Ngunit bakit parang natatagalan ito?

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa likod ko.

"See you tomorrow, Lis. Magiingat ka sa work." Sumara ang nga mata ko nang halikan niya ako sa noo.

"Ikaw din."

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang ina ko na nakikipag sigawan sa harap ng bahay namin. Nakapaligid dito ang mga kabitbahay na nakikisawsaw, nag-aalala, at sinusubukang pigilan sila.

Bumuntong hininga ako bago lumapit dito.

"Putangina mo, Maribel! Putangina mo!" Halos hindi na makilala ang boses ni mama dahil sa galit na laman ng sigaw nito.

"Ma, Ma." Hindi niya ako pinansin. Bago pa ako tuluyang makalapit sumabog na sa ilong ko ang matapang na amoy ng alak.

"Ate Teri, Ano po bang nangyari?" Tanong ko habang hawak ang magkabilang kamay ng nanay ko.

"Dinaya ni Maribel ang nanay mo sa sugal." Napa-iling ako bago hilalin si mama na hanggang ngayon ay sumisigaw.

"Halika na, Nakakahiya ka." Mahina kong sabi.

"Huwag kang mangialam dito, Allison!" Tumingin ako sa paligid.

Nakaikot sa amin ang mga matang nag-aalala, na-aawa at, ang hindi nawawalang mapanghusga.

"Ano na naman iyon, Ma?" Inis kong tanong nang isarado ang pinto.

"Putangina niyang si Maribel, Eh!" Irita itong tumingin sa akin.

"Ikaw naman, Pakielamera ka! Matapobre ka rin!" Umiwas ako nang ihagis nito ang babasaging baso.

Nilamukos nito ang mukha bago uminom ng tubig. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga luha galing sa mata nito. Dito na ako nakaramdam muli ng awa

"Wala tayong pagkain, Allison..." Lumupaypay ito sa sahig at humagulgol.

"Iyon nalang ang huling pera natin." Inangat ko ang tingin at diniinan ang panga.

"Alam mo naman pala, Pinang-sugal mo pa."

"Ako na namam ba ang masama, Allison?" Umiling ako bago iwan ito sa sala.

Bahala siya, Ginusto niya iyan.

Pagpasok na pagpasok ko ng kwarto, Umagaw ng atensyon ko ang maliit na kahon na nakalagay sa lamesa ko. Luma na ito at matagal na sa akin.

Lumapit ako at hinawakan ang kahon. Gamit ang dilaw na krayola, Magulong nakasulat ang nga salitang,

"For Canada, Al and papa"

Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang iilang piraso ng tig-bebente pesos. Simula noong magkatrabaho ako, Hindi ako pumapayag na hindi tig-bebente ang ilagay dito. Kahit gaano pa kalaki ang halaga ng ilalagay ko.

Kumunot ang noo ko nang bumagsak ang luha sa mga perang papel.

"Bakit mayroon nito dito?" Bulong ko sa sarili habang tinititigan ang asul na papel.

Sino pa ba ang iba kong kilala na walang ibang pera kung hindi tig-iisang libo?

"Si Sebastian..." Lalo namang nagkasalubong ang mga kilay ko nang mapagtantong pumasok ito sa kwarto nang tulog ako.

"Pakielamero."

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon