Chapter 68: Rin

34 7 0
                                    

ALLISON

Kung nagbibilang ako, Siguro may kalahating oras na kaming tahimik na nakaupo sa loob ng nakatigil na sasakyan ni Axe. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako bumababa o bakit hindi ako pinapababa ni Axe. Sa totoo lang. Hindi ko rin alam kung bakit namin pinapahirapan ang sarili namin sa nakakailang na sitwasyon na ito.

"Axe-"

"Lis-" gumaan ang tensyon nang sabay kaming natawa.

"Sorry, You first?" Nahawa naman ako sa ngiti nito.

"Ikaw muna, Ano iyon?" Siya na ang pinagsalita ko, tutal magpapaalam lang sana akong bumaba na at nagpasalamat sa paghatid niya sa akin. Umiwas ito nang tingin bago huminga nang malalim at tumawa.

"Wala. Naalala ko lang that time we went to the province? For the high school retreat?" Tinitigan ko si Axe bago maalala ang sinasabi nito.

"Para tayong may sariling mundo. We were loners but we were alone together." Hindi ko alam kung bakit, Pero bago kami tumuntong ng pangalawang taon ng kolehiyo ay ako lang ang kaibigan ni Axe. Sa pangatlong taon napasama na siya sa banda.

Hindi naman tumpulan ng tukso si Axe, Hindi rin naman siya masungit. Sadyang hindi lang siya nagkakaroon ng iba pang kaibigan.

"And ever since we were in high school, We really loved those cheesy 2000's romantic comedies." Tumango ako at ngumiti.

"And dad really..."

"Really wanted us to end up together." Napalunok ako. Sabay na nawala ang ngiti sa mga labi namin. Napuno na naman ng katahimikan ang paligid.

"At least he died knowing that we were in a relationship." Binasag ni Axe ang katahimikan bago malungkot na ngumiti. Iyong tipo ng ngiti na hindi kasabay ng mga mata.

Hindi ko naman maiwasang lamunin ng konsensya. Sino ba namang hindi?Alam ko kung gaano ako kamahal ni tito, na kahit papaano ay inaasahan niya na mahalin ko din si Axe. Iyon naman ang ginawa ko...

Hindi lang siguro kami para sa isa't isa.

"Uhm, Lis?" Tinaasan ko siya ng parehong kilay.

"Axe?" Mabilis niyang binasa ang parehong labi.

"Ang saya ng ganito, diba? We're fine. No tension, no pressure. No jealousy," tinitigan ko ito.

"We're just fine like this. As friends." Tumango ako. Hindi ko man alam kung saan patungo ang usapan na ito, Tama naman si Axe.

"Pero I won't lie, I still love you. I don't know when I'm gonna stop loving you."

"And I'm sorry for putting a strain on our friendship."

"Axe..." Ngumiti ako at pinatong ang palad ko sa kamay niya.

"Wala kang ginawang mali. Ako dapat ang humingi ng tawad." Ako naman ang tumawa, Umaasang gumaan pa ang sitwasyon.

"Ayan kasi, Ako pa minahal mo." Biro ko. Nagkibit balikat ito bago lumapit sa akin. Lumagpas ang katawan ni Axe sa katawan ko para abutin ang bintana sa likod ko. Habang binubuksan niya ito, Dumapo sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng pabango nitong hindi na niya pinalitan bago pa kami magkakilala.

"It's not like I had a choice, Lis." Bumalik ito sa maayos na pagkakaupo.

"Kasi if I did, Hindi ko pipiliing mahalin ka." Napalunok ako muli. Hindi ko na ninais magsalita, Sa pagkakataong ito papabayaan ko siyang ilabas ang lahat ng nararamdaman nito. Ang pagkakasabi niya ng bawat salita, Hindi ko naiwasang mapansin ang kaunting galit sa boses niya. Hindi pinatagal ni Axe ang katahimikan.

"So... Are we okay? As friends?" Ngumiti ako. Laking pagpasalamat ko na napatawad na ako ni Axe. Malaking bagay na iyon. Tumango ako.

"Best friends." Saka lamang lumawak at naging totoo ang ngiti nito.

"One more thing, Lis..." Ang bukol sa lalamunan nito ay bumaba kasabay ng mga mata niya.

Umangat ang parehong kamay ni Axe, Dahan dahang pinapakiramdaman ang magkabilang pisnge ko. Nagtama ang tingin namin, Mga mata nitong nagpapaalam. Hindi ako nagsalita, Hindi ko siya pinigilan. Pinabayaan kong dumampi ang malambot na labi ni Axe sa akin.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Pinakiramdaman ko ang paghinga nito habang nasa kalagitnaan ng mainit na halik, Mabigat at hindi pantay. Parang pinipigilan ang sariling lumuha.

Bago pa bumukas ang mga mata ko, Kumalas si Axe sa halik. Bumitaw man ang mga labi niya, Hindi parin siya lumalayo sa akin. Marahang bumagsak ang noo niya sa akin.

"Can I ask you something?" Bulong niya. Ramdam ang mainit na hininga sa gitna ng mga labi namin.

"Ano?" Lumipat ang mga palad ni Axe sa likod ng ulo ko, Sa itaas lamang ng leeg kung saan niya sinimulang paikutin ang iilang hibla ng buhok ko sa pagitan ng mga daliri niya.

"Castel," konektado ang mga mata namin sa isa't isa. Kung sino man ang magiging ganito kalapit kay Axe ay mapapansing mas malambot at mas maliwanag ang kulay kayumanggi sa mga mata nito kaysa sa karaniwang Pilipino. Lalo na kung ikukumpara ito sa mga mata ni Sebastian.

Na... Higit na mas madilim ang kulay kapag ganito ka kalapit.

Nagkasalubong ang mga kilay ko. Sumagi sa utak ko ang imahe ni Sebastian. Ganitong ganito rin ang posisyon at anggulo sa harapan ko, Ganito rin kalapit at ganito rin kung tumingin sa mga mata ko.

Ilang beses akong kumurap, Sinusubukang alalahanin kung totoo bang nangyari iyon o parte ng isang panaginip na nabaon na sa utak ko at ngayon lamang nagpapakita muli.

"Do you have feelings for him?" Nanlaki ang mga mata ko. Saktong labas ng mga salita sa bibig ni Axe ay ang pagsabog ng puso ko.

Hindi basta panaginip ang alaalang iyon. Mas luminaw sa utak ko ang pangyayari. Pagkatapos naming magkagulo sa bar sa hindi ko parin maalalang dahilan, Napunta kami sa kalsada. Malabo parin ang ibang detalye ngunit ang pakiramdam ng mga labi ni Sebastian, Ang paraan ng paghawak nito sa mukha ko. Sobrang linaw ay parang nararamdaman ko pa ito.

Ilang gabi na ang lumipas, Linggo na nga kung tutuusin. Naaalala kaya ito ni Sebastian?

Parang nawalan ng laman ang utak ko, Nakalimutan ko ang lahat ng pinaglalaban ko nan maalala ang pakiramdam ng mga labi niyang pinapakilala ang sarili sa mga labi ko.

Bakit parang gumaan ang loob ko? Na alam kong dahil sa ginawa niyang iyon, May pagkakataon na gusto niya rin ako-

Rin?

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon