Chapter 64: Cheat

45 7 0
                                    

ALLISON

"Kuya naman," Bigo kong singhal nang naaawa akong tinitigan ni kuya Tan, ang guwardya nitong unibersidad na ito na apat na taon na akong kilala.

"Pasensya ka na, Allison." Napailing na lamang ako at sinuko sa kaniya ang bag ko.

"Hanggang kailan po ba 'to?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, Hindi pa naman kami nasasabihan. Pasensya na talaga." Bumugtong hininga ako bago pumasok ng unibersidad.

Sa abot ng aking makakaya, Sinubukan kong hindi ako mamataan ng kahit sino habang naglalakad. Sapat na ang reaksyong nakuha ko sa balita, Hindi ko na kailangan ang kanila.

Habang pilit na tinatago ang sarili sa mga sa mga estante at puno na nakapaligid sa campus. Kahit na nakakaipon parin ako ng mga tingin, Iilan na naman ito. Hindi na masama.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang mula sa parke ay nakita kong may lumabas sa opisina ni principal Sandoval. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang mamukhaan ko ang magasawang lumabas dito.

Si Archangel at Maliari Castel.

Hindi ako masisisi kung lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit sila nandito? Napakadaming posibilidad at halos lahat ay hindi maganda. Dahil kaya sa akin? Sa mga litrato? Hinahanap kaya nila ako? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakali.

Hindi ko alam kung bakit pero gumaan naman ang paghinga ko nang makita kong kasunod nilang lumabas si Sebastian na nakaitim na longsleeve. Mula sa malayo ay nakita kong pumwesto sa likod nila ang nakayukong Sebastian habang nakikipagusap ang mga magulang niya ang principal. Kumunot naman ang noo ko nang mapansin ang pisngi nitong nakaharap sa akin. Dahil lang ba malayo ako o pasa iyon? Hindi kaya nagkita na sila ni Axe?

Napalunok ako sa ideya. Hindi naman siguro. Alam kong hindi gagawin iyon ni Axe.

Marahan akong pumwesto sa likod ng isang estante nang dahan dahang iangat ni Sebastian ang ulo niya at umikot ang mga mata sa paligid. Ang lakas naman ng pakiramdam nitong lalaking ito kung napansin niyang may nakatitig sa kanila?

Lalo naman akong nagtaka nang makita ang pagaalala sa mukha nito. Kahit na malayo ako sa kaniya nakikita kong pinaglalaruan niya ang daliri.

Agad akong lumayo sa lugar nang makita kong kamayan nila si principal Sandoval.

Naiwasan ko man ang pagtingin at panghuhusga sa campus, park at hallway, Dito ay wala na akong magagawa. Sinubukan ko namang hindi na pumukaw pa ng atensyon at tahimik na lamang na pumasok ng silid aralan.

Pero mukhang hindi pa ako napapatawad ni tadhana, Alam kong nasa likod ko lang rin si Sebastian dahil nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase natin. At isa pa, Sa likod ko na sila nakatingin ngayon.

Hindi ko na tinignan pa si Sebastian at umupo nalang ako. Tulad ng dati, Hindi ko naramdaman manlang ang presensya niya nang umupo ito sa likod ko. Parang multo.

"Good morning everyone," bati ng propesor sa amin.

"Congratulations to all of you, Luckily lahat naman kayo gagraduate and no one will be left behind."

"Now to congratulate our summa cum laude," Pumalakpak ang guro na hesitanteng sinundan ng mga kaklase namin.

"Prince Sebastian Castel." Mabilis na umangat ang ulo ko sa sinabi ng guro. Parang sandaling tumigil ang paghinga ko. Hindi, Baka nagkakamali lang.

"Prof? Si Sebastian po?" Agad kong tanong. Tumango ito.

"Yes, Miss Monteverde. It's such a shame nga na at this year ka pa talaga nagkulang." Huminga ako nang malalim, Pinagiisipang mabuti kung dito ko ba talaga gustong pagusapan ito. Matapos ang ilang segundong pagiisip kung gusto ko bang mas lumala pa ang atensyon na binibigay sa akin ng mga kaklase namin, Ngumiti na lamang ako at tumango.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon