Chapter 61: Congratulations!

40 7 0
                                    

ALLISON

Hindi magkandaugaga ang mga mag-aaral na nagsisiksikan sa iisang parte ng common area. Sa harap naming lahat ay nakapaskil sa malaking pisara ang mga letrang bumubuo sa pangalan ng kung sino ang may pinakamataas na grado ngayon taon, Kung dino ang tatayo sa entablado at magsasalita.

Napalunok ako nang masulyapan ang unang letra kung saan nakalagay sulat ang summa cum laude.

Letrang M.

Ayoko namang umasa, Pwedeng maging kahit sino iyan. Maaaring nakahabol na si Ariel Medina na matagal nang magna cum laude, Pwede ring si James Marcus na scholar.

Pwede ring ako, Na taon taong valedictorian. Ako na, Maaaring mabigyan ng pagkakataong pumunta sa ibang bansa at magaral sa mas mataas na ranggo kung sakaling ako nga ang nakasulat dito.

Nang maramdaman kong lumuluwag ang paligid, Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na tuluyang tignan ang listahan.

"Monteverde, All-" Hindi ko pa natatapos basahin ang pangalan ko ay naluha na ako.

Nagawa ko. Magtatapos ako ng kolehiyo na summa cum laude. Makaka-pagaral ako sa ibang bansa.

"Shit," Napatingin ako sa kanan ko kung saan bumungad sa akin ang kilalang kilala kong braso ni Sebastian. Bago ako magsalita ay napabaling akong muli sa listahan.

'Monteverde, Allison - Summa Cum Laude  :
'Castel, Prince Sebastian - Magna Cum Laude'

"Congratulations, Sebastian!" Nakangiti akong humarap dito at pabiro siyang tinulak. Ngunit parang hindi masaya si Sebastian sa nakikita niya. Hindi ba magandang balita ito?

"Seb? May problema ba?" Mabilis na tumingin sa akin si Sebastian. Ngumiti ito at mabagal na umiling.

"No, I'm just-" Tinignan muli nito ang listahan at umubo.

"Shocked,"

"I just didn't expect I'd even make it to the list." Tumawa ako.

"Ikaw pa? Muntikan mo na nga ako malamangan." Tumawa rin si Sebastian bago umubo.

"Yeah, I,"

"Wow." Pabiro niyang tinuro ang pisara.

"Congratulations, Allison. You deserve it." Umangat ang isang gilid ng labi nito. 

"Allison! Congratulations!" Ngumiti ako sa kasamahan sa student council nang batiin ako nito.

"Salamat..." Tumango ako. Nawalan na ako ng bilang ng ilang taong bumati sa akin ngayon araw, at parang kada bati nila ay naiisip ko ang ibig sabihin ng oportunidad na ito.

Ibig sabihin ay kailangan kong iwan ang lahat ng minahal ko dito sa lugar na ito.

Paano na ang mga bata? Paano na sila Rodel, Paano na ang Kampo? Paano na si...

Si Sebastian. Hindi ko pa ito nakikita buong araw, Maliban noong tinitignan namin kung sino ang pinakamataas ang grado.

Nasaan kaya yung lalaking 'yon? Siguro masakit rin ang ulo niya dahil sa nainom namin kagabi kaya't nagdesisyon itong hindi nalang pumasok. Sigurado akong mas malala ang epekto nito sa kanya dahil ako ngang mas onti ang nainom ay walang maalalang detalye.

"I'm going to take a wild guess and say you're looking for me." Mabilis akong napalingon nang maramdaman ko ang braso ni Sebastian na bumalot sa akin.

"Seb, Ano ba iyan?" Natatawa kong sita sa kanya habang marahang tinatanggal ang braso niya sa mga balikat ko.

"I'm sorry." Humahagikgik nitong sambit. Nang marinig ko ang mahinang tawa ni Sebastian parang bumagsak ang puso ko.

"Oh? What's wrong?" Napansin siguro ni Sebastian ang biglaang pagbabago ng emosyon sa mukha ko. Mabilis akong umiling.

"Wala."

"Are you okay? You're not acting in a way that a valedictorian should, Al. You should be..." Umubo si Sebastian.

"Very happy,"

"I am happy. Huwag mo na ko isipin," Umiwas ako ng tingin kay Sebastian.

"Come on, Al. Tell me. Are you anxious of your speech?" Umiling ako. Tumawa muli si Sebastian.

"I mean, Allison Monteverde, Scared of talking in front of a few hundred people? No way." Sarkastiko kong tnignan si Sebastian bago mahinang natawa.

"Ang totoo kasi, Sebastian,"

"Ang tagal ko nitong pinaghirapan." Kumunot ang noo ni Seb na para bang nagtataka.

"Go on,"

"At eto na nga. Nandito na ako," Huminga ako nang malalim. Tumigil kami sa paglalakad at nanatili sa gitna ng unibersidad, Kung saan nagbibigay silong ang malaking puno na ilang taon nang nakatayo doon.

"Ibig sabihin noon ay may pagkakataon akong makapag-aral sa ibang bansa," Umawang ang mga labi ni Sebastian at ilang beses siyang kumurap. Para bang alam na niya ang susunod kong sasabihin.

"As an exchange student," Pagpapatuloy niya sa sinasabi ko. Tumango ako. Tinitigan ako ni Sebastian, Mata sa mata.

"Al, I'm-" Pinigilan niya ang sarili. Bumaba ang tingin nito sa sapatos niya.

"I'm going to miss you." Ilang segundo kaming natahimik. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dito. Hindi ako pwedeng mag-dalawang isip. Bakit nga ba ako nagdadalawang isip? Taon ang ginugol ko dito. Taon taong dugo at pawis ang sinakripisyo ko para sa pagkakataon na 'to.

Bakit ako nagdadalawang isip?

Umangat ang tingin ko kay Sebastian bago ito pabirong tinulak.

"Ano ka ba? Hindi naman iyon matagal," Taon. Marami raming taon ang itatagal ko doon kung ipagbubutihin ko.

"Saan ka ba galing?" Pagiiba ko nang usapan. Binasa niya ang ibabang labi bago idiin ang ngipin dito.

"Wala, I had to talk to my dad."

"Dalawang klase kang wala." Ngumiti si Sebastian.

"It was a very long talk." Natawa nalang ako.

Sabay na nagkasalubong ang mga kilay namin ni Sebastian nang mapansing parang nag-iba ang galaw ng paligid. Parang bumagal ang paglalakad ng mga estudyante.

Parang nakatitig sila sa amin. Nang magsimula ang bulungan, Doon lamang tuloy tuloy na tumunog ang telepono ni Sebastian. Hindi humiwalay nang tingin sa akin si Sebastian habang nilalabas ang telepono sa bulsa. Huminga siya nang malalim bago buksan ang telepono.

Para akong nauubusan nang hangin sa katawan sa ilang segundong nananahimik ni Sebastian, Binabasa ang kung ano man ang nakalagay dito. Napalunok ako nang umigting ang mga panga ni Seb. Nang hindi tumitingin sa akin, Inabot niya ang telepono.

Doon lamang tumambad sa akin ang iba't ibang litrato kung saan magkasama kami ni Sebastian, Masaya at magkadikit.

Litrato na magkasama kami sa rooftop ng paaralan, Kasunod ay ang pagkakamaling halik namin doon din. Mayroon ding litrato na magkasayaw kami kagabi.

"Sinira ko yung... Paano?" Mahina kong tanong kay Sebastian.

"I don't know..."

"The phone must've had a memory card that you didn't break." Kahit hindi pa napoproseso ng utak ko kung gaano kalala ang magigjng apekto ng mga litratong ito, Isang bagay lang ang alam ko.

Masama ito. Sobrang sama nito.

Alam kong may gustong ipahiwatig ang mga artikulo. Kung hindi ako ang nasa litrato kasama si Sebastian, Panigurado akong maniniwala ako na kasintahan niya ito.

"We're dead."

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon