Chapter 63: The Man

50 7 0
                                    

ALLISON

"Mainit naman ngayon sa social media ang iba't ibang litrato ni Sebastian Castel  kasama ang babaeng nakilala bilang si Allison Monteverde,"

Napatigil ako sa pagbaba ng mga plato sa lamesa nang customer nang marinig ang sarili kong pangalan sa telebisyon. Bahagyang umangat ang tingin ko sa dalawang babaeng hinahandaan ko nang pagkain na ngayon ay magkasalubong ang parehong kilay.

"Miss, Ikaw ba 'yon?" Tanong ng isa. Napalunok ako bago lumingon sa malaking telebisyon na ngayon ay pumupukaw ng atensyon ng lahat nang kumakain sa resto.

"Hindi po, Kamukha ko ba?" Pagmamaang maangan ko.

"Magkapangalan pa kayo, Oh." Tumawa ang isa sa kana habang tinuturo ang pangalangang nakadikit sa uniporme ko. Habang ang kasama naman nito ay halatang hindi naniniwala sa akin.

"Sige po, Enjoy your meal." Peke akong ngumiti bago mabilis na tumalikod.

Pagsarang pagsara ko nang pintuan ng kusina ay hinugot ko agad ang teleponong nasa bulsa ko.

Napatingin sa akin si Rodel at Rowena na ngayon ay nanonood din sa maliit na telebisyon sa kusina.

"Ano 'yan, Lis?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rodel habang patuloy parin ang pagpapakita ng mga litrato.

"Hindi lamang isa, Kung hindi dalawang beses nakunan ng litrato ang dalawa na mukhang magkadikit ang mga labi,"

Patuloy ang tagaktak ng aking pawis habang tumutunog ang telepono kong nakatapat sa tenga. Patuloy din ang pagpapaliwanag ng reporter sa mga litratong nakahain sa screen.

"Oh my god," Mahinang singhal ni Rowena habang tinititigan naming tatlo ang litrato namin ni Sebastian na magkalapat ang mga labi sa gilid ng kalsada. Kumunot naman ang noo ko nang makita ang litratong ito.

"Lis..." Rinig ko sa boses ni Rodel ang pagkabigo, Na para bang hindi niga inaasahang gagawin ko ang mga iyan.

Bumugtong hininga ako nang walang sumagot sa kabilang linya.

"Hindi ka ba nagiisip?" Galit na tanong ni Rodel.

"Kumpirmado ring dating kasintahan ni Axe, Na anak ni late mayor Richard Cruz, Si Monteverde. Pamilyar rin si Allison dahil kilala na ito bilang aktibista at pinuno ng isang anti-government organization na aktibong nilalabanan ang pamilyang Castel,"

Umiwas ako ng tingin kay Rodel na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Si Rowena naman ay patuloy na nakikinig sa sinasabi ng balita.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon