Chapter 35: Guilt

45 10 1
                                    

ALLISON

Hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin.

"Ouch..." Hinaplos ni Sebastian ang pisnge habang nakabaling sa kaliwa ang mukha.

"Al," Mabilis akong tumayo at tinalikuran siya.

"Where are you going?" Tanong nito. Hindi ako sumagot at patuloy na bumaba ng hagdan.

"Allison, I'm sorry." Huminga ako ng malalim bago magpatuloy sa pagbaba. Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Sebastian.

"Allison,"

"Sorry." Hindi ko siya pinansin.

"Al," Inis kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Humarap ako sa kanya.

Muntik nang mawala ang galit ko nang magtama ang mga mata namin.

"Ano ba?! Ano bang kahibangan iyang pumasok sa utak mo?!" Kahit na lahat ng lakas ko ay tinuon ko sa pagtulak sa kanya, Halos hindi ito gumalaw.

"Look, I'm sorry, Okay?"

"Sagutin mo ako, Seb! Anong kabaliwan iyon?!" Bumuntong hininga siya.

"I don't know, Okay? I felt like it-"

"You felt like kissing me?! You're insane!"

Dali dali akong bumaba ng hagdan.

"Bwisit." Bulong ko nang marinig na nakasunod parin ito sa akin.

"Allison, Talk to me. Please." Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng lahat ng madadaanan namin.

Sino ba naman ang hindi titingin? Isang hamak na babaeng tulad ko ay hinahabol ni Sebastian Castel.

"Allison! Ano ba? Where are you even going?" Hinihingal na sambit nito.

Tumigil ako sa harap ng isang pinto.

"Allison-" Humarap ako sa kanya.

Sumalubong ang mga mata ni Sebastian sa mga taong nasa loob ng silid. Bumaba ulit ang tingin niya sa akin.

"Anong problema, Lis?" Seryosong tanong ni Axe na hinawakan ang beywang ko.

"Castel,"

"Bakit?" Hinigit ni Axe ang katawan ko para lalong lunapit sa kanya.

Tinitigan ako si Sebastian. Hindi ko mapinta ang emosyon sa mukha. Seryoso, Ngunit parang nasaktan sa ginawa ko.

"Nothing. I have to go." Walang emosyong sabi ni Sebastian bago naglakad palayo.

"Allison, Anong nangyari?" Alalang tanong ni Axe.

"Uuwi na ako." Kumunot ang noo nito.

"Bakit?" Nagkibit balikat lang ako at umiwas ng tingin.

"Kailangan ko nang umuwi. May tatapusin pa akong proyekto."

"Ihahatid na kita." Tinignan ko ang mga kabanda niya. Umirap, Suminghal at ngumisi ang nga ito.

Hindi naman ako papayag na sa kanila lang ang kasintahan ko. Nagparaya na ako. Ako naman.

"Tara." Lumingon si Axe sa mga kaibigan niya.

"Guys, Hahatid ko si Allison." Sinubukan nilang itago ang ngiwi ngunit kita parin ito.

"Ano ba talaga ang nangyari? Akala ko ba hindi ka na niya ginugulo?" Tanong ni Axe nang isarado ang pintuan ng sasakyan.

Umiling ako.

Hindi ako makaimik, Halos hindi nga ako makatingin kay Axe. Hindi ko naman kasalanan iyon, Si Sebastian naman ang nagumpisa. Pero bakit nakokonsensya ako nang ganito?

"Are you sure, Babe?" Alalang tanong nito. Binuksan niya ang makina. Tumango nalang ako.

"Gusto ko nang umuwi." Sinandal ko ang ulo aa bintana at pinanood ang mga umaandar na sasakyan.

Bakit ganon? Sobra ang konsensya at kabang nararamdaman ko. Hindi naman siguro iyon malalaman ni Axe. Hindi ko rin naman kasalanan.

Kung aminin ko na kaya para kung sakaling malaman niya, Hindi niya isiping nag-dadahilan ako.

"Axe-"

"Lis-" Tumawa si Axe nang sabay naming tawagin ang isa't isa.

"You first."

"Hindi, Ikaw na mauna." Ngumiti ito.

"I love you." Sinubukan kong ngumiti.

"You too, Axe..." Moreno man, Namula ito.

"Good. Kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi." Napa-lunok ako ng laway.

"Six months na tayo sa susunod na araw. What do you want?" Tanong niya. Mabilis akong umiling.

"Wala."

"Lis, Ano nga?" Mahinang tumawa si Axe. Lumiko ang sasakyan sa kalsada namin.

"Wala nga talaga." Humaba ang nguso nito.

"Come on, Babe. Kahit ano?" Umiling ako.

"Wala. Ikaw ba, Mayroon kang gusto?"

"No way in hell you're getting me a gift." Para namang nananadya itong si Axe at ngayon pa naisipang pagusapan ito.

"Pareho lang tayo."

"Lis, Hindi pwedeng hindi tayo mag-celebrate. Kalahating taon na simula nung upgrade." Tumawa ako.

"Upgrade?"

"Yes po. From best friend to best girlfriend." Kumindat si Axe.

"Hindi ba tayo dadaan kay tito?" Pag-iiba ko ng usapan. Hindi agad sumagot si Axe.

"Ikaw, Gusto mo ba?" Tumango nalang ako.

Nang makarating kami sa ospital agad kaming nagmano sa tito ni Axe.

"Tito Dale, Girlfriend ko po." Ngumiti ako. Naglahad ng kamay si Timothy Dale Cruz, Ang pinakabata sa magkakapatid na Cruz.

"Beautiful young lady, Huh. Iha, Are you sure si Axe na talaga?" Biro nito.

"Tito naman, Eh." Dumiretso ang mga mata ko sa salaming bintana.

Nakaratay sa kama si tito Richard na mayroong tubo sa bibig at iba't ibang aparato na nakapalibot.

"Kamusta po si tito?" Tanong ko.

"Maayos naman daw siya, There is a possibility he'd wake up any time this week. I just talked with the doctor bago kayo dumating." Sagot ni tito Dale.

Hindi na ako umimik habang naguusap ang mag-tiyuhin. Tinitigan ko si mr. Cruz.

Sumagi na naman sa isip ko si Sebastian. Hindi naman siguro ito konektado sa nangyari. Kung Castel man ang may pakana nito, Hindi si Sebastian.

"So, Axe. Kaka-alis lang rin ng abodgado ng mga Castel at ng ama mo." Bumaling ang tingin ko sa dalawa.

"Ano po ang napagusapan ninyo?" Tanong ko.

"Ayon sa mga abogado ng Castel, Hindi naman raw sila nagsinungaling. They just confirmed the accident, But they never claimed na ikaw ang nagsabi. It was the news station that did." Nagsalubong ang mga mata namin ni Axe.

Tama nga ang sinabi ko kanina.

"According to your lawyers naman, You shouldn't be a part of this in any way." Kumunot ang noo ko at nakitang ganoon rin ang ginawa ni Axe.

"Paano po? Anak po ako ng biktima." Tumango si tito Dale.

"From a professional stand point, Hindi ka naman talaga dapat mag-salita, Iho."

"Wala kang pwedeng i-akusa sa mga Castel. Hindi sila ang nagsinungaling."

"And personally naman, Axe. Kung sila nga ang may gawa nito, Kid..."

"Huwag mo nang ipahamak ang sarili mo." Hinawakan ni Axe ang kamay ko.

"Masyado na po talagang pinapabango ng mga tao ang mga Castel," Umiling ako.

"Kahit pa hindi na sila mismo ang magsinungaling. Iisipin na agad ng mga taga-suporta nito na mabubuti silang tao." Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Axe.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon