Chapter 54: Mata sa Langit, Paa sa Lupa

48 7 0
                                    

ALLISON

Dinilat ko ang mga mata ko at pinabayaan itong dahan dahan na masanay sa ilaw na sumisinag mula sa maliit na sira ng aking bintana.

Tinignan ko ang aking telepono para lamang makasigurado sa araw.

Lunes. Matapos ang isang linggo kong hindi pagpasok sa unibersidad, Makakapasok na ako muli.

Mabilis na akong kumilos at lumabas ng kwarto.

Bumuntong hininga ako at sinalubong ang maingay na kalsada. Bago ako sumakay tinignan ko muli ang telepono.

Pangalan at numero parin ni Sebastian ang bumungad sa akin. Kahit na ang inaasahan ko araw araw ay ang kay Axe.

Seb: Hey, Are you going to school today?

Oo

Seb: You want me to pick u up?

Hindi na nakasakay na ako. Salamat.

Seb: fr? K. Alr. See u there :)

"Manong, Para ho!" Malakas kong sambit at kumatok sa bubong ng jeepney.

Inayos ko ang I.D. ko bago bumaba ng sasakyan. Saka ako nagmartsa papalapit ng unibersidad.

"Teka lang, Miss. Kasama ka sa mga nagpoprotesta noong huli hindi ba? May utos ang unibersidad, Hindi ka pwedeng pumasok nang hindi iniinspeksyon ang mga gamit mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng guwardya.

"Ano po?"

"Ikaw si Allison Monteverde, Hindi ba?" Umiling ang gwardiya at pumalatak

"Pasensiya na, Anak."

"Teka lang po. Estudyante lang rin ako, Hindi ako papayag na ako lang ang bigyan niyo ng ganitong trato-"

"Ay nako, Ineng. Nakikinig lang ako sa utos. Lalo na at threat ka sa isa sa mga estudyante."

"Ano ba ang pinagsasabi ninyo , manong?" Mapait akong tumawa.

"Para namang hindi niyo ako kilala. Manong naman, Apat na taon na akong pumapasok dito. Tinutulungan ko pa nga po kayo kapag magsasara na ang unibersidad-"

"Pasensya ka na, Allison. Nautusan lang ako. Nabigyan kasi ng salita ng lokal na kapulisan na bantayan ka mabuti at baka daw parte ka ng terorist-" Bago pa matapos ni manong ang sasabihin sumingit na agad ako.

"Manong, Hindi niyo po ito pwedeng gawin sa akin. At anong utos ng kapulisan? Kung hahalungkatin niyo ang mga gamit ko, Dapat sila rin." Tinuro ko ang mga estudyanteng sunod sunod at walang sagabal na pumapasok sa gate.

"Studyante lang rin ako, red taggin po iyang ginagawa ninyo-",

"Nako, Allison. Pasensya na talaga."

"Pasensiya ka narin manong, Pero hindi talaga ako papayag na iba ang trato niyo sa akin-"

"Ang aga aga, Al." Bumuntong hininga ako nang marinig ang mabigat na accent at boses nito sa likod ko.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon