Chapter 9: Game

82 13 0
                                    

ALLISON

Bullshit. Napaka-malas talaga ng tadhana ko kay Sebastian.

"Positions, Students!" Nagsimulang magdikit dikit ang magkakapares. Ngunit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"You know, You cant just hate someone you don't know." Sabi ni Sebastian na papalapit sa akin.

"Oh, I know you all too well." Inis kong sabi sa kanya. Akmang pipitikin na naman niya ang noo ko pero inunahan ko na siya ng mura.

"Pag dumikit talaga yang daliri mo sa noo ko, Babaliin ko yan." He rose an eyebrow and mouthed the word "wow."

"Get ready, Castel and Monteverde." Sabi ni coach bago kami pagharapin nang makakalaban namin sa laro.

Hindi ko kilala ang pares na nasa harapan ko at wala akong interes malaman. Napataas naman ang kilay ko nang kumaway ito kay Sebastian.

Inikot ni Sebastian ang raketang iniabot sa amin ng coach bago kindatan ang babae. Pinanood kong halos himatayin ito sa harap ng kasama niyang halatang naiinis narin kay Sebastian.

"Players! Ready!" Ang kabilang terno ang nagserve.

Hindi pa ako nakakakurap ay mabilis itong nasalo ni Sebastian. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong balak makipag agawan ng shuttlecock kay Sebastian kaya hinayaan ko siyang makipaglaron sa dalawang nasa harapan namin.

"Monteverde, Move!" Natauhan naman ako nang sigawan ako ng coach.

Sinubukan kong habulin ang laruang gawa sa puting balahibo at maswerte naman akong matamaan ito.

"Better get your shit together, Monteverde." Rinig kong sabi ni Sebastian na nakikipagagawan ng hininga.

"What?" Tanong ko at hinataw ang shuttlecock na parating.

"I..." Hinataw ulit ito ni Sebastian.

"Dont..." Tinamaan niya ito ulit.

"Like..." Isa pa.

"Losing!" Narinig ko ang pito ng coach. Hindi ito nasalo ng kabilang partido.

"That's one on Monteverde and Castel, Zero points for Dizon and Marquez." Sabi ni coach. Nagsimulang magsigawan ang mga estudyante sa gym.

"Go Sebastian!"

"Galingan mo, Sebastian!" Napairap nalang ako.

Natapos ang isa pang round pero natalo kami. Tinignan ko naman si Sebastian. Halatang napipikon na ito. Inangat niya ang jersey upang magpunta ng pawis, Dahil dito kitang kita ang hindi maipagkakailang hubog ng katawan niya na lalo pang napakintab ng pawis na tumutulo dito.

Seryoso nga siya. He doesn't like losing. Ayan na naman yung titig niya, Tingin na parang maninira ng buhay.

"This will be the tie-breaker, Teams! Goodluck!" Pumito ulit ang coach at ang kabilang team ang serve.

Sa dako ko lumipad ang shuttlecock kaya ako ang humabol dito. Mabuti nalang napabalik ko ito sa kanila.

"Shit..." Rinig kong mura ni Sebastian nang muntik niya na itong hindi matamaan.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon