Chapter 38: Reality

47 9 0
                                    

ALLISON

"Hey." Umangat ang tingin ko kay Axe na malawak ang mga ngiti. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakatago ang mga kamay nito sa likod niya.

"Bakit?" Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking noo.

Umiwas ako ng tingin at sinabit ang bandereng may nakasulat na 'SMU NIGHT OF MAGIC.'

"Hey..." Mahinang sabi ni Axe at binalot ang mga braso mula sa likod ko.

"Bakit nga?" Bumaba ang tingin ko sa kamay nito kung saan nakahawak siya ng puting rosas.

"Ano iyan?" Tanong ko habang inaayos ang bandera.

"Will you be my date tonight?" Kunot noo akong tumingin sa kaniya.

Hindi parin ito bumitaw sa pagkakayakap kahit nakaharap na ako sa kanya.

"Mayroon pa ba dapat akong ibang kasama?" Sumimangot si Axe.

"Bakit ang sungit mo? Hindi ka nag-enjoy sa performance namin kagabi, Ano?" Marahan akong ngumiti.

"Magaling ka, Axe. Lagi naman." Bumilog ang mga labi nito.

"Please be my date." Tumango ako.

"Oo na, Oo na." Kumurba ang ngiti sa mga labi nito bago niya halikan ang noo ko.

"Al, Ako na diyan."

Pareho kaming napatigil ni Axe nang marinig ang boses ni Sebastian. Bumitaw sa pagkakayakap si Axe at kunot noong tinitigan si Sebastian.

Pinanood namin si Sebastian na walang emosyong tinataas ang mga dekorasyon.

"Seb, Ako na-"

"Didn't you hear what I said?" Madiin nitong saad. Lumunok ako ng laway at hinawakan ang kamay ni Axe.

"Sige, Salamat." Hindi umalis ang mga mata ko sa kanya ngunit kahit isang beses hindi ito lumingon sa akin.

Hinila ako palayo ni Axe.

Ano kaya ang problema noon? Ilang araw hindi mag-papakita pagtapos biglang susulpot na para iba na naman siyang tao.

"Let him be. Sila nag-sponsor ng event na ito. Pabayaan mo na siya." Sabi no Axe.

"Hey, Babe." Tinignan ko si Axe na hawak ang telepono.

"Kaya mo na ba mag-isa? Kailangan daw akong makausap ng mga abogado ni papa." Tumango ako.

"Are you sure?"

"Oo naman." Kay Axe man ako nakaharap, Hindi nawala ang mga mata ko kay Sebastian.

Nakatungtong ito sa puting upuan at hinahatak ang kalahati ng buhok. Sinuotan niya ito ng pantali bago sindihan ang sigarilyong nakatambay sa mga labi.

"I love you." Saka lamang nagtama ang mga mata namin ni Axe.

"He gives you any trouble, You call me. Understood?" Tumango nalang ako.

Matapos umalis ni Axe nagpatuloy na ako sa pag-aasikaso ng gym.

"Ano pa ang kulang?" Tanong ko kay Arnel habang bitbit ang mga upuan.

"Catering nalang, Lis. Darating na iyon." Tumango ako.

Binuksan ko ang telepono ko at tinignan ang orasan. Mag-tatatlong oras na kaming nag-aayos dito sa gaganapan ng ball ngayong huling gabi ng foundation week.

"Maya, Kamusta itong tutugtog?" Tanong ko kay Maya na sinasaksak ang ilaw ng entablado. Tumango ito at tinaas ang hinlalaki.

"Game na sila mamaya."

"Mabuti naman."

"Al..."

"Putangina-" Tinakpan ko ang bibig nang dumako sa akin ang mata ng mga kasamahan ko.

"Ano?" Tanong ko dito.

"Are you mad at me?" Hindi ko mabasa ang emosyon ni Sebastian. Hindi naman sa wala, Pero para bang tinatago niya talaga ito.

Bumuntong hininga ako.

"Hindi,"

"Hindi na." Nagkasalubing pataas ang mga kilay niya.

"So you did get mad?"

"Bigla mo akong hinalikan ng walang dahilan? Anong gusto mong maramdaman ko?" Nagkibit balikat ito.

"It's not that big of a deal, Al." Tinaasan ko ito ng kilay.

"Ayon naman pala. Huwag ka nalang mag-salita." Tinalikuran ko ito.

"Fine." Mabilis at madiin ang tono ng boses nito.

Saka lamang ako humarap muli sa kaniya nang marinig ko ang mga hakbang nito papalayo.

Pinanood ko si Sebastian na padabog na inaayos ang mga upuan. Tinitigan naman siya ng lahat ng taong nasa gym nang umalingawngaw ang tunog ng mga bumabagsak sa upuan sa sahig. Umikot ang mga mata ko.

"Tarantado." Mahinang kong bulong sa sarili.

Halatang hindi sanay humihinging tawad o magpakumbaba.

"Kids! Council!" Pumalakpak ang isa sa mga nakatataas na guro na dahilan ng paglapat ng mga mata namin sa kaniya.

"You can now go home and get ready for tonight.* Masayang nagsigawan ang mga kasamahan ko.

"Salamat, Sir!"

"Thank you po!"

"See you later, Sir!"

Hindi tulad nila, Tahinik kong inayos ang mga gamit ko at lumabas ng gym.

Pagdating na pagdating ko sa bahay saka ko lamang napagtantog wala akong mai-susuot o kahit na mailalagay sa mukha ko.

"Malas." Umiiling kong sabi nang inangat ang takip na nasa lamesa. Wala palang pagkain dito kahit na tanghaling tapat.

Dali dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa pinakamalapit na tindahan.

"Aling Eya, Pwede po bang pautang naman kahit de lata?" Kinatok ko ang tindahan.

"Hay 'naku! Allison!" Bumaba ang mga mata ko sa sahig at napalunok ng laway.

"Tatlong libo na itong utang ninyo sa akin! Sumosobra na kayo." Kumunot ang noo ko.

"Tatlong libo? Hindi po ba at kakabayad ko lang noong sumahod ako? Limang daan nalang po iyan nung huli, Hindi po ba?" Takang tanong ko.

"Iyang nanay mo, Kumuha ng limang kaha ng sigarilyo at dalawang case ng alak." Huminga ako ng malalim, Sinusubukang isaayos ang nararamdaman ko.

"Pasensya na po, Aling Eya." Umiiling na kumuha ito ng de lata.

"Ayan, Ayan. Bente sinko iyan, 'ha!" Tumango ako.

"Salamat po."

Inis kong binuksan ang pinto ng bahay at padabog na binaba ang de lata sa lamesa.

"Allison, Ano ba 'yan?! Ang ingay mo!" Marahas kong hinigit pabukas ang lata ng marinig ang nakakairitang boses ng aking ina.

"Ay, Salamat at mayroong pagkain." Lumapit ito sa akin at pinanood akong ilipat ang laman nito sa isang sirang mangkok.

"Ma,"

"Oh?" Inis nitong tanong.

"Bakit umutang na naman kayo kay aling Eya? Kababayad ko lang, Ang mahal pa ng inutang ninyo."

"Aba! Bakit hindi mo bayaran? Tutal marami kang pera?" Psrang nanlamig ang mga kamat ko sa sinabi nito.

"Ma, Ano po ba tingin niyo ang ginagawa ko sa pera?"

"Ay, Basta!" Parang umusok naman ang ilong ko nang hablutin niya ang mangkok at sinimulang kainin ang laman nito.

"Bwisit." Mahinang sabi ko nang talikuran siya at pumasok sa kwarto.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon