Chapter 40: Doubt

42 10 0
                                    

ALLISON

Sinundan ng mga mata ko si Sebastian na palayo nang palayo ang hakbang. Sa tinatahak nitong daan, Mukhang wala itong balak bumalik sa loob.

At ano rin naman ang gagawin ko doon?

"Ang bilis naman noon." Bulong ko sa sarili nang mapansing wala na sa paningin ko si Sebastian.

Tumayo ako at napag-desisyunang magpaalam na kay Axe.

"Hey, Babe." Bati ni Axe nang makita akong pumasok sa gym.

Mataas ang kumpiyansa ko at hindi ako basta basta umuurong. Pero masyadong nakakapanliit ang mga tingin sa akin ngayong gabi.

"Saan ka galing?" Tanong nito.

"Nagpahangin lang." Sagot ko nang hindi parin bumabalik ang tingin dito.

"Perfect timing." Tumingin si Axe sa paligid nang tumugtog ang pamilyar na tono ng gitara.

"This is the ball's last dance. Have a great night, Students!" Masayang sabi ng isang propesor sa entablado.

"Shall we?" Ngumiti si Axe at nilahad ang kamay sa harap ko. Hindi ko naiwasang umikot ang mga mata sa paligid.

"Axe..." Mahina kong tawag dito. Lalong sumama ang ting sa akin ng mga tao nang kunin ni Axe ang kamay ko.

"Ano bang problema?" Bulong nito habang sumasabay ang galaw sa musika. Umiling ako.

"You've been acting weird, Lis. May problema ba tayo?" Umiling ako.

"Lis," Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at marahan itong inangat upang magkasalubong ang mga mata namin.

"I love you." Sinubukan kong ngumiti.

"Hey there, Allison," Natatawa nitong sabay sa kanta.

"I know times are gettin' hard. But just believe me, girl." Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Someday I'll pay the bills with this guitar,"

"We'll have it good, We'll have the life we knew we would." Mahina nitong kanta.

Binaba ko ang ulo ko at binaon ito sa dibdib niya. Pinili kong sabayan ang pag-galaw ni Axe.

"My word is good..." Tinuloy nito ang pagkanta.

Sa paghinga ko ng malalim, Nagtagal ang pabango ni Axe sa ilong ko.

Ilang minuto lang ang kanta pero bakit parang oras na akong nakalubog sa dibdib niya?

Sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin, Parang yakap na nga ito. Hindi na basta sayaw lamang.

"Axe..." Mahinang tawag ko dito.

"Hm?" Bumaba ang kamay niya sa likod ko at hinigit akong papalapit sa kaniya.

"Wala."

"I have a surprise for you tomorrow." Umangat ang tingin ko nang tingin ko sa kaniya matapos nitogn halikan ang buhok ko.

"Hindi na iyan suspresa kung sasabihin mo sa akin."

"Hindi ko naman sasabihin lahat. Ang sabi ko lang, I have a surprise." ,

"Bakit ano bang mayroon bukas?" Pabiro kong tanong. Humaba ang nguso nito.

"Nagbibiro lang." Marahan itong ngumiti.

"Anim buwan na tayo." Bulong nito nang ipatong ang noo sa noo ko.

"Alam ko."

"Pero matagal na kitang mahal."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko dito.

"Kasi," dumampi ang labi niya sa noo ko.

"I was gonna wait 'till we graduate. Kaso baka maunahan ako."

"Sino naman ang mauuna?" Nagkibit balikat si Axe.

Matapos ang huling sayaw, Napagdesisyunan ni Axe na ihatid na ako.

"Salamat." Sabi ko dito nang buksan niya ang pinto ng sasakyan. Pinanood ko si Axe na tumawid sa kabilang dako ng sasakyan bago buksang ang pintuan ng driver's seat.

"Seatbelt." Paalala nito sa akin. 

Tahimik ang byahe pauwi. Walang kakaiba sa daan at hindi na ako umimik. Ganoon narin si Axe. Dahil rin siguro sa pareho kaming pagod.

"Well," Tinigil niya ang sasakyan sa labas ng maliit na eskinita.

"Andito na tayo." Tinignan ko ang tahimik na kalsada sa harap namin.

"May gusto ka bang sabihin, Lis?" Tanong nito. Napalunok ako ng laway sa tanong niya.

"Kamusta daw si tito?" Tanong ko.

"Nothing new, Sadly. Nakausap na nila Attorney at tito si Archangel." Saka lamang ako tumingin sa kaniya. Diretso ang mga mata nito, Pinagmamasdan din ang kalsada.

"Anong balita?" Bumuntong hininga siya.

"Humingi sila ng dipensa sa misunderstanding."

"Paano yung imbestigasyon? Wala bang nangyari?" Umiling siya.

"Crowded yung place ng incident, Lis. Walang nakakita kung sino ang may hawak ng baril. Wala ring nakarinig." Binaba ko ang ulo ko.

"I don't know what to do, Lis. I just want my dad to wake up." Nilamukos niya ang mga palad sa mukha.

"Magiging maayos din ang lahat." Nakaramdam ako ng matinding konsensya sa nangyayari.

"Paano kung hindi? Ang daming maaapektuhan, Lis." Desperado ang toni ng boses nito.

"Huwag mo munang isipin iyan. Marami pang hindi natatapos si tito, Hindi niya pa oras." Sinubukan kong  paginhawain ang loob nito. Umiling lamang siya.

"You should go. I'm gonna pick you up tomorrow after ng klase niyo ng mga bata. Pupunta muna ako ng hospital." Tumango ako at tinanggal ang seat belt.

"Allison," Hindi na ako nakapagsalita dahil pagharap ko ay sumalubong na ang mga labi nito sa akin. Sumarado ang mga mata ko nang dumampi ang malambit na palad ni Axe sa pisnge ko.

Humiwalay ito saglit para huminga pero agad na bumalik sa halik. Bumaba ang isang kamay nito sa hita ko at dahan dahan itong hinimas.

"Axe-"

"Mahal mo ba ako?" Napatigil ako sa tanong nito. Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat.

"Ano?"

"Mahal mo ba ako?" Malambing na pag-ulit nito. Bumaba ang mga mata ko sa labi nito.

"Oo," hindi ko alam kung bakit pero parang may kumirot sa dibdib ko nang sabihin ko iyon.

"Say it, Lis." Lumapit ito sa akin, Akmang hahalik muli pero hindi tumuloy.

"Gusto kong marinig." Bulong niya. Naramdaman ko ang init ng hininga nito sa mga labi ko.

"Please..." May bahid ng desperasyon ang boses nito.

"Mahal kita."

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon