ALLISON
"Dismissed!" Tinignan ko naman ang papel sa harapan ko. Dito nakalagay ang oras at kung nasaan ang silid ng bawat subject
Tumayo ako at binalik sa bag ang lahat ng gamit kong nakapatong sa lamesa.
"Alam mo, You shouldn't take class debates so personal." Nagkasalubong ang mga kilay ko. Imbis na ituloy ko ang paglabas ng silid aralan, Humarap na lamang ako dito.
Sabi ko na nga ba.
"Alam mo, That's none of your business." Tumawa siya.
"Alam mo, I remember you. If, Im not mistaken. You're the girl from the rally." Tumaas naman ang kilay ko.
"You're pretty brave for such a small girl." Pinitik niya ang noo ko.
"Aba, gago ka ah." Tumawa siya lalo.
"Is that really how foul your mouth is? Or is that a sign of the squatters?"
"Ganyan ka ba talaga kayabang or is that a sign of the thieves?" Nawala ang ngisi sa mukha niya at agad itong napalitan ng kunot noo.
Humakbang siya papalapit sakin. Hindi manlang ba siya naiilang sa kung paano siya tumingin? Hindi niya ba alam na nakakailang? O alam niya kaya lalo niyang ginagawa?
"Where Im from, People like you are lazy and reklamador." Anong ibig niyang sabihin? Nagsimulang uminit ang mga pisnge ko nang marinig ang sinabi nito.
"Excuse me? So what are you trying to say?" Lumayo siya at ngumiti na parang simbolo na siya na ang panalo.
"Mga tamad kasi kayo." Nakangising sabi niya bago ako banggain sa balikat at lumabas ng classroom.
Napailing nalang ako. Sayang ang mala-anghel na itsura niya.
Nagring ang bell at napuno ng mga estudyante ang hallways. Bawat isa may bitbit na designer bag, lumalaylay ang kumikinang na ginto o diyamante sa kaniya kaniyang makikinis na balat.
Sa laki ng campus, Hindi na ako magtataka kung maubos ang lunch break ng mga bagong estudyante sa kakahanap palang ng cafeteria.
Pag pasok ko ng cafeteria nanahimik ang maingay na chismisan. Bakit? Tumaas ang kaliwang kilay ko nang mapansing nakatitig silang lahat sa akin.
Hindi pala. Sa likod ko. Narinig ko na naman ang boses ni Sebastian at ng mga kaibigan niya. Hindi na ko nagaksaya ng oras para tumalikod pa. Gumilid nalang ako para maghanap ng mauupuan.
Pumwesto ako sa dulo ng canteen kung saan imposible akong makita sa dagat ng mga nagpapaangatan at nagpapa-pansin.
Nilabas ko ang tig-sais na chichiryang nabili ko sa labas at sinimulang isubo ito isa isa s bibig ko.
Binuksan ko lang cellphone ko at tinignan kung mayroon bang tawag o text si mama.
Wala. Tulad ng kahapon. At nung isang araw. At nung araw bago pa yun.
Mabilis kong pinindot ang keypad para buksan ang kung ano mang sinaunang laro ang meron sa telepono ko para di ako masyadong mabagot.
"Hey. Kakasimula lang ng school year nakasimangot ka na?" Biro ni Axe bago umupo sa tabi ko.
"Hey..." Bati ko bago itabi ang telepono sa bulsa.
"So? How was your first day of school?" Nakangiti nitong tanong.
"Ayos lang." Pagsisinungaling ko.
"Hmm... Good, Good." Axe's family is one of those government officials that actually made a difference. Tinitigan ko ang maliit na pin na nakakabit sa bag nito.
'KBP'
Ang "KapitBahay Project." na pinlano, sinimulan, pinundar, inabonohan at tinapos ng tatay ni Axe. The project housed hundreds of homeless people in a span of two years.
"Ah, by the way, Dad's sending his congratulations. Highest GPA of last year. Expected ni dad na this year ganon parin. Pero don't pressure yourself, Naiintindihan mo naman why he's like that diba?"
"Oo naman. Hindi ko sasayangin ang scholarship na binigay niya sa akin." Kumurba ang mga labi ni Axe pataas bago ito magsimula naring kumain.
"Bro, stop! Hindi ka na nakakatawa." Rinig kong tawa ni Sebastian. Malapit na naman ba siya sa akin?
Di ko pinahalata, lalo na kay Axe, pero tumingin ako sa paligid ko. Oo nga. Nasa pangalawang lamesa sa kanan ko. Wala pa siyang isang buong araw dito pero ang dami nang socialites at elitista ang nakapaligid sa kaniya.
Inobserbahan ko lang sila. Iba't ibang mamahaling damit at palamuti. Mga libong halaga na gadgets pero kung tratuhin ay parang libre lang nila 'tong napulot.
Di ko naman maiwasang mapansin na iba si Sebastian. Napaka-simple nitong tignan, Lalo na kung ikukumpara sa mga kasama niya ngayon. Nakakatawa nga lang, Dahil sigurado naman akong sa kanilang lahat, Ang Castel ang pinakamayaman.
Long black hair, Tied up as messily as possible without looking like he got into a cat fight and a simple silver necklace. How did Sebastian Castel look more expensive than the ones wearing a hundred thousand peso outfit while wearing a white shirt and jeans? Siguro nakakabit na sa pangalan niya ang yaman at class. Hindi ko din napigilang mapaisip, Ano kayang pinaguusapan nila? Ano kayang umiikot sa bokabularyo ng mayayaman?
Ano pinakabagong gadget? Sino mas mahal ang kotse? Kaninong bahay ang mas mataas ang halaga? Sino mas sikat ang pamilya?
"You know, Bastian. You really should think about running for mayor after college." Napakunot naman ang noo ko. Matapos ang kolehiyo mayor agad? Ano namang maiaambag nito sa syudad namin?
"Look, I dont know. If my dad wants me as mayor. I'll be mayor. Kung gusto ni dad na kompanya ihandle ko, Then company it is. It's really not up to me. And I couldn't care less." Wow. Just wow. He didn't say anything particularly... Wrong. Pero ang yabang. Napakayabang ng dating niya. Busog na busog sa pribilehiyo.
Tumaas naman ang kilay ko sa mga babaeng nakahalum-baba habang nakatingin sa mala-diyos na mukha ni Sebastian.
Habang inoobserbahan sila hindi ko naman napansin na nakatitig din sakin si Sebastian. Tinignan ko ang paligid ko pero wala, Sa akin talaga siya nakatingin. Ano na naman?
Ngumisi ito at kumindat. Bwisit.
BINABASA MO ANG
Love How You Hate Me (Castel #1)
Romance(#1 - enemiestolovers) Allison Monteverde grew up in poverty and inequality, Fights for freedom from political oppressors and human rights violators. She protests against corrupt and unjust government power. She's an activist and an anti-government...