ALLISON
''Ma? Andito na po ako.'' Nagkasalubong ang mga kilay ko. Kahit anino ng nanay ko ay hindi ko maaninag.
Umikot ang mga mata ko sa paligid. Buti pa nga ang amoy ng alak, suka at sigarilyo sinasalubong ako sa pintuan. Ang sarili kong ina ay hindi. Hindi nagtagal ay napagdesisyunan kong dumiretso nalang sa kwarto at ikandado ang pintuan ko.
Lumipas ang ilang minuto nang pag-babasa ko narinig ko siyang mahinang kumatok.
''Po?'' Mahinang sambit ko.
''Anak, Wala tayong hapunan.'' Malambing na sambit nito. Inis akong huminga nang malalim.
''Wala na ho akong pera!'' Sigaw ko. Napapitlag naman ako nang kalabugin niya ang pinto. Nagdabog ito nang hindi mabuksan ang pinto.
''Bwiset! Magpok-pok ka nalang!'' Madiin akong pumikit nang marinig itong saluhin ng sahig.
Umigting ang aking panga nang mapansin nagiinit ang mga mata ko. Nagsimulang mabasa ang librong nasa harapan ko. Pinunasan ko ang aking mukha.
Napansin ng aking mga mata ang litratong nasa pader.
Kung hindi ka sana nawala, Hindi 'to mangyayari.
Habang papasok ako ng classroom hindi na ako tumingin sa kahit saan kundi sa sahig.
Binaba ko ang bag ko at umupo.
Nagsimulang umugong ang bulungan sa silid, Pero hindi ko na kinakailangang iangat ang tingin ko. Alam ko na kung sino ang dumating.
Kaya lamang umangat ang ulo ko dahil narinig kong padabog itong umupo.
"Anong meron sayo, br-" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang prangkahin siya ni Sebastian.
"Can you shut up? Wala ako sa mood to pretend we're friends. We are not. Get your stupid ass away from me." Nagkasalubong ang mga kilay ko.
Galit parin ba siya sa nagawa ko? Marahang nagpakita ang ngiti sa aking labi.
Buti nga sayo.
Nagsimula ang diskusyon ng prof namin at kahit isang salita o buntong hininga wala akong narinig kay Sebastian.
Hindi naman sa may pakialam ako, Pero nasanay na akong mabilis nitong nasasagot ang mga katanungan ng professor.
"Class, Be ready for this year's foundation week. Alam niyo naman ang university. We take pride in extravagant events." Paliwanag ng homeroom teacher namin.
"You may mow leave." Sabay sabay tumayo ang mga kaklase ko.
Napuno ng iba't ibang salita at boses ang homeroom namin . Mayroong naguusap tungkol sa bagong mamahaling telepono at damit, Mayroon naman tungkol sa nangyayari sa buhay pagibig. Ngunit nangunguna ang tungkol sa foundation week event ng University.
Umikot ang aking mga mata bago isukbit ang bag sa balikat ko. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang mapansing wala si Sebastian sa silid.
Hindi naman siguro ako ang dahilan kung bakit wala itong kahit anong bahid ng magandang emosyon.
Lalabas na sana ako nang homeroom nang mamatahan ko si Sebastian na naninigarilyo sa harap ng pintuan. Ngayon ko lang napansin na bago na ang buhok nito.
Nagkasalubong ang mga mata namin. Bahagyang natatakpan ng usok ang mukha niya pero halatang nakasimangot ito.
Napabaling ulit ako nang tingin sa buhok nito. Lalong napansin ang magandang hubog ng kanyang panga at matapang na facial structure.
BINABASA MO ANG
Love How You Hate Me (Castel #1)
Romance(#1 - enemiestolovers) Allison Monteverde grew up in poverty and inequality, Fights for freedom from political oppressors and human rights violators. She protests against corrupt and unjust government power. She's an activist and an anti-government...