Chapter 26: Nice Guy

49 12 0
                                    

ALLISON

Ngumiti si Sebastian nang makita akong pumasok sa silid-aralan.

"Hey, Doll!" Nakangiting bati nito. Sinalubong niya ako sa pinto. Pinanlakihan ko ito ng mata nang pagtinginan kami ng mga kaklase namin.

"Tangina naman, Sebastian. Wala talagang preno iyang bibig mo, Ano?"

"Oops. I'm sorry." Tumawa si Sebastian.

Tumingin ito sa likod ko at nilibot ang mga mata.

"Where's the golden boy?" Umiling ako. Ano kaya ang sinasabi ng nga magulang niya sa kaniya tungkol sa mga Cruz? Sadya ba mapangasar lang si Sebastian o uba talaga ang tingin niya kay Axe at sa pamilya nito?

"Hindi pumasok si Axe. May inaasikaso." Tumango ito.

"Sit down-" Napatigil ang propesor nang makitang kami ni Sebastian ang naguusap sa harap ng pintuan.

"Mabuti naman at maayos na kayo..." Sabi nito. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa.

"Ma-upo na kayong dalawa." Utos niya, Taka paring nakatingin sa amin.

"Yes, Prof." Ngumiti sa akin si Sebastian bago bumalik sa upuan niya. Ganoon rin ang ginawa ko.

Mabilis tumakbo ang oras. Lalo na at walang manggugulo sa likod ko. Mas maganda pala na walang nang-gagago sa akin? Nakalimutan ko na ang pakiramdam na pumasok sa klase nang walang nakikipag bangayan  sa akin dahil sa ilang buwan na katarantaduhan ni Sebastian.

Wala rin namang sinabi ang homeroom professor namin. Pinaalala lang ulit ang foundation week na bukas daw sisimulan.

"Miss Monteverde, Stay after class. May gagawin kayo ng student council. Alam mo na iyan." Tumango ako.

"Opo, Prof."

"Bakit?" Tanong ko kay Sebastian na paulit ulit akong kinakalabit sa balikat.

"Why do you have to help?" Tanong nito.

"Maybe because the Student Council president should help?" Sarkastiko kong sagot.

"You're SC president?" Pabulong nitong tanong.

"Hindi makapaniwala?" Mahina akong natawa. Tumingin ako sa propesor na hindi kami naririnig.

"I have so many questions." Bulong nito.

Muntik naman akong mahulog sa upuan nang mahina niyang sipain ang likod nito.

Narinig kong tumawa si Sebastian.

"Sorry, I couldn't help it..." Natatawang bulong nito.

Umikot ang mga mata ko.

Tarantado talaga itong si Sebastian kahit kailan. Napailing na lamang ako sa ginawa nito.

"Ayon lang naman. Please go to your respective classes. I'll see you all tomorrow." Tumayo abg lahat nang sabihin iyon ni Professor Trisha.

Hinintay kong maubos ang mga tao sa silid bago ako ayusin narin ang mga gamit ko.

Lalabas na sana ako ng homeroom nang harangin ako ng tatlong babae. Iyong tatlo ring humarang sa akin nung huli.

"Hindi niyo ba alam kung para saan ang pintuan?" Inis kong tanong.

Inirapan nila ako, Sabay sabay pa talaga. Gusto kong matawa.

"Gross! You're like a guy." Diring sabi ng isa.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ngingiwi sa sinabi nito.

"I fight like a guy too. So move or I'll break your ribs."

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon