Chapter 22: Truce

64 11 0
                                    

ALLISON

"You're so weird." Sabi ni Sebastian nang nakangiti kong ilapag sa harapan niya ang mga plato.

"Aba. Dig in." Sabi nito habang tinuturo ang isa pang plato.

Tinutok ko ang hintuturo ko sa dibdib ko.

"Ako?"

"Who else, Allison?" Tumingin ako sa paligid, Naririguradong walang kahit na sino ang kukuha ng litrato na may kasabay kumain si Sebastian Castel. Lalo na ako.

"Ano ba kasi talagang gusto mo, Sebastian?" Tanong ko habang umuupo sa harapan niya.

Taka niya akong tinignan.

"I want to eat?" Umirap ako.

"Alam ko namang hindi iyon ang pinunta mo dito. Kaya sabihin mo na, Naiirita na ako sayo." Suminghal ito.

"Way to treat a customer, Allison."

"And by the way..." Pinanood ko itong himayin ang paa ng palaka bago ilagay sa bibig niya.

Marunong pala itong maghimay.

"Ang kapal ng mukha mo. What? You think I came here for you?"

"Sige nga, Bakit ka naman inabot dito nang walang dalang sasakyan sa gitna ng gabi?" Nag-kibit balikat ito.

"Dad's not home, Mom's not home. Ang boring sa bahay. I don't have anything else to do, I decided to walk around." Napapikit ito habang kumakain.

"This is amazing..." Sinundan ng mga mata ko ang iba't ibang parte ng palaka na sinusubo ni Sebastian.

"May partner ka na for our final project? And what klase was the other guy talking about?" Tanong nito.

Nagkasalubong ang mga kilay ko.

"Ano namang pakialam mo?" Mataray kong tanong.

"Alam mo ikaw, I don't understand you. You hate me for no reason." Umirap ako.

"I don't hate you for no reason." Tumiklop ang mga kamay ko sa harap ng dibdib ko.

"Then why do you hate me?" Tinignan ko ito.

"I know you're dating Axe. That's a non-starter. So I'm sure you're pro-Cruz. But are you that diehard?" Umangat ang isa kong kilay.

"Ganoon ba talaga kalakas ang tama mo kay Axe, That you hate me just because I'm a Castel?" Nagpatuloy ito sa pagkain. 

"You hate my family that much that you hate me an individual? I don't know what fake news got in to your head, But I'm sure it's not that bad that you don't even see me as a person." Nagulat ako sa sinabi nito. Ang lalim noon ah. Parang may pinagdadaanan itong si Castel.

Sa totoo lang, Tama rin siya. Sa tagal kong sinusubaybayan ang galaw ng mga Castel, Ngayon lang siya nagmukhang tao sa akin. Ngayon lang sumagi sa utak ko na may iba nga sigurong katauhan si Sebastian maliban sa apelyido niya.

"Hindi..." Bumuntong hininga ako.

"Hindi iyon ang dahilan, Sebastian." Binaba niya ang kubyertos sa plato at tinignan ako, Mata sa mata. Diretso sa kaluluwa.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon