Chapter 14: Axe has a secret

75 14 0
                                    

ALLISON

Tumawa si Axe habang nginunguya ang pagkain niya.

"Kadiri naman, Axe." Tinakpan nifo ang bibig at pinunasan ng tissue.

"I'm sorry. You did what?" Tinignan niya ko nang parang hindi siya makapaniwala sa kinuwento ko. Tumawa ito ulit.

"Tell me again, Bakit ka napagalitan?" Bumunton hininga ako.

"Muntik ko na masunog nang buhay si Sebastian Castel."

"Muntik? I know you did that on purpose!" Tumawa nang malakas si Axe.

"Sige lang, Ilabas mo lang sa sistema mo." Umirap ako.

"Suits him!" Napailing nalang ako. Si Axe itong mayaman at laki sa luho pero ako yung nahihiya sa ingay niya sa kinakainan namin.

"I'm so sorry, I can not believe you did that." Natatawa nitong sabi at pinunasan pa ang luhang galing sa mga mata.

"Tignan mo naman ginawa niya sa buhok ko? Kulang pa nga 'yun eh." Uminom ako ng juice upang maibaba ang kinain namin.

"My God, Why didn't you tell me this was happening?" Tanong ni Axe.

"Ewan. I didn't think you would care." Nagkibit balikat ako. Sumeryoso ang mukha nito.

"You didnt think I would care that someone was bullying you? Let alone, That bastard, Sebastian?" Tanong niya. Tinignan ko lang ito.

"Buti nalang ngayon mo sinabi sakin, Or I would've broken his ribs."

"Exactly why I didn't tell you." Kinalkal ko ang bag ko at tinignan ang oras.

"You know what, To make it up to you kasi wala akong nagawa..." Nagkunwari itong nagiisip. Tinitigan ko lang siya.

"Ano na naman, Axe?"

"Let's go to a salon. Tara." Tumayo si Axe at kinuha ang bag naming dalawa.

"Wow, Thanks for asking." Tumayo nalang rin ako at sumunod sa kanya. Bago kami makalabas ng restaurant kinuha ko ang bag ko sa kanya.

"No, Thank you." Sabi ko habang isinusukbit ang bag sa balikat.

"Bilisan mo, I don't wanna go home late." Sabi ni Axe at hinila ang kamay ko.

Eto na naman yung puso ko. Parang kinukuryente tuwing didikit ako kay Axe. Huminga ako nang malalim at isinantabi ang nararamdaman.

"Edi umuwi na tayo." Akmang tatalikod ako pero hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.

"Huwag kang maginarte, Kakaladkarin kita." Pabirong sabi ni Axe.

"Axe... Ayoko..." Hindi siya nakinig at lalong nilakasan ang paghatak sakin.

"Hi, Bettie." Nakangiting bati ni Axe sa babaeng nasa salon. Ngumiti din ang babae.

"Girlfriend?" Tanong niya. Mabilis akong umiling.

"Wow ah. So defensive." Sabi ni Axe.

"Anyway, Bettie. Can you take care of..
This...?" Tinignan ako ni Bettie. Tinanggal ko naman ang tali sa buhok ko. Bumagsak ang buhok ko at nahalata ang magulong pagkaka-bleach dito.

"Anak, May lahi ka bang dalmatian?" Biro ni Bettie. Tumawa si Axe.

"What can you do with that?" Tanong ni Axe sa babae. Inobserbahan ni Bettie ang buhok ko.

"Ano bang gusto nitong magandang dalagang ito?"

"Po?" Takang sabi ko.

"Blonde na ba natin lahat or back to black?" Tanong niya. Tinignan ko si Axe, Inaasahang meron siyang magisasagot. Pero hinihintay niya rin ang desisyon ko.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon