Chapter 8: Gymscapade

82 13 1
                                    

ALLISON

"Maraming salamat, Allison. Kung hindi dahil sayo hindi kami maglalakas loob magsalita." Ngumiti nalang ako at inayos ang bag na nakasukbit sa balikat.

"Mag-kape ka muna kaya bago ka pumasok?" Tinignan ko ang paligid.

Tahimik na nakaburol ang katawan ni  Terrence, Ang anak ni aling Teri, Sa loob ng bahay nila. Pang apat na araw na 'to ng burol niya. Bukas ay ililibing na ito. Ngunit halata parin sa mga mata ni aling Teri ang sakit at pighati ng pagkawala ni Terrence. Kahit na magkano ang ibayad sa kanila ng mga Castel, Hindi na nito maibabalik ang buhay na nawala sa kanila.

"Hindi na po, Salamat." Aalis na sana ako nang pigilan ako ni aling Teri.

"Allison, Baon mo." Pinilit niyang isuksok sa kamay ko ang isang daang piso.

"Kasiya na ba yan?" Ngumiti naman ako at nilapag ito sa lamesa.

"Salamat po, Pero may pera naman po ko." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan kahit pamasahe ay wala na ako sa bulsa. Alam ko namang naaawa lang si aling Teri dahil alam niya ang sitwasyon sa bahay. At ngayon lang rin siya nagkaroon ng pera para matulungan ako. 

Mabilis namang tumakbo ang oras sa university. Hindi kami nagkaroon ng kahit anong interakyon ni Sebastian buong araw kaya akala ko ayos lang ang lahat. Sa wakas, Matapos ang ilang linggong mapang asar na tingin at paminsan minsan ay palitan ng mga salita, Nawala rin ito sa paningin ko.

Hindi pala. Naghuhugas ako ng kamay nang marinig ko ang boses ni Sebastian.

"So..." Rinig kong sabi niya sa likod ko.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa salamin na nasa harap ko. Binalik ko ang tingin sa gripo at pinatay ito.

"Is that how you're gonna repay me?" Kumunot ang noo ko at hinarap siya.

"Repay you? For what?" Tumaas ang kilay ko kasabay nang pagtawa nito.

"Wow, Rude." Lumapit ito sakin at pinitik ang noo ko.

"Ano bang meron sa iyo at sa noo ko? Pwede ba Sebastian, Tigilan mo ko." Mariin kong sabi.

"Tigilan? I'll stop when you do." Tinitigan niya ako nang masama. Kung gaano kabilis kumita ang pamilya niya ganoon rin kabilis magbago ang expressions niya.

"I'm not doing anything."

"Why do you hate my family so much, Allison?" Tanong niya. Napalunok naman ako.

Pinagisipan kong mabuti ang mga salitang naglalaro sa isip ko.

"Bahala kang magtaka." Sabi ko at tinalikuran siya. Nagipit naman ako ng buhok at pumasok sa gym ng school. Punong puno ito ng students dahil may mandatory sport games kami ngayong Biyernes.

Umupo ako sa bleachers habang hinihintay ang gym teacher namin na dumating. Ilang minuto pa nag-echo ang pito ng coach.

"Good afternoon students!" Bati ng coach. Tumayo ang lahat ng estudyante na muntik nang magkasabay sabay ng bati.

Bumalik ako sa pagkakaupo nang magsimulang paglaro ng basketball ang mga lalaki sa kalahati ng court at nagensayo naman ng cheer ang mga babae sa kabilang dulo.

Napatingin naman ako kay Sebastian na kasama ng mga lalaking naglalaro. Nakatalikod ito sa akin pero alam kong siya iyon dahil sa tangkad niya.

Dahil narin sa apelyidong CASTEL na nakaimprenta sa likod ng jersey niya, Na para bang maipagmamalaki ito.

"O-M-G! Look at Castel, So gwapo!" Rinig kong tili ng babae sa likod ko. Nagsitawanan naman ang mga kasama niya.

"I know right? GO SEBASTIAN!" Ang mayabang na Sebastian naman tumingin sa dako namin at ngumiti.

Rinig kong halos himatayin sa kilig ang mga nasa likod ko. Nagtilian ito.

"We'll vote for your dad! Basta boto siya sakin!" Tili nila ulit.

Umirap naman ako. Kadiri.

Umalingawngaw muli ang pito ng coach kaya tumigil ang mga naglalaro pati ang nageensayo.

"Alright that's enough! Varsity, Cheerleading. Please sit down." Humarap muli si Sebastian sa mga babaeng nasa likod ko.

Napasimangot naman ako nang mapansing hindi ito sa kanila nakatingin.

Sa akin.

Kumindat si Sebastian.

Parang lumindol sa gym dahil sa kilig ng mga nasa bleachers.

"Tangina..." Bulong ko. Akala mo naman sobrang gwapo.

Basta Castel talaga. Magaling magpaikot at mambola ng tao.

Natawa naman ako sa naisip ko.

"Alright! Form a line! Form a line! Boys, Here. Girls, Here." Sumenyas si coach kung saan pipila ang mga babae at ang mga lalaki.

Unti unti kaming umayos at pumila.

"For this activity, Your partner will be the person on your side." Napalingon naman ako sa gilid ko. Hindi ko kakilala ang katabi ko, Sana magkasundo kami.

Napakunot ang noo ko nang lumapit si Sebastian dito at bumulong. Siya na ngayon ang nasa puwesto nito.

Ngumiti ito sa akin. Putangina mo, Sebastian.

"Excuse me... Ate." Pabuling kong tinawag ang babaeng nasa harapan ko at kinalabit ito.

"Gusto mo ikaw partner ni Sebastian?" Ngumiti ako at itinaas-baba ang kilay. Tinignan nito si Sebastian at napangiti. Tumango ito.

"Yes please!" Lalo akong napangiti.

"Palit tayo." Nagpalit kami ng puwesto. Tinignan ko si Sebastian na ngayon ay nakasimangot. Dinilaan ko siya.

Bumulong ito sa nasa harap niya at nakipagpalit din. Magkaharap na naman kami. Hindi talaga susuko si Sebastian. Ngunit ginagawa niya lang katatawanan ang sarili kung akala niyang bibigay ako.

"Ate. Si Sebastian Castel partner ko, oh." Sabi ko sa nasa harap ko.

"So? I dont care." Pagtataray nito.

"Sure? Ayaw mo makipagpalit?" Mabilis naman itong lumipat sa puwesto ko. Ganon din ang ginawa ni Sebastian.

Paulit ulit namin itong ginawa, Wala sa amin ang may balak nagpatinag. Isa isa naming kinausap ang kung sino mang nasa harapan namin. Umabot na sa puntong sa sobrang inis ko hindi ko na nakausap ang iba sa kanila.

"Ate dito ka. Si Sebastian natapat ko.." Sabi ko sa nasa harap ko nang hindi tumitingin kay Sebastian.

Ganon rin ang ginawa niya.

"Ate, Lipat ka dito. Para si Sebastian partner mo." Sabi ko muli nang hindi umaalis ang tingin kay Sebastian. Nakapaskil sa mukha niya ang nakakapikon na ngiti. Akala niya ba mananalo na siya?

"Well, Miss Monteverde, as much as gusto kong kapartner si mr. Castel. Hindi pwede." Nanlaki naman ang mata ko at tumingin sa harap ko.

Nasa unahan na kami ng pila.

"Anyway! We're gonna have fun today! Whoo! Let's lift your spirits up!" Umugong ang ingay sa gym nang sabihin ito ni sir.

Nangaasar namang nilabas ni Sebastian ang dila niya. Bwisit.

"Settle down class, Settle down." Sabi naman ni coach.

"Get ready with your partner," Napatingin naman ako ulit kay Sebastian na nakangiti. Inirapan ko siya.

"We will be playing badminton by pairs."

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon