Chapter 41: Campaign

43 9 1
                                    

ALLISON

"Rinig ko, She's a model from ibang bansa." Binaba ko ang mga upuan sa harap ng plaza.

"Sis, Sebastian Castel 'yon no? Mukha bang cheap ang taste noon?" Hindi ko naiwasang pakinggan abg pinaguusapan ng mga babae sa tabi ko.

"Rowena, Nasaan si Rodel?" Tanong ko habang pinupunasan ang pawis na tumutulog sa aking noo.

"Sinundo niya ata yung kids." Sagot naman nito habang sinasalansan sa lamesa ang mga librong bigay ni Sebastian. Tumango nalang ako.

"May kulang pa ba?" Tanong ko. Pinatong nito ang daliri sa noo.

"Wala naman na, Lis."

"Salamat." Sabay na kumunot ang noo namin ni Rowena nang makarinig ng malakas na tugtog, Kasabay ng maingay at sabay sabay na boses ng mga tao.

"Anong meron?" Tanong ni Rodel na kasama ang mga bata.

"Hindi ko alam," Nanatili ang mga mata ko sa harapan ng plaza nang unti unting mabuo ang madla. Dumami ang mga taong nakapaligid dito, Nagsilabasan din ang mga naninirahan sa mga nakapaligid na bahay.

"Kaya naman pala nagkakagulo." Saad ni Rodel habang pinapanood naming dumarating ang isang malaking sasakyan na mayroong naka-tayo sa itaas.

Dito nanggagaling ang awitin na naririnig namin kanina. Sa itaas, Kumakaway ang hari-hariang si Archangel Castel. Kasama ng asawa nito. Mabagal ang takbo ng sasakyan, Naaabutan nila ng kung ano ano ang mga tao sa ibaba.

"O-m-g! Sis! Look!" Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ko nang tumili ang mga babae sa tabi ko.

Mula sa gilid ng aking mga mata, Nakita ko silang tumatakbo papalapit sa kaguluhan.

Sa gilid ng sasakyan ay may dalawang nag-gagandahang nilalang. Sa mga itsura nito, Kulang nalang ay literal na kuminang sila.

"Si Sebastian ba iyon?" Rinig kong tanong ni Rowena. Hindi ako umimik. Nanatili ang mga mata ko kay Sebastian Castel na naka-itim na salamin at simpleng puting damit. Damit kung saan nakatatak ang mukha ng kanyang ina at ama. Hindi naman mawawala ang sigarilyong marahang nakasabit sa mga labi nito.

Kahit anong suotin ni Sebastian, Iba talaga ang karisma nito.

Hindi ko alam kung mayroong ibang nakapansin, Ngunit tumigil si Sebastian. Sa gitna ng pag-dumog at pag-kakagulo sa kaniya ng mga tao, Tumigil ito. Sa akin nakaharap ang ulo niya, Pero hindi ko maaninag kung sa akin bansiya nakatingin dahil sa salamin nito. Ilang segundo rin itong nakatigil bago siya hawakan- Hindi, Himasin, sa braso ng kasama niyang babae.

"Mga bata-" Hindi ko na napigilan ang mga batang tumakbo papalapit kay Sebastian. Lumawak ang ngiti sa mga labi nito at lumuhod sa harap ng mga bata. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya, Ngunit parang masaya naman itong makita ulit ang mga bata.

Mabagal na umusad ang sasakyan ni Archangel. Nanatili naman ang dalawa sa tapat ng plaza, Nakikipag halubilo sa mga tao.

"Si Mae Riveria 'yon, Right?" Tanong ni Rowena.

"Sino si Mae Riveria?" Tanong ko naman.

"Model 'yan, Sa Paris. Sikat na sikat iyan doon at matagal nang chismis na jowa  ni Sebastian 'yan." Sagot ni Rodel.

Hindi nawala ang mga mata ko sa maputi at makinis na dalaga. Mataas ang suot nitong takong, Halos kasing-tangkad na niya si Sebastian dahil sa suot nito. Parang umiilaw sa harap ng araw ang mahabang gintong buhok nito. Hindi rin maipag-kakaila ang manipis, ngunit hindi nagkukulang, na pigura ng katawan nito.

"Mukhang ang publicity nila ngayon ay iyong dalawang masarap sa mata." Seryosong saad ni Rodel.

"Marami silang mahihikayat diyan sa ganiyang diskarte." Segunda ko naman.

Tinaas ni Sebastian ang salamin at ginamit itong pang-hawi ng buhok. Sumulyap ito sa akin bago ngumiti muli sa mga nakapaligid sa kaniya. Nakipagkamay ito bago sumunod sa sasakyanng mga magulong.

"Ate! Ate!" Tumatakbong lumapit ang mga bata sa akin.

"Pinapabigay ni kuya Seb." Kumunot ang noo ko nang iangat ng bata ang kukay asul na papel.

"Ano iyan?" Nagkibit balikat ang bata at pilit na inabot sa akin ang Isang libong buo.

"Dalawa." Hiniwalay ko ang dalawang papel nanmagkadikit.

"Dalawang libo."

"Loko rin iyon. Tingin niya ba maaakit tayo ng pera niya?" Inis na tanong ni Rodel. Napailing nalang ako.

"Para naman siguro ito sa mga bata." Tinignan ko ang mga batang nakaupo na ng maayos sa harapan namin. Kaniya-kaniyang may librong binabasa. Malaking tulong ang mga librong binili ni Sebastian sa pag-aaral ng mga ito.

"Siya, Magsimula na tayo." Ngumiti ako sa mga bata at pinayuhan silang buksan ang librong Filipino at sabay sabay na basahin ang unang kwento nito.

Matapos ang ilang minuto ng tahimik na pagbabasa, Mayroong lumapit sa aming tauhan ng baranggay.

"Excuse me, Kayo po ba si Allison Monteverde?" Tanong nito kay Rowena.

"Ako po iyon. Bakit?" Tumingin ang mga ito sa akin.

"Kayo po ba ang nagtuturo sa mga batang ito, Ma'am?" Napalunok ako.

"Kuya, Pinayagan naman po kami ng namamahala nitong plaza. May sulat rin po kami galing sa kapitan." Nagka-tinginan sila.

"Ah, Hindi po. Andito po kami dahil sa request ni sir Sebastian Castel." Nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"Bakit?" Takang tanong ko dito.

"Pinapaayos niya po kasi yung tent, Para daw sa mga bata." Tinignan ko ang dalawa kong kasama. Pareho itong hindi umimik.

Dumako ang mga mata ko sa mga bata. Mainit naman talaga ang plaza at kakaiba ang sikat ng araw ngayon. Mas makakabuti narin na tanggapin ko ito.

"Sige kuya, Salamat. Paki-dala nalang po dito. Kami na ang mag-aayos." Ngumiti ako.

"Ah, Ma'am. Hindi po pwede. Nabayaran na po kami ni sir." Huminga ako ng malalim at sinubukang ngumiti.

"Siya, Sige. Salamat po. Paki-sabi narin kay Castel." 

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon