Chapter 9

13 6 0
                                    

Nasa bahay ako ngayon nag aaral, pagkatapos ng larong iyon naging busy kami sa preparing for exams, pinaghahandaan namin dahil sa Wednesday na gaganapin ang first day of exam, Sunday ngayon at nasa bahay ako, nagrereview lang kasi before exam sa Wednesday magpapaquiz muna 'yung preceptor namin sa lahat ng subject ganun din sa Tuesday.

Maaga akong nagising kinaumagahan, naligo ako at agad pumunta ng school, hindi narin ako kumain dahil nasanay narin ako, ng makarating ako school halos walang tao sa gym, mga senior high lang ata, panigurado akong nasa library ang mga college or di kaya sa room nila.

"For you" Saad ni Vanessa ng makapasok ako, agad naman nag hiwayan ang mga tao, may inabot siyang Tupperware na may vegetable salad.

"Para saan 'yan?" Tanong ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya at sumandal sa lamesa.

"It's for you, pampagana" saad nito.

"Wala na akong gana ng makita ko 'yan eh, tyaka baka malason ako niyan" saad ko na ikinainis naman niya, I may look savage but I just don't want to entertain people like Vanessa.

"Ang harsh mo, but anyways kung ayaw mo edi tapon mo" saad nito, kaya't napatawa ako at tumayo. Napatingin silang lahat sa'kin na pumunta sa harap at nilapag sa preceptors table ang pagkain na binigay ni Vanessa, agad naman sumunod si Vanessa at inagaw sa'kin ang Tupperware, hindi ko ito binitawan at nagpatuloy lang sa paghawak.

"Bigay mo sa'kin, Craige" Saad nito.

"Binigay mo sa'kin kaya ibibigay ko sa preceptor natin" saad ko.

"Just gave It to me!" Sigaw niya at hinila kaya binitawan ko pero napalakas niya ang paghila dahilan para ma out of balance siya agad ko naman hinawakan ang ulo niya dahilan para matumba kami pareho, nakahiga siya sa sahig habang nasa itaas niya ako nakahawak sa may ulo niya. Naghiwayan kaagad ang mga ka klase namin agad din natigil ng pumasok ang preceptor namin kasabay ang papasok ni Hanna.

"Craige? Vanessa? What are you two doing?" Tanong ni Doctor Dabiyo, agad akong tumayo at tinulungan si Vanessa, agad din naman nito pinulot ang Tupperware na nasa sahig.

"Na out of balance lang po si, Vanessa, tapos hinawakan ko ang ulo niya para hindi tumama 'yung ulo niya sa sahig" saad ko napatango tango naman si Doctor Dabiyo, agad naman akong napatingin kay Hanna, nakatitig lang siya sa amin ni Vanessa, walang emosyon sa mukha.

"Go to your sits, and prepare for the quiz" Saad ni Doctor Dabiyo, agad kaming nag siupo, nang makaupo kami nagsimula na siya, kita sa iba na nahihirapan sila pero we shoulda always try our best to cope with it, it's not just the grades that matter here, it's our future to be a surgeon. Hindi madali ang quiz ni Doctor Dabiyo, naalala ko nung araw na sinabi niya sa'kin that we're friends outside the room but total stranger inside the room, pero nakayananan naman namin,  ng matapos ang first class namin agad akong lumabas para sundan si Hanna, maaga pa naman para sa second class at nagugutom na din ako. Tinawag ko siya ng ilang beses pero di niya ako pinansin kaya't hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Napalingon naman siya sa'kin walang emosyon, agad akong ngumiti at binitawan ang braso niya pero wala paring nagbago sa reaction niya, wala parin akong makita na kahit anong emosyon.

"Snack Tayo" anyaya ko sa kanya pero umiling lang siya at nagsimulang maglakad kaya't hinabol ko na naman.

"Bakit?" Tanong ko.

"I have to study" saad nito kaya't napahinto nalang ako at hindi na siya sinundan, pumunta nalang ako sa canteen mag Isa, abala din si Oliver sa pag aaral niya, kaya't ako nalang ang nag snack ng matapos ako pumunta ako sa mga sumunod kong subject, ganun lang naman ang nangyari, tulad lang din ng first sub, nag pa quiz lang din ang preceptor namin, but it was an oral, si Doctor Dabiyo kasi more on written, 'yung iba naman oral or minsan reports.

Heartbeat Where stories live. Discover now