Chapter 13

8 5 0
                                    

Nakauwi ako sa bahay ng pagod, wala akong ibang inisip kung hindi ang sinabi ni Hanna kanina, I know to myself na parehas lang kami ng nararamdaman, I couldn't just tell her the right words para umamin sa kanya, I don't know how to start or when to start, gusto ko siya, I know na gusto ko siya, it's only a matter of fact na baka mapunta siya sa iba kung hindi pa ako gumalaw. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at nag open ng account, I saw messages and a new post from Hanna.

'Seeing you even once a day makes my day, but seeing you with her even just a second breaks my heart'

Maraming nag comment dito, ngunit Hindi pinansin ni Hanna lahat, wala siyang sinagot kahit isang tanong, agad akong tumayo at kinuha ang guitar ko, nilagay ko agad ang phone sa phone holder para ma videohan ang ginagawa ko, inayos ko pa ang tune ng guitar at nagsimulang magpatugtug.

Nakatingin mula sa malayo
Tanggap ko nga ba 'to?
Sapat na nga ba 'to?
Pero ikaw na ang lumapit

Nasa akin ang tingin
Hinawakan ang aking kamay
At sabay sabing
Siguro nga napamahal na ko sayo, oo

Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Sinubukan ko naman
Na pigilan nalang
Pero ikaw ang gusto ko
Isisigaw ko sa mundo
Mahal kita...
Simula pa nung una

             (Simula pa nung una)

Nang matapos ako agad ko itong pinost, nilagyan ko ito ng caption na Indenial about you, nang ma post ko ito agad akong nag off ng phone at pabagsak na humiga sa kama ulit, napagod ako kaya't agad ako natulog para makapagpahinga. Maaga akong nagising kaya't agad akong naligo, nagsuot lang ako ng gray sweater at black pants, ng matapos ako agad akong bumaba, naabutan ko na nagluluto si manang Loida, tutulong pa sana ako pero hindi ako pinayagan ni manang Loida, sa huli umupo nalang ulit ako at nanood sa kanya.

"Manang" agaw pansin ko dito, hindi naman ako nabigo at agad din siyang napatingin.

"Bakit anak?" Tanong nito sa'kin. Natapos na rin niya ang kanyang niluluto kaya't umupo siya sa aking tabi.

"Paano po manuyo sa isang babae?" Tanong ko sa kanya, napatingin siya sa'kin na nakangiti.

"Binata na ang alaga ko, may iniibig na" Aniya at ginulo ang buhok ko, napaiwas ako at agad inayos ang buhok ko.

"Pero seryoso manang, paano po?" Tanong ko sa kanya, babae din kasi si manang Loida, tyaka mas effective daw 'yung galawang 80's.

"Harana iho, lahat ng babae lumalambot ang puso dahil sa harana," Aniya nito at nilagyan ako ng makakain sa plato ko.

"Isa pa, walang makakatanggi sa gwapo mong iyan," Aniya nito napatawa lang ako at agad umiling.

"Manang naman eh," saad ko, napangiti si manang at agad akong sinabihan na kumain na, pinasabay ko na rin siya sa'kin, sabay din kaming natapos pero siya nalang daw ang magliligpit, hinayaan ko nalang si manang, dahil uuwi ito sa pasko sa kanilang probinsya, malayo payun pero sobrang bilis ng araw.

Heartbeat Where stories live. Discover now