HANNA'S POV
Nakatingin lang ako kay Craige habang nagdidiscuss ang preceptor namin, Hindi ko alam kung sasaya ba ako sa sinabi niya na ginugulo ko ang isip niya, ang alam ko lang ay gusto ko siya at sana magustuhan rin niya ako, who wouldn't fall for him, he's nice, gentleman, his voice is cold, sa tuwing kumakanta siya I feel like I'm at peace, he has ang angelic voice, panigurado lahat ng babae mahuhulog sa kanya, and when I say lahat it means I'm in, ng matapos ang klase, dumiretso lang ako palabas ng room, hindi na ako nag abala pa na lingonin ang taong naging dahilan kung bakit ako ngumingiti, I could feel his stare sa likuran ko, I did avoid him, sinadya ko, the last time I had feelings for someone, nasaktan lang ako, maybe because I trust that person that much, hindi naman sa sinasabi ko na ganun din si Craige, he's different I know that, pero takot parin ako sa commitment.
"How's your school?" Tanong ni papa sa'kin pag kauwi ko. He is eating kasama 'yung step mom ko.
"Great" saad ko na hindi nakatingin sa kanya.
"Good" saad nito at bumuntong hininga. Hindi man lang ako niyaya mag dinner tsk.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis, nag open ako ng Instagram ko at nakita ko ang mga messages ni Craige sa'kin, he's been messaging this nung panahon na iniiwasan ko siya but I didn't reply, siguro kung magiging handa ako kakausapin kona siya.
Maaga akong nagising at agad nag bihis para pumasok sa paaralan, ng makarating ako doon, Nakita ko si Craige na naglalakad, he's wearing plain black shirt and a jeans, naka messy hair din siya ngayon, mas lalo lang ako na attract ng dahil sa porma niya, he's neat and clean bagay na magugustuhan ng babae sa isang lalakie. Habang naglalakad ako biglang lumapit sa'kin si Klent.
"Papunta ka sa first sub mo?" Tanong nito tumango lang ako sa kanya.
"Sabay na Tayo" saad nito sabay kaming naglakad, magkatabi lang ang first class niya at first class ko. Nakilala ko si Klent nung isang araw, akala niya hinahabol ako ng bullies kaya niya ako tinago, dahilan para hindi ako maabutan ni Craige nung isang araw, gusto ko nga mainis eh, actually nainis talaga ako pero naintindihan ko naman ang side ni klent. Nakarating ako sa classroom ko at nagpaalam na si klent kaya't pumasok narin ako, ramdam ko kaagad ang titig sa'kin ng isang lalakie na siyang nagpapalakas ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa gawi niya at Tama nga ako, he's staring at me, kaagad din ako nag Iwas ng tingin at umupo.
Natapos ang first class ng first session namin, lumabas na ako at pumunta sa second class ko ganun lang din ang nangyari discuss here, discuss there, ng matapos ang first session agad akong pumunta ng canteen, nagbabasakali na Makita ko siya, pero nanglumo ako ng makita kong wala siya sa cafeteria, bumili nalang ako ng makakain at umupo sa bakanteng upuan malapit sa cashier, kumakain lang ako habang pinagmamasdan Ang ibang students, Ang saya nila tingnan, they have their own group of friends while me, I'm all alone, Hindi na ako magtataka na ganito na talaga ako buong Buhay ko, si Craige, Oliver at Klent lang kasi Ang nakakausap ko dito, maliban naman sa childhood friend kong si raige, simula nung umalis siya, hindi kona siya nakita pa, I had his number pero nasira 'yung phone ko nung time na yun kaya agad din nawala lahat ng contacts ko tungkol sa kanya, iniisip ko nalang na time narin para kalimutan ko siya, but I couldn't raige is a different boy, he's sweet and thoughtful parang si Craige lang, they have the same traits. I would always wished that someday my path will cross with raige kahit ilang minuto lang. I just wanna know if he's doing good.
Nagpatuloy ako sa pagkain ng biglang dumating si Klent, wala siyang dalang pagakin, tanging drink lang ang dala niya. Napatingin siya sa'kin at tumawa nagtaka naman ako kung bakit, agad naman niyang tinuro ang gilid ng lips ko, ng punasan ko ito ng tissue Nakita ko 'yung sauce ng spaghetti kaya pala siya tumawa.
YOU ARE READING
Heartbeat
Teen FictionHave you ever wonder of meeting someone you haven't met for a long period of time? Do you ever wonder of meeting someone who have been far from you for almost 11 years. A 19 years old boy, named Craige has everything he wanted, but except for time...