A/N: short lang ang chapter nato, tinamad ako eh pero hahabaan Kona sa chapter 20, medyo busy din Kasi ngayon Kaya tipid muna.
Maaga akong nagising dahil uuwi ako sa Cebu ngayon, naka ayos na ako kagabie kaya naligo nalang ako at nagbihis pagkatapos kumain, ng matapos ako, sinara ko ang pinto at sumakay ng taxi, ang gasto kapag dinala ko pa motor ko.
Madaming tao sa airport kaya't medyo masikip habang nag hihintay, maya maya pa'y nakasakay ako sa eroplano pero tinext ko muna si Hanna bago ako sumakay, agad akong nag plug in ng headset ng makasakay ako, maya maya pa'y nag announce ang isang FA at ang pilot, natulog lang ako ng buong byahe at hindi ko namalayan na nakarating na kami sa Cebu.
Bumaba ako ng eroplano at madaming ala ala agad ang pumasok sa isip ko, sa International airport nato kung saan sinusundo ko si mama at papa dati kapag umuuwi galing ibang bansa. Sumakay nalang din ako ng taxi at maya maya pa'y nakarating ako sa lapu lapu city, malapit lang din sa International airport kaya't sandali lang ang byahe ko, pumasok kaagad ako sa village.
"Iho, Craige, ang laki laki muna" saad ng guard.
"Manong Jose?" Tawag ko dito, tumawa siya at tinapik ako sa braso.
"Binata na ah, dati palagi kapang naglalaro dito ng habul habulan kasama 'yung kababata mo" Saad ni manong, I just smiled at him as thousand of memories flashback.
"Sige po, manong, sa bahay po muna ako" paalam ko tumango naman si manong Jose kaya't naglakad ako papunta sa bahay, habang naglalakad ako, I remember thousand of memories, with my childhood bestfriend, Anna.
"Craige? Anak?" Gulat na tawag ni mama agad siyang nagpunas ng kamay dahil nagluluto siya, niyakap niya ako kaya't napayakap din ako sa kanya.
"You didn't tell us that you're coming" saad nito napangiti lang ako at inilapag ang bag sa sofa.
"Baka busy kasi kayo" saad ko napabuntong hininga naman siya at agad ngumiti.
"Are you hungry?" Tanong nito. Napailing lang ako at umupo sa sofa.
"Si dad?" Tanong ko.
"He's on the business, alam mo naman 'yun, hindi umaabsent" Aniya nito at natawa.
"Anyways, I'll just finish this then kakain tayo, okay?" Saad nito, tumango lang ako kaya't nagpatuloy siya sa pag luto, napatingin ako sa bahay, wala paring nagbabago, mas bumago lang kasi I assume na pinalitan ng bagong paintings 'yung wall tyaka 'yung roof, nakalagay parin sa cabinet yung mga frames and drawings ko tapos naka place parin 'yung guitar ko na iniwan ko dito, then something caught my attention, it was a picture of me eating ice cream nung bata pa ako, katabi ko si Anna.
"Raige, ice cream oh, bili Tayo" aniya nito.
"Okay, basta ikaw bibili, tapos remember, bawal ako sa chocolate" saad ko, napangiti si Anna kaya't bumili na siya. Pagkabalik niya dala niya 'yung dalawang ice cream na strawberry agad naman akong nanghinayang.
"Vanilla gusto ko" saad ko dito.
"Kainin mo nalang, Raige" Saad nito at tumawa.
Wala akong nagawa kung hindi kunin Ang ice cream at dahan dahang kainin, habang kumakain ako napansin ko ang flash na nanggaling kay Anna, agad ko siyang sinamaan ng tingin pero natawa lang siya, tiningnan ko ang litrato medyo blurred siya pero maganda naman.
"Ipapalagay ko to sa frame tapos pepermahan mo ah" saad ko natawa naman siya kaya't natawa din ako.
"Sige sige, smile kapa" aniya nito at agad naman akong ngumiti sa camera.
Napangiti ako ng maalala ko 'yun, magpapaalam na sana ako kay mama kasi pupuntahan ko si Anna pero natapos na niya ang niluluto kaya't wala akong nagawa kung hindi ang umupo.
"Kamusta studies mo?" Tanong nito.
"Okay naman" saad ko.
"Hindi na makapaghintay 'yung dad mo na ipasa niya sayo ang business niya" Saad ni mama. Napatingin ako kay mama na malaki ang ngiti.
"Ma" tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Tugon nito habang ngumunguya.
"Business din ba ang gusto niyong kunin ko?" Tanong ko dito. Napangiti lang si mama at uminom ng tubig.
"Alam mo, Craige, hindi ko rin alam kung bakit ka pumayag sa dad mo to take business, you can choose other course, 'yung gusto mo na ikakasaya mo" aniya nito, napangiti ako ng marinig ang sagot ni mama, atleast kahit papaano, gusto niya na may gawin akong iba.
"Why did you ask?" Tanong nito umiling lang ako at tinuloy ang pagkain.
"Eat up, Craige, masarap 'yan" saad nito at nagpatuloy narin sa pagkain. Nang matapos kami umakyat nalang ako sa kwarto at nagbihis, pupunta pa sana ako kina Anna kasi miss ko na siya, pero napagod ako kaya't sa kwarto nalang muna ako humiga habang kausap si Hanna.
["Nag usap na na kayo?"] Tanong ni Hanna sa'kin.
["Hindi pa, ang dami kasing epal"] sagot ko narinig ko ang tawa ni Hanna kaya't natawa din ako.
["Namiss agad kita"] saad ko.
["Miss ka diyan, 'wag mo akong inaano, Craige"] saad nito kaya't natawa ako. Nag usap kami ni Hanna ng ilang oras tungkol sa araw niya, natulog din ako kasi pagod ako sa byahe, nagising lang ako ng may narinig akong kumatok sa pinto, agad akong tumayo at binuksan ito.
"CRAIGE!" Sigaw ni tita Hazel.
"Tita" bati ko.
"Dakoa na nimo, iho (Ang lakie muna, iho)" aniya nito at hinila ako pababa, ng makababa ako naghahanda na si Mama ng pagkain.
"Gikan tulog imong anak(galing sa tulog 'yung anak mo)" aniya ni tita kay mama. Kaibigan ni mama si tita Hazel, matagal narin nung huli ko siyang nakita, ganun parin mukha niya, pero pumayat siya ng konti, nag usap lang kami ng nag usap hanggang sa mag aya si mama ng hapunan, hindi nadin ako nakatanggi at kumain na din.
8 pm na ako nakalabas para pumunta sa bahay nila Anna, pumayag naman si mama at 'wag daw ako masyadong gabihin. Nang makarating ako doon at ako nag doorbell, maya maya pa'y bumukas ang pinto at bumungad sakin si Manang Hermit.
"Magandang gabie, po" bati ko dito.
"Iho" bati nito.
"Ang laki muna, iho" aniya nito at ginulo buhok ko.
"Andito po ba si Anna?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng lungkot.
"Lumipat na sila iho, hindi ko alam kung nasaan or kailan babalik nila" aniya nito, nadismaya ako at nakaramdam ng lungkot.
"Ganun po ba" saad ko. Napatango si manang hermit nagpaalam nalang din ako at nagpaalam namin ito. Umuwi ako sa bahay at halos ibagsak ko ang katawan ko sa kama ng makarating ako sa kwarto.
'paano na kita hahanapin, Anna'
♥╣[-_-]╠♥
A/N; Ang boring ng chapter nato but as I said babawi ako sa mga susunod na chapter mas dadamihan ko pa. But still thank you for reading and appreciating my work. I hope you're not that bored sweetie ❤️
YOU ARE READING
Heartbeat
Ficção AdolescenteHave you ever wonder of meeting someone you haven't met for a long period of time? Do you ever wonder of meeting someone who have been far from you for almost 11 years. A 19 years old boy, named Craige has everything he wanted, but except for time...