A/N: Thank you for reading chapter 3 and Salamat at nagpatuloy ka sa chapter 4.
The places and events you are about to read and had read is just a fictional, walang katotohanan, tulad ng mga asawa char lang peace.
______
Kakauwi ko lang sa bahay at diko nakalimutan ang gulat sa mukha ni Hanna para siyang nakakita ng multo tinanong niya panga sa'kin kung saang city ako nakatira right before I came in manila, pero hindi ko rin siya sinagot, I also have my ways to pissed her off.
"Iho, pinapatawag ka ng parents mo" Saad ni manang Loida ng buksan ko ang pinto, agad din naman akong nagulat.
"Nandito na sila?" Tanong ko kay manang Loida at napalitan ang ngiti ko ng pag kalungkot at pag ka inis.
"Goodevening" bati ko sa kanila ng makababa ako at agad na nagmano. Sabay naman kaming umupo sa hapagkainan na puno na ng pagkain.
"How's your study, Craige?" Tanong ni papa sa'kin at agad naman akong napatingin sa kanya.
"It's fine" saad ko at napabuntong hininga siya.
"I've heard that you lost on a debate with your opponent" saad nito at tumawa, sarcastic laugh. Napabuntong hininga nalang ako at doon ko lang naalala na matalik na kaibigan ni papa ang lahat ng staff sa paaralan.
"Babae lang 'yun, Craige, tapos hindi mo magawang taluhin" saad ni papa, agad naman itong sinuway ni mama.
"We all make mistake, Carlos" saad ni mama habang patuloy lang ako sa pagkain, hindi narin umimik si papa at nagpatuloy narin sa pagkain, tahimik lang kaming lahat habang kumakain, lagi namang ganito, Dad always has his way of making me feel worthless like my best isn't enough, people always say that I should praise him for being a successful business man, I do appreciate my father, he's good with business but his lack of support and the fact that he's lack of the trait to be a father. No one talked for a minute, until mom spoke.
"Kamusta na pala si Oliver?" Tanong ni mama sa'kin, agad naman akong uminom ng tubig at tiningnan siya.
"He's fine" saad ko, she nodded then she gave me a smile.
"What course did he take?" Tanong ni mama sa'kin at nakikinig naman si papa.
"Education" saad ko, I could see that my mom was impress, sa kanilang dalawa ni papa, she's more supportive, more loving and she makes me feel heard, but sometimes she cant stand up for me. But, I can't blame him, I know na she's doing it for the sake of my future, iniisip niya lang kung anong makakabuti sakin, just like me, it's her first time living.
"Anyways, Craige, anak, mag aral ka nang mabuti so that you'll be a great business man, just like your father" saad ni mama at napabuntong hininga nalang ako dahil hindi pa nila alam na surgeon ang kinuha ko, na hindi ko sinunod ang gusto ni papa.
"Your mom is right, mag aral ka ng mabuti" Aniya ni papa, sabay silang tumayo ni mama, bumeso lang si mama sa'kin at agad sila pumasok sa kwarto. It's not that my mom wanted me to pursue business, si papa lang 'yung may gusto, but what they know is that I'm taking a Business Ad.
"Craige, gusto ko na BMA Ang kunin mo, nasa lahi natin ang pagiging business man and woman, gusto ko na maging business man ka para may bibigyan ako ng mana sa oras na mawala ako sa mundong ito" saad ni papa at napatango tango naman ako. Kakatapos lang ng highschool life ko at pipili palang ako ng strand ko pero dumiretso ako sa stem dahil 'yun yung sabi ni papa, wala pa akong plano sa buhay ko noon, I lived a life na para akong nasa kulungan, lumalabas lang kung kinakailan at dahil gusto ni papa ang business man pumayag narin ako dahil wala pa akong gusto marating sa buhay ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Heartbeat
Romansa"When past meets the present, 11 Years in the Making." What happens when two people, separated by 11 years, reconnect by chance??? Craige, a 19 year old who seems to have it all is about to discover the one thing he's been missing: true connection...
