Chapter 5

21 7 0
                                    

Nakarating kami ni Hanna sa isang maliit na kainan, gawa lang siya sa kahoy, nung pumasok kami maliit lang din ang paligid, mga anim na lamesa lang tapos may hagdan sa kilid na paikot papunta sa itaas, ng makapasok kami, agad may sumalubong kay Hanna na matandang babae, mga 50s na ata.

"Manang" tawag ni Hanna at yumakap pa dito.

"Iha, ang tagal mong hindi nakapunta dito ah" saad nung matandang babae.

"Wala po kasi kami dito nung summer, tapos naging abala ako para sa pasukan ng first year college ko" Paliwanag ni Hanna na malawak ang ngiti.

"Mabuti naman kung ganoon" saad ng babae at napalingon siya sa'kin, ganun din si Hanna.

"Si Craige nga po pala, kaklase ko" saad nito at napangiti naman ang matanda sa'kin kaya't nagmano ako.

"Magandang Umaga po" bati ko sa kanya habang nakangiti.

"Craige, si manang Teodora" saad nito kaya't napatango lang ako.

"Nako, ka tisoy ba ani imong kuyog, uyaba nana( ang gwapo ng kasama mo, jowain mona)" saad nito agad naman sumilay ang ngiti sa labi ko dahil bisaya din pala ito. But what? Jowain? The thoughts made me laugh, Ako at si Hanna, impossible.

"Wa may gusto si Hanna nako, manang, amego rapud ko niya (wala pong gusto si Hanna sa'kin, manang, kaibigan lang niya ako)" saad ko at napatawa naman si manang Teodora.

"Nakakaintindi ka pala ng bisaya, iho?" Saad nito at tumatawa.

"Opo" saad ko at sinuklian siya nang ngiti.

"Sya, dun na kayo sa taas iha, mas mahangin doon, ihahatid ko lang ang pagkain niyo, lulutuan ko kayo ng tinolang sabaw" saad nito at napangiti, nagpasalamat naman si Hanna at umakyat na, sumunod naman ako sa kanya. It was my first time eating here, I don't usually go out, kung lalabas man ako kasama,'yun ay kung kasama ko sina mom and dad.

"Paano mo nalaman tong lugar na to?" Tanong ko nang maka-akyat kami, medyo open sa itaas kaya mahangin nga kumpara sa baba.

"Manang Teodora work for us bilang katulong, for 10 years ata, I was 7 years old daw simula nung mag trabaho si manang sa'min, then she left nung 17 na ako, 2 years ago narin tong negosyo niya dahil binigyan siya ng bonus ng papa ko" saad nito kaya't napatango ako, napa upo narin ako ng mapaupo siya.

"Bakit siya umalis sa inyo?" Tanong ko, napatingin naman siya sa'kin at kita sa mata niya na ayaw niyang sabihin.

"Nevermind" sagot ko nalang at dahil dun napatingin siya sa labas, agad din akong napatingin doon.

Nakatingin lang kaming dalawa sa labas at pinagmasdan ang paligid, we were like thinking of the rough things in life, I can see it in her face, probably because we're experiencing the same thing. Maya maya pa dumating si manang Teodora at binigay na ang pagkain sa'min.

"Salamat ho, manang" saad ni Hanna, nagpasalamat rin ako kaya't napangiti si manang Teodora bago umalis, agad naman kaming kumain ni Hanna.

"Favourite ko to" saad ni Hanna habang kumakain.

"Sa lahat ng pagkain ito 'yung pinakagusto ko" dagdag nito at tamang tingin lang ako sa kanya. Hindi ako nagsalita kaya't napatingin siya sa'min at nagtama ang paningin naman, agad naman akong umiwas ng tingin at kumain nalang ganun din siya. What was that? Ang weird parang matagal ko na siyang Kilala.

Heartbeat Where stories live. Discover now