Nakauwi ako sa bahay, walang gana, at halos ibagsak ko ang katawan ko sa pagpasok palang, ramdam ko ang sakit, Tama si Hanna at Oliver na kapag mahal mo 'yung isang tao, masasaktan ka talaga, now I get it, ramdam ko na ang nararamdaman nila, I could say that love is not easy as everyone think. It's a real challenge, more like a slaughter.
Maaga akong nagising ng dahil sa ingay ng phone ko, binuksan ko ito at nakita ko na tumatawag si mama, agad akong tumayo at sinagot ito.
["Goodmorning, Craige"] bati nito sa'kin, nailayo ko pa ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya.
"Goodmorning" bati ko dito.
["Kakagising mo lang ba? Malapit na mag 8, Craige"] aniya nito, agad akong nagulat at tumingin sa alarm ko.
"F*CK!" Sigaw ko, narinig ko ang mahinang tawa ni mama sa'kin.
["I miss you son, it's good to wake you up, mag prepare kana"] aniya nito at pinatay ang tawag, nagulat ako at tumingin sa phone ko na kaka end lang ng call.
I miss you son
That's new, I haven't heard her say that. Naligo na ako at nagbihis, nang matapos agad akong pumunta sa baba, agad ko naman nakita si manang Loida na nagluluto. Nagpaalam ako sa kanya at sinabing sa school na ako kakain, ayaw niya sanang pumayag pero sinabi ko sa kanya na malapit na akong malate, kaya't pumayag nalang din siya.
Nakarating ako sa room namin ng 10 minutes late, napahinto si Doctor Dabiyo sa pag discuss at tumingin sa'kin, pinunasan ko naman ang sarili ko na pawis na pawis.
"Goodmorning, Dr. Dabiyo" bati ko dito, napatingin siya sa relo niya at bumaling sa'kin.
"10 minutes late? Not bad" aniya nito kaya't napatingin ako sa kanya.
"Not good either" dagdag niya kaya't yumuko ako.
"I'm sorry about that, Doctor Dabiyo" saad ko napatango naman siya at sinenyasan niya ako na pumasok, pumasok narin ako at tumingin sa upuan ni Hanna, nakatingin siya sa'kin kaya't agad din siyang umiwas.
"Next time na may ma late, hindi ko na papasukin, it bothers my discussion" aniya nito at tumingin sa'kin.
"Is it clear, Craige?" Tanong nito.
"Opo" saad ko, napatango naman siya at nagpatuloy sa pag discuss, nakinig lang ako kay Doctor Dabiyo at napapatingin ako kay Hanna lalo na pag tinatanong siya. Nagpatuloy lang ang discussion, nang matapos nauna akong umalis dahil sa report ko sa second class ko, bago paman ako maka alis narinig ko ang tawag ni Klent sa pangalan ni Hanna, pangatlong beses na niyang tinatawag si Hanna pero hindi siya kinakausap ni Hanna. Narinig ko ang pakiusap ni Hanna na tigilan na siya, walang nagawa si Klent at bumuntong hininga, nang matapos agad akong nagtago para hindi makita, nakita ko pang palinga linga si Hanna na parang may hinahanap siya, napabuntong hininga siya sa huli at umalis, nang makalayo siya agad akong pumunta malapit kay Klent at hinila siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko ito pinansin, marami din ang napapatingin sa'min at nagbubulungan, nakahawak ako sa kwelyo niya kaya't madali para sa'kin ang hilain siya, bonus narin ang pagiging mataas ko.
"Ano ba problema mo?" Tanong nito nang bitawan ko, nasa basketball court kami ngayon.
"Hindi moko kilala?" Tanong ko at tumawa.
"Dapat ba kitang kilalanin?" Tanong niya pabalik.
"Craige Keith Lopez" saad ko, napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
YOU ARE READING
Heartbeat
Novela JuvenilHave you ever wonder of meeting someone you haven't met for a long period of time? Do you ever wonder of meeting someone who have been far from you for almost 11 years. A 19 years old boy, named Craige has everything he wanted, but except for time...