CRAIGE'S POV.
it's been 6 days simula nung bigla kong nakita si Hanna sa gym, I could see pain in her eyes alam ko kung bakit dahil kay Vanessa, unting unting nag sink in sa'kin ang tunay na nararamdaman ko kay Hanna sa mga oras na iyon, ilang beses ko ng pinaulit ulit na baka normal lang 'yung nararamdaman ko but I was wrong, kasi simula nung iwasan ko siya I finally realized that I like her, unti unti ko ng nasasagot ang mga tanong ko, Hindi lang kaibigan si Hanna sa'kin, higit pa doon.
Nasa school ako ngayon, nakatayo sa hallway, wala pang first class namin, ginagawa ko to simula nung araw na umiiwas si Hanna sa'kin, palagi lang kaming nagkakatinginan, sa tuwing pumapasok siya kasama niya 'yung lalakie na humila sa kanya, hindi ko rin ma iwasan mag alala dahil sa pasa na nakita ko sa braso niya.
"Napano 'yan?" Tanong ko sa kanya ng hilain ko siya sa kamay.
"Wala" saad niya.
"Anong wala? May pasa oh" aniya ko sa kanya, hindi siya nagsalita at Inagaw niya ang kamay niya sa'kin.
"Pwede ba, Craige, 'wag ka magpakita ng motibo kung hindi mo naman ako gusto, nakakapagod kasi 'yung ganito eh!" Sigaw nito, kami lang dalawa sa hallway ngayon dahil gabie na rin.
"Walang kang alam!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at agad umalis.
"Lalim ng iniisip mo ha" tanong ni Oliver sa'kin, napatingin ako sa kanya na nakatayo sa harapan ko.
"Dahil ba kay Hanna?" Tanong nito, hindi ko siya sinagot kaya't bumuntong hininga siya.
"Hanggang kailan mo ba itatago ang nararamdaman mo?" Tanong ni Oliver sa'kin.
"Baka sa huli mag sisi ka" dagdag nito pero hindi parin ako nagsalita.
"May kasama pa naman si Hanna na lalakie araw araw, 'yung si Klent" dagdag nito kaya't agad akong napatingin.
"Klent?" Kunot noo kong tanong.
"Oo, si Klent 'yun, pero senior pa 'yun" saad nito, napabuntong hininga ako at agad tumayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni Oliver, hindi ko siya pinansin at nagmamadaling umalis.
Nakarating ako sa library pero hindi ko nakita si Hanna, agad akong lumabas at pumunta ng gym pero wala din doon, inikot ko ang buong campus pero wala siya doon, napaupo ako sa bench dahil hindi ko makita si Hanna, ba't parang pinaglalaruan kami ng tadhana. Nasa classroom na ako ngayon, nag didiscuss ang preceptor namin, ganun lang naman talaga araw araw, Minsan performance, minsan written task, nag enjoy naman kami kahit papaano, kasi we took the course we want, ng matapos ang first class ko, agad akong pumunta ng second class, nag pa oral lang siya pero buti nalang nasagot namin lahat, agad din nag bell para sa last class, hindi na ako nag aksaya ng oras pumunta doon, dahil alam kong andoon si Hanna, ng makarating ako, wala pa masyadong tao kaya't naghintay nalang ako sa labas, maya maya pa dumami na ang tao at dumating narin ang preceptor kasama si Hanna, nagulat pa ang preceptor kung bakit ako nasa labas, umiling lang ako at nagmamadaling pumasok.
Natapos ang class, unang lumabas si Hanna dahil natapos na siya, agad naman akong nagmamadali nag submit at sinundan si Hanna, pero nung makalabas ako, tumatakbo na siya, agad din akong tumakbo at hinabol siya pero nawala din siya sa mata ko ng makababa ito. Napasambunot nalang ulit ako sa ulo, sinasadya niya talagang habulin ko siya. Wala na akong nagawa at pumunta nalang sa gym para mag practice, ng makapasok ako agad akong pinasahan ng bola, agad ko naman itong shinoot.
YOU ARE READING
Heartbeat
Teen FictionHave you ever wonder of meeting someone you haven't met for a long period of time? Do you ever wonder of meeting someone who have been far from you for almost 11 years. A 19 years old boy, named Craige has everything he wanted, but except for time...