Chapter 6

12 7 0
                                    

Pauwi na ako sa bahay dahil sabi ni Hanna sa Saturday nalang daw namin tatapusin, 11 pm na kaya wala masyadong traffic, nag commute lang din ako dahil nasa paaralan ang motor ko,pagdating ko sa bahay, bumungad na naman sa'kin ang tahimik na paligid, ang lakie nga ng bahay tahimik naman. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos natulog dahil inaantok narin.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa alarm ko, agad akong naligo at nagbihis hindi narin ako kumain at dumiretso na sa paaralan. Nang makarating ako doon dumiretso ako sa court dahil andoon si Oliver, nag usap muna kami saglit tungkol sa babaeng nakilala niya sa store kaya't natawa ako sa kanya. Ng mag ring ang bell nagpaalam na kami at pumunta na ako sa room ko, andoon narin lahat ng classmates ko including Hanna, nagulat panga ako dahil naka upo siya sa tabi ng upuan ko.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko ng makaupo.

"Here!" Abot niya sa'kin ng ballpen, nagtaka naman akong tinitigan iyon.

"Baka wala kang ballpen ngayon dahil nasira ko kagabie" sagot nito at tumawa, nilagay lang niya ang ballpen sa lamesa ko at agad umalis. Ganun lang ang nangyari buong umaga, kumain nalang kami ni Oliver sa labas ng street food may nakausap pa itong babae at umalis kaya't naiwan ako mag isa, hindi na ako nag abala pang alamin kung bakit kaya't bumalik nalang din ako sa classroom ko pagkatapos dahil malapit na rin mag 1 pm. Nang magring ang bell nag start na kaagad ang second class ko sa afternoon kaya ganun lang din ang nangyari, may project pa kami sa Research namin tungkol sa history.

"Nice game" saad nung ka team mate ko andito kami ngayon sa gym at kakatapos lang ng practice namin, umiinom ako ngayon ng tubig at nagbihis ng shirt, niligpit ko na rin ang gamit ko at nagulat ako ng biglang may nagsalita.

"Ang galing mo pala sa basketball" saad ni Hanna, nagtaka naman akong napatingin sa kanya kaya't natawa siya.

"Nagulat ba kita?" Tanong niya kaya't natawa rin ako at umupo sumunod din naman siya.

"Na hobby ko lang" saad ko dito.

"First time ko rin sumali eh, mostly kasi music club ako" saad ko at tumango tango naman siya.

"So I assumed you know how to play guitar" sagot nito.

"Hindi sa pagmamayabang but yeah I do" sagot ko at napangiti naman siya kaya't napangiti din ako. Natahimik kami saglit at parehas nakatingin sa malayo.

"Bakit di kapa umuuwi?" Takang tanong ko sa kanya.

"Nakakawalang gana, umuwi" saad nito at hindi man niya aminin pero nakikita ko sa mata niya ang lungkot.

"Pagod kaba?" Tanong niya bigla sa'kin, pagod naman talaga ako, pero baka kailangan niya ng karamay.

"Bakit?" Tanong ko.

"May book sign kasi 'yung favourite author ko, pupunta sana ako" saad nito.

"Anong gagawin ko doon?" Tanong ko.

"Eh, ano kasi, I... I need someone...to you know, take me there" saad nito kaya't natawa ako.

"Hindi ka papayagan no kapag sa driver ka nagpahatid" saad ko at tumango siya kaya't napangiti ako.

"Tara" dagdag ko at tumayo kaya't agad din naman siyang tumayo.

"Sa tingin mo aabot pa ang gasoline mo doon?" Tanong niya ng makarating kami sa parking area kaya't tumawa ako.

Heartbeat Where stories live. Discover now