Hanna's Pov.
Nakaupo ako sa bench ngayon, marami na ang nangyari samin ni Craige, yung pag iwas niya, 'yung pananakit ni dad na walang nakaka alam, yung mga araw na nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko sina Craige at Vanessa na magkasama.
"Hanna?" Rinig kong tawag sa'kin, napalunok ako ng makita ko si Craige, nagmamadali akong tumayo at umalis pero hinabol niya ako.
"Please dont go" saad nito. Nagulat ako at tumingin sa kanya.
"May kailangan tayong pag usapan" aniya at seryosong nakatingin sakin.
"Wala tayong dapat pag usapan, Craige" saad ko sa kanya.
"Meron, Hanna" sabat nito at napatitig sakin.
"Gihigugma taka(mahal kita)" Saad nito na ikinagulat ko, did I hear it right? Marami pang sinabi si Craige at dun niya inamin ang nararamdaman niya, nagulat man ako pero aaminin ko na naging masaya ako sa pag amin niya sakin, Craige did court me, pinaramdam niya sakin na mahal niya ako, he make sure I am safe, at lagi niyang pinapa alala sakin that I am worth it, that I deserve more, ilang beses niyang pinaramdam sakin na kamahal mahal ang lahat sakin, at talagang bumabawi siya. Nung umuwi siya sa cebu nag pa alam din siya sakin na uuwi siya, na inggit tuloy ako gusto ko rin umuwi sa cebu, nabanggit niya yung pangalan ng nanay hermit ko, Hermit din pala ang pangalan ng katulong ng kababata niya what a coincidence, nagulat rin ako dahil sinorpresa pa ako ni Criage, We had date nung araw na iyon, pinipilit parin ako ni papa na gawin yung plano ko kay Craige, pero hindi ko magawa, hindi na rin ako nagbibigay ng info kay papa sa mga nalalaman ko, he didn't even know that I am dating Craige right now pero wala akong pakialam, I am scared, sino ba naman ang hindi matatakot, kapag nalaman ni Craige ang totoo, he could despise me for it and I cant risk that.
Christmas break at sasamahan ako ni Craige pauwi sa Cebu, hindi ko na siya pinigilan pa sa gusto niya, bumyahe na kami papuntang cebu at nung makarating kami doon agad akong na excite, baka sakaling makita ko si Raige this Christmas, nakasunod lang si Craige sakin.
"Anna, nakabalik kana" aniya ni manang Hermit at niyakap ako.
"Anna" Rinig kong tawag ni Craige.
"Anna agad, porket alam mo na nickname ko" saad ko at tumawa pero bigla akong niyakap ni Craige, nagulat ako sa ginawa niya and what he said shocked me.
"I miss you" Aniya at hinawakan ako magkabilang pisnge.
"Raige miss you so much, I miss you so much" Saad nito. Raige? nagulat ako at halos hindi mag sink in sa utak ko ang pangyayari. Is he Raige? kaya ba madami silang similarities, kaya ba napakagaan ng loob ko sa kanya dahil siya si Raige, dito ba siya nag punta at hinanap niya ako kay manang hermit?
"R-Raige?" saad ko at niyakap siya. I have always waited for this, 11 years and I finally met my first in everything. Craige and I had a catch up, pinasyal ko siya sa simala, alam ko na namangha si Craige, first time niya kasi dito. Second time ko rin.
"Thank you for bringing me here" saad nito sakin.
"Alam ko kasi na hindi ka nakapunta pa dito" saad ko sa kanya.
"This is the least I can do" saad ko at ngumiti.
"I love you, Anna" Aniya at hinawakan ako sa pisnge, then he laid his lips on mine, ramdam ko ang tibok ng puso ko, even though he was not my first kiss, I felt a sense of peace and I couldn't ask for more, I knew that I am happy with him and being with him is my greatest blessing.
Hindi kami nag kibuan ni Craige magdamag, sinabi ko sa kanya na hindi ako galit, hindi naman talaga ako galit nagulat lang ako, unang una wala pa kaming relasyon ni Craige, pangalawa hindi pa kami official, I wanted to at least claim his lips kapag kami na. We celebrate christmas together, masaya ako na nagkasama kami ni Craige sa pasko. It was one of the happiest moments I have encountered. Pagbalik namin sa Cebu, pinakilala niya ako sa kanyang mga magulang, nagulat pa ako kasi hindi pala alam ng parents ni Craige na kumuha siya ng surgeon.
YOU ARE READING
Heartbeat
Genç KurguHave you ever wonder of meeting someone you haven't met for a long period of time? Do you ever wonder of meeting someone who have been far from you for almost 11 years. A 19 years old boy, named Craige has everything he wanted, but except for time...