"Where are you going?" Tanong ko sa mommy ko habang pinapanood 'syang mag-impake ng mga damit niya dito sa kwarto nila ni daddy
"iiwan mo ba kami?" Tanong ko ulit, dahilan para mapahinto siya sa kanyang ginagawa
"No. Hindi ko kayo iiwan ni ate, kaylangan lang ni mommy pumunta sa malayo para mag work." Nakangiting sabi nya kaya hindi ako nakasagot
"Bat kaylangan sa malayo kapa mag wo-work? Hindi ba pwedeng dito nalang?" Tanong ko pero umiling lang sya
"Sweetie, alam mo naman ang trabaho ni mommy diba? Ang artista kaylangang sunduin ang mga iniutos ng director, kung ayaw mawalan ng trabaho." Aniya
Our parents are both c.elebrities, Sanay na kami ng elder sister ko na wala silang time sa amin, pero hindi kami nasanay na kaylangan nilang pumunta sa ibang bansa para sa film nila.
"Babalik ka diba?" Tanong ko kaya nakangiting tumango sya
"Babalik si mommy, I promise." Sabi nya kaya agad ko syang niyakap
That was, 10 years ago. Nung inakala kong babalik ang mommy ko.
10 years akong naghintay sa labas ng bahay namin nagbabakasakaling dadating sya bigla, 10 years nadin akong nag wi-wish kay santa na sana bumalik na ang mommy ko. Pero wala, Sabi nga nila (hindi mo makukuha ang gusto mo pag hindi mo pinagsikapan.) Kaya eto ako todo effort! Naging mabuting anak, Pero 10 years passed, hindi talaga bumalik ang mommy ko.
Matagal ko naring napanood ang film nya na'sa Nami Island, Yun yung film nya na kakaalis nya dito sa bahay. Yun din yung film nya na sinacrifice nya ang pamilya nya para sa career nya.
Inisip kong baka busy talaga ang mommy ko kaya hindi sya nakabalik, kaya I'm still hoping na someday, susulpot nalang sya bigla sa bahay, kasi uuwi na sya.
All I want is my family. Pero mas pinili ni mommy ang mapalayo sa amin kaysa sa mabuo ang pamilya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa ate ko ng makita syang nag-iimpake ng gamit nya dito sa kwarto namin
iisa lang kami ng kwarto, Hindi kasi ako sanay matulog ng mag-isa, natatakot ako eh
"I needed to study for Medical College Admission Test(MCAT) para makapag med school ako sa canada"Aniya
"Iiwan mo ako mag-isa dito?" Taas kilay kong tanong sa kanya habang nakapagkross ang dalawang kamay
"Hindi, Kasi aalis ka'din naman eh, diba? Narinig ko usapan nyo ni daddy na ipapatapon ka nya sa surigao." Nakangiting sabi nya
Yung ngiti nyang nagpapahiwatig na, Ngiting panalo.
"Why are you saying that? Hindi pa naman sure ah!" Sagot ko sa kanya
"Pag si daddy na ang nagsalita, wala na tayong magagawa." Aniya
She's right, Nag-usap kami ni daddy nung isang araw na dun daw muna ako sa siargao, Sa bahay ng yaya fhey ko habang hinihintay na gumaling ang asawa nito.
Ayoko sanang pumayag sa proposal ni dad pero wala din naman ang ate kasi kaylangan nya ng space.
"Mag iingat ka dun ha? I'll promise pag nakatapos ako sa exam, susunod ako agad." Nakangiting sabi nya kaya tumango nalang ako
After that day, Kinabukasan ay agad akong nagpaalam kay dad na b-byahe na ako as soon as possible, Hindi kasi ako makatulog ng maayos ng mag-isa sa kwarto ko, It feels like, parang may multo na nag t-touch sakin pag ako lang mag-isa.
"Papayag ka na pupunta ka sa surigao? Lemme think, may kapalit nanaman ba'yan?" Taas kilay nyang tanong sakin habang kumakain kami
"Nahhhh, I'm not that teenager na kaylangan may kapalit kaya papayag sa kagustuhan nyo, Pero kung magpupumilit talaga kayo eh, Pwede namang yung dress na nakita ko sa mall kahapon, Dad super ganda nun, tsaka feeling ko, fit na fit yun sakin." Nakangiting sabi ko kaya agad umirap si dad dahilan para mapatawa ako
BINABASA MO ANG
Safe Ride With You
RomanceBack when they are both kids, They used to be a childhood friend, But Yuri Coleen Carson get into a plane incident, Kaya nalimutan nya ang kanyang mga pangako, masayang ala-ala at pagsasamahan sa lalaking matagal nya nang minamahal, He is Gabriel Ry...