How to be an Extra?
| Prologue |Mezzi Claudine Stockholme
Nakatingin ako sa salaming bintana habang umuulan sa labas. Di pa dumarating si Prof. Sylvia de Marquez para sa English subject namin. Wala akong magawa kaya nakuntento ako sa pagbibilang ng patak ng ulan na alam kong imposible kong mabilang. When you feel bored, you tend to do worthless things.
"Mezz," tawag ng isa kong kaklase kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. I looked at her with my infamous stoic face. "Uhm... may meeting tayo mamaya para sa group project sa Science." Kaagad nyang iniba ang direksyon ng tingin pagkatapos.
"Where?" I deadpanned.
"Sa school library. Hihintayin ka namin doon." Mabilis nyang sagot at kumaripas ng takbo patungo sa upuan nya.
I sighed. "Why is everyone afraid of me?"
But I shouldn't have asked that question to myself. Alam ko ang sagot sa tanong na 'yon. My emotionless face and attitude are the reasons as to why everyone is so distant to me. I don't have friends and I have no plan to have one. Sanay naman akong mag-isa.
"Good afternoon, class!"
Dumiretso ang tingin ko sa unahan sa pagbati ni Prof. Marquez. Nakangiti ito habang inilalapag ang mga teaching materials na dala nito.
"Good afternoon, Prof. Sylvia de Marquez!" The class greeted her in unison.
"I have checked your examination papers, and I would like to commend Ms. Stockholme for getting a perfect score." Napatingin si Prof. Marquez at ang mga kaklase ko sa direksyon ko.
Ipinagsawalang-bahala ko 'yon. Wala namang bago.
"Hehehe... let's start our lesson for today." Nasabi na lamang ni Prof. Marquez dahil wala akong naging reaksyon sa sinabi nya.
What do they expect?
"Today, we will discuss about one of the elements of the story—the characters," nagsimula na sa pagtuturo si Prof. Marquez. She used PowerPoint presentation to elaborate the topic. "The characters can either be a person, an animal or a thing. They give life to the story."
Nangalumbaba ako habang nagsusulat sa aking kwaderno. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa labas. Patuloy pa rin sa pag-ulan, at ngayon ay may kasama pang pagkulog at pagkidlat.
The class momentarily stops when the fluorescent lamp suddenly flickers. Napasigaw pa ang iba sa mga kaklase ko dahil sumabay ang pagkulog dito. Nagpatuloy ang pagpatay-sindi ng ilaw.
"Class, calm down." Prof. Marquez stayed at her place. Hawak nito ang cellphone na ginagamit bilang ilaw.
"This scene is similar to what I read." I whispered.
Dahil ilag ang lahat sa akin, walang nakakaalam sa hilig ko sa mga thrillers at detective stories. Wala ring nakakaalam na sobra ang curiousity ko sa katawan. This particular scenario makes me inquisitive to a frequently asked question if ghosts are really real.
Ilang sandali ay bumalik rin ang ilaw. Akala ko pa naman makakakita na ako ng totoong multo. According to what I read; electrical interference is one of the signs of having a poltergeist. But maybe, it is just a power shortage that happens.
"Okay—"
Magsasalita sana si Prof. Marquez nang makarinig kami ng katok sa nakabukas na pintuan. Prof. Jezzbel dela Cruz immediately approaches Prof. Marquez.
"Classes are cancelled. May bagyo at Signal No.3 ang lugar natin." Pag-iimporma nito.
Kaya naman pala kanina pa umuulan. Palakas nang palakas rin ang hangin sa labas. But a typhoon?
BINABASA MO ANG
How to be an Extra?
Fantasy[Excerpt] Mezzi Claudine Stockholme is a curious woman. She is fond of thrillers and detective stories. One evening, while she is staying at their school library which she usually does, she discovers a peculiar book. It is shining and shimmering wit...