Chapter 07: Extravagate

1.1K 97 9
                                    


How to be an Extra?
| Chapter 07 | Extravagate

Mezzi Claudine Stockholme

Time flies so fast. Isang buwan na ang nakalilipas mula nang pumasok ako sa nobelang 'The Tale of Geovanne and Arrisse'. Kahit papano ay nakapag-adjust na ako. Hanggang ngayon ay buo pa rin ang isipan ko na iwasan ang mga pangunahing tauhan sa kwento.

Lady Beatricia never shows up again which is a good thing. Rumour is spreading that there is a rivalry between Arrise and her, which lead to conclusion, the story doesn't change a bit. Nakahinga ako nang maluwag dahil dito.

Sometimes, hindi ko napigilan ang pagiging curious ko at pilit na sinusundan ang takbo ng istorya. It maybe cliché and has cringeworthy feeling, but watching them stirs something in me. Pakiramdam ko, nagiging tsismosa na ako. Like now, I am an undercover agent peeping on the leads' date. Feel na feel ko naman dahil forte ko ang bagay na 'to.

This is Chapter 5 in the novel—when Arrisse would reject Geovanne. Dahil sa tingin nito, magkaiba ang mundong ginagalawan nila.

"Geovanne... this is wrong. We shouldn't meet up again." Malungkot na sabi ni Arrisse.

Nakaupo pareho ang dalawa sa gitna ng flower field. No wonder kung bakit sila ang leads—pinag-isipang mabuti ng may-akda ang setting ng dalawa. I can't help but to be mesmerized by the looks of different flowers surrounding them.

"Walang mali sa ginagawa natin. Walang mali sa pagmamahal kung mahal natin ang isa't-isa." Hinawakan ni Prince Geovanne ang kamay ni Arrisse pero mabilis na kinalas ito ng huli.

"Love isn't enough, Prince Geovanne. Ipagpaumanhin mo pero hindi tayo para sa isa't-isa."

Tumayo ito at iniwan ang prinsipe.

This scene is cliché, and I've seen and read it through movies and books for how many times. Nanindig ang balahibo ko sa kanila. It is not that I get goosebumps, but it is so cringey.

Panandaliang napatulala si Prince Geovanne. Tila pinagbagsakan ito ng langit at lupa—which is a very typical reaction. Pero mabilis ang pagtago ko sa likod ng puno nang dumako ang tingin nito sa direksyon ng pinagtataguan ko.

Bakit nga ba ako narito? Yes, I am curious but this doesn't make sense.

Sinilip ko ulit ang puwesto ng prinsipe pero wala na ito roon. Napagdesisyunan kong tumayo at pinagpagan ang palda. Ibinaba ko na rin ang scarf na ginamit ko pantabon.

Aalis na sana ako nang may mahulog sa tapat ko.

"What the!" Napatili ako dahil sa gulat.

Tumayo nang matuwid ang lalaki at hinarap ako. "I'm sorry to startle you, Ms. ... Tsismosa." He smirked.

Hindi pa ako nakakapag-react nang talikuran ako nito. Natauhan ako nang mapagtanto ang sinabi nya.

"Ms. Tsismosa?" turo ko sa sarili. "Sino ba sya para i-judge ako?!" Di ko napigilan na mainis habang nakatanaw sa daan na tinahak ng lalaki.

Sino ba 'yun? Remembering his feature, he is someone who can never be left behind. Kahit mabilisan ko lamang na nakita ang mukha nito, di ko itatanggi na pasok sya sa banga. But I don't like his attitude, he knows how to piss me off.

Isinantabi ko ang nangyari, at nagtungo sa opisina ni Headmistress Klaus. I still have my trainings with her. Sa nakalipas na isang buwan, nakaya ko nang buhatin ang espada at gamitin ito. Na-master ko na rin ang archery. And now, my combat training is the last in line to reach the training of unleashing power.

"You're in time," naabutan ko si Headmistress Klaus na bihis na, at may telang nirorolyo sa kamay. "Immediately change your uniform." Utos nya sa akin.

How to be an Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon