Chapter 22: Extraction

755 61 0
                                    


How to be an Extra?
| Chapter 22 | Extraction

Mezzi Claudine Stockholme

Isa sa mga bagay na kinatatakutan ko ay ang mahulog... mahulog na walang sasalo sa akin. I am not knacking for a pick-up line here but that's the truth. Ilang beses na akong nahulog—not literally—and it always not so good experience. People might say... when you fall, stand up and use it to grow. But, how to grow if it is always happening on my way?

Now... that I am falling literally... everything gets clearer now. Hindi ko gustong mahulog nang paulit-ulit. I need to stand still, and never let any problems nor anyone defy me. Since I have gone into this world, weaknesses of mine have been prevaling—the jinxes that don't happen to the real world has been surfacing. Psychologically speaking, I am afraid.

"Easy."
"I catch 'ya."

Fortunately, dalawang kamay galing sa dalawang tao ang mabilis na umalalay sa akin—Yvester and Rustean.

"Thank you." I heaved a sigh. Tumayo ako nang maayos.

"Hala... sorry. Hindi ko sinasadya. Natakot ba kita?" Dumiretso ang tingin ko kay Charise na tumigil sa gitna.

I feel relieved but at the same time... worried. Nagpapasalamat ako na kahit papaano ay naudlot ang pakahulog ko. But on the other side, I am starting to feel helpless and useless in this world.

Aside from defending Lady Sneddelline's reputation, I have never rendered help during major downfalls... almost—mga pangyayaring kung walang tumulong sa akin ay malamang sa malamang napahamak ang katawan ni Lady Sneddelline. Kung hindi ako nagkakamali, this is the third time someone has rescued me. Ang una at pangalawa ay ang pagtulong at pagligtas sa akin ni Zauster. I hate to admit... but I am indebted to him because those first two are crucial events compared to the latest. Nonetheless, thinking about it, wala man lang akong nagawa para tulungan ang sarili at katawan ni Lady Sneddelline. And, it is somewhat repeating.

Habang tumatagal, pakiramdam ko nagiging mahina ako katulad ng totoong may-ari ng katawang 'to. Isang pruweba ay ang pagiging lampa ko at pagiging madaling matatakutin. This is so not me!

As far as I can remember, the real me has strong body. Kahit ang mahinang katawan ni Lady Sneddelline ay nagawa kong palakasin. Scaredy-cat? It is totally out-of-my-league. I need to hold a grip.

"Hala... sorry, sorry, sorry..."

Nagulat ako nang biglang umiyak si Charise. Then, she is bowing her head at ninety degrees repeatedly. I am preoccupied and couldn't respond to her immediately. Marahil iniisip nya na hindi ako okay sa ginawa na may katotohanan din naman. Nonetheless, she must have been guilty.

"No... no, Charise. I am alright," hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil totoong natakot nya ako. Pero, "Nothing happens, so it's fine."

Nilibot ko ang tingin sa mga kasama namin na nanatiling walang-kibo sa nangyayari.

But eventually, "What a scene. What a waste of time," sabi ni Zaprina. Dahil dito, nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya. "What? Kung hindi tayo kikilos, mas mabuting hindi na rin tayo tumuloy."

After that, we hear the flapping of wings nearby. Isa-isang lumipad ang tatlong karwaheng hila-hila ng tigdalawang pegasus. Tanging ang karwahe na para sa aming grupo ang naiwan.

"We really should keep going." Gerg awkwardly smiled while scratching his nape.

"Yes..." isang saliwang ngiti rin ang pinakawalan ko. "Okay lang talaga ako, Charise." Tinanguan ko ito.

Hindi ako nag-aksaya ng oras, at naunang pumasok sa karwahe. Dahil gusto kong makita ang tanawin sa labas, napili kong umupo malapit sa bintana.

"Okay ka lang ba talaga?" Mabilis na napalingon ako sa gilid. Tumabi sa akin si Yvester.

How to be an Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon