Chapter 17: Extrapolate

1K 70 3
                                    


How to be an Extra?
| Chapter 17 | Extrapolate

Mezzi Claudine Stockholme

Is he really mad?!

Everything gets awkward. Hindi ko alam kung ano ang iri-react ko sa nangyayari. Bakit kasi kailangan pang ulitin?

"Kaya patawarin mo na ako," he huskily said, loud enough for everyone to hear. And, he whispered. "If you won't cooperate, this payment of yours would be invalid."

Gusto kong magpumiglas pero masyadong nakayapos ang tukong 'to. Hindi naman ako nasasaktan pero malakas sya para pigilan ako sa tangkang galaw ko.

"Bitaw—" Nagpumiglas ako pero kaagad natuod sa sunod nyang sinabi.

"Just cooperate or else...  ," bulong nya. Seriously?! "Good girl. Don't you dare go berserk or else... gagawin ko 'yun."

He is mad... totally! Gusto ko man magpumiglas ay hinayaan ko na lamang. Even if this isn't a plausible payment for what I have owed to him, pinalagpas ko... ngayon lang 'to. What's important is secure what's important—dignity.

Hindi na talaga ako lalapit sa lalaking 'to. But on the second thought, it's unapplicable. We are paired... and guess... I dig my own grave. This wrong approach is starting to backfire.

Nevertheless, I shouldn't backdown and let this man reign atop of me. Hangga't may magagawa ako ay gagawin ko.

"You. Are. Forgiven." Pasimple ko syang kinurot sa tagiliran.

Aakalain ng mga nanood na niyayakap ko sya pabalik. Unknowingly, there is misery in that hug, and I am loving the feels. Payback!

"You..." Nakita ko ang sakit sa mukha nito. Well-deserved!

"Bitaw na." I mouthed.

Kung hindi sya bibitaw, wala rin akong balak na itigil ang pagkurot sa tagiliran nya. Habang tumatagal, mas lalong idinidiin ko ang kurot. But like any other men, he is short of patience.

Nakahinga ako nang maluwag ng bitawan ako nito ngunit hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa nya.

"Thank you. You are the best." Kinurot nya ang magkabilang pisngi ko.

Ansakit.

Balak ko sana syang gantihan pero hindi ko na nagawa dahil sa pagsingit ni Headmistress Klaus.

"Stop the lovey-dovey, young couples," nakangiti ito. "Hindi tayo nagpunta rito para sa advanced honeymoon nyo. We are here because of Orægon Fest."

Bigla akong na-conscious sa sinabi ni Headmistress Klaus. It seems like I act beyond Lady Sneddelline's character. I should have ended his stupid facade right away... but I have missed it.

Tinalikuran kami ni Heasmistress Klaus at nagsimulang maglakad. Mabilis akong sumunod para makasabay ito. Ayokong makasabay sa paglakad ang lalaking 'to.

Hindi ko alam kung saan kami tutungo. I am walking along with Headmistress Klaus, while the others are following at our back. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang ibang tao o ni Dragonians sa paligid. Napakaaliwalas na sinasabayan nang patuloy na pag-ihip ng malamig na hangin. Good thing—we all are wearing thick jackets as pre-advised. Nasa ibabaw ito ng mga uniporme namin na pinarisan ng boots.

Nang tumigil si Headmistress Klaus ay tumigil rin ako. Nilibot ko ang tingin sa paligid, at sa pagkakataong ito ay nakakita ako ng ilang mga tao at kumpol ng mga kakaibang nilalang.

Isang nilalang sa kumpol ang lumapit kay Headmistress Klaus. "Maligayang pagdating sa Orægon Heights, Headmistress Klaus."

"Maraming salamat, Pinunong Aeragon." Yumukod sila sa isa't-isa.

How to be an Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon