Chapter 24: Extra Game

697 49 1
                                    


How to be an Extra?
| Chapter 24 | Extra Game

Mezzi Claudine Stockholme

"Thank you, Healer Euclasias," mungkahi ni Duchess Stelline. "It is a relief that you are one call away."

"Walang anuman, Duchess Stelline. Trabaho at responsibilidad ko po na pangalagaan ang lahat ng kasapi ng F—"

"Alam ko pero maraming salamat pa rin na parati kang naka-stand by para tulungan kami." Mabilis na pagputol ni Duchess Stelline.

Narito kami sa isang tent na kung saan kasalukuyang namamalagi ang mga magulang ni Lady Sneddelline. This is not a normal tent dahil kung ganoon, tiyak na tagos ang lamig dito sa loob. But this isn't, and it seems to have its own heater.

What can I say?

"Magic makes impossible possible." I muttered. They could craft a much more upgraded things.

On the other hand, magic has also detrimental effects. Sa sobrang paggamit ng kapangyarihan, pwedeng mamatay ang isang tao. With magic, some becomes greedy.

Tungkol sa panaginip ko—it seems true but not. Totoo dahil ramdam ko ang kapangyarihang nag-uumapaw sa katawan ko. I even cause fire, mabuti na lang at mabilis na nagtawag ng tulong si Steff.

And, about her... how can I say this? I am having an uneasy feelings towards her because of that dream. Kahit hindi totoo, pakiramdam ko kailangan ko munang layuan si Steff—which, I am little bit undecided. Kakasimula pa lamang ng pagkakaibigan namin, at ito ang unang pagkakataon na gusto kong makipagkaibigan. I don't know but there is that instinct, however, the other side instinct is telling me not.

"Kailangan pa syang i-monitor. And if something happens, this would help her."

Muling bumaling ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Necklace of Mosel?" Tanong ni Duchess Stelline.

Tinanguan sya ni Healer Euclasias. "That is to suppress her power as of the moment. Epekto ito ng pagiging late awakener nya pero wala kayong dapat na ipag-alala. This is a normal occurrence for her case."

"Thank you again."

"Hindi na ako magtatagal, Duchess Stelline." Paalam ni Healer Euclasias.

Inihatid ito ni Duchess Stelline hanggang sa labasan. Nang bumalik sa harapan ko si Duchess Stelline ay kaagad nya akong niyakap—very tight. There is something I can't pinpoint with that hug.

"I am so worried about you." Kumalas sya sa yakap. Pinagkaabalahan nya naman ang paghagod sa buhok ko.

Tumingin ako sa kanya. She seems exhausted.

"Wala kayong dapat ipag-alala, mother. Maayos na po ako. Tsaka, sinabi ni Healer Euclasias na normal ang bagay na 'to sa kondisyon ko."

Tumigil sya sa ginagawa at tiningnan ako ng diretso. Tila ba nagtataka sya.

"Alam mo?" She asked.

"Uhmm..." I nodded. "I happened to do some research about it. Hindi naman 'ata maganda na hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin."

Late awaker—that is the condition of Lady Sneddelline's body. This happens when the power of someone is long overdue. Ibig sabihin, hindi 'to lumabas sa eksaktong edad dahil lumagpas ito sa itinakdang oras. There is no much detailed document about the matter—so, that's it.

She smiled. "You really changed, Sneddy. Hindi ko alam na ganito kalaki ang pinagbago mo pagkatapos mong mawalan ng alaala."

This is because I am not her daughter. I am not the real Lady Sneddelline. No matter how I act to avoid suspicion, lumilitaw pa rin kung sino talaga ako.

How to be an Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon